Nakita kong napahinto si King Bee at galit na humarap saakin.

I know it! Matritriggered siya saakin pag sinabi ko iyon HAHAHAHA

Tumalon ako paatras ng makita kong magbagong anyo si King Bee. Kunwaring namamangha pa ako ng makita kong pinapalibutan na siya ng mga lava.

Binalik ko sa dati ang aking sandata. Magkatabing tumingin saakin sina King Bee at Wolfalgirl.

Mahigpit kong hinawakan ang aking Slirewod at hinanda ang sarili. Sabay nilang pinalabas ang kanilang mahika at ito ay nagsama, ang spike namay lason at lava ni King Bee at ang apoy ni Wolfalgirl.

Mabilis kong inishlash ang aking sandata dahilan maglabas ito ng mahika at salubungin ang atake nila.

Agad akong nagteleport sa likod ng King Bee ng sumabog ang mga atake namin. Mabilis kong pinutol ang buntot niya at hiniwa ang ulo. Pagkatapos, nagteleport naman ako sa harapan ni Wolfalgirl na tila hinahanap paako.

"I'm here" sabi ko at mabilis ko siyang hiniwa sa dalawa.

Kasabay ng pagwala ng usok, ang siyang pagwala ng dalawang nilalang.

Nakapag-exercise din ako.

Tumalikod na ako at pumunta sa pwesto nila HM.

Hindi pa rin sila tapos? Ipapaubaya ko na lamang sa kanila iyan.

Nagteleport na ako sa aking dorm at agad na gumawa ng portal. Pumasok na ako at inilabas ako nito sa aking opisina. Nakita ko namang inaayos na ni Cassandra ang mga papeles.

Tumikhim ako dahilan mapatingin siya saakin at mapatayo.

"Anong nangyari?!" mabilis na tanong niya ng makalapit siya saakin.

"Sumogod sina King Bee, Mosquiboy at Wolfalgirl" sabi ko sa kanya at umupo.

"Tsk! Sinamantala nila ang pagkawala ng mga Royalties" sabi ni Cassandra.

Tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

"Ano na ang balita dito ng umalis ako?" tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang sumimangot at binigay saakin ang mga papeles.

"Ayan! Tapos na lahat!" nakasimangot na sabi niya dahilan matawa ako.

"Wag kang sumimangot, papanget ka nyan HAHAHA. Salamat, ililibre na lang kita" sabi ko sa kanya at nagningning naman ang kanyang mga mata.

Kahit kelan talaga! Nagtitipid ang babaita!

"Talaga!?" nakangiting tanong niya.

"Oo nga!" natatawang sabi ko.

"Tara na!" nagmamadaling sabi niya at hinatak ako palabas ng office ko at dinala sa Cafeteria.

Napailing na lamang ako sa pagiging isip bata niya. Napatingin ako sa paligid at namalayan ko na lamang na lunch time na dahil nasa labas na ang mga estudyante.

Naagaw naman namin ang atensyon ng mga estudyante. Siguro dahil sa mga mata namin. Napag-usapan kasi namin ni Cassandra na mag-iitim muna kami ng buhok habang ang mga mata namin ay mananatiling may kulay.

Sino nga naman ang hindi makakapansin sa mga magaganda naming mata?

Mabilis naman kami nakarating sa Cafeteria.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now