He's Back

3.5K 99 82
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . . .

ANGIE'S Pov:

Hangang ngayon sinasaayos pa din ang mga nasira sa Academy. Nagtutulong tulong ang mga studyante, maging ang iba pang Kingdom ay nakitulong na rin. Kaya mas napapabilis ang pag sasaayos.

"Hayy, nakakapagod naman!" Napatingin ako kay Wendy na nahiga sa lumalago ng mga damo. "Mabuti na lang malapit ng maayos."

Nandito kami ngayon sa Garden, sa silong ng malagong puno na hindi nauubusan ng dahon. Mabuti na lang at hindi ito nadamay.

"Sa tingin niyo, kailan sasalakay ang mga BS?" tanong ni Wendy.

"We don't know, basta be prepared na lang. At talagang lulunurin ko ang mga BS na yan kapag sumalakay sila sa atin!" nang'gagalaiting sagot naman ni Reighn.

"Sa ngayon, mag isip na tayo ng plano kung paano natin babawiin si Kurt." napayuko ako sa sinabi ni Triz.

Naramdaman kung nakatitig silang tatlo sa akin. "Hindi ko alam kung paano." malungkot kung sagot.

Naramdaman kung may dalawang pares ng braso ang yumakap sa akin. "Nandito lang kami Angie, magiging maayos din ang lahat." tumugon ako sa yakap nila at tumingin kay Triz na nag thumbs up, tipid naman akung ngumiti sa kaniya.

Wala na ang itinuring kung mga magulang, pero binigyan naman ako ng mga tunay at mapagmahal na mga kaibigan.

Inaamin ko, itong mga lumipas na buwan naging malulungkutin ako. Na mimiss ko si Kurt, hindi man naging maayos ang pakikitungo niya sa akin bago siya nawala, nakakaramdam pa din ako ng pangungulila. Mas ok ng hindi niya ako pansinin, kesa naman wala siya dito kasama namin at hindi nakikita.

Tumingin ako sa langit, I wish I can see him, I wish he's here with us.

Lumipas ang araw natapos na ang Academy, ngayong araw na to ay ang pagbabalik na ng klase. It seems too quite, peaceful but I know one of this days babalik na naman sila. Kung nakikita lang namin ang pinagtataguan ng mga BS, nilusob na namin sila.

Nasa Quadrangle kaming lahat. Lumabas si Headmaster Phlaw na may munting ngiti sa mga labi, kasama sila Headmaster Collin at Headmaster Demon. "Good morning Evry-students." Sabay sabay din naman bumati ang nga studyante.

"This past few months we encountered a Foe." Headmaster Phlaw face turn to serious. "And beacause of that our Academy became eccentric. And now we will resume our school year. We decided that there's no more academic subjects, we will focus on how to strengthen your physical and abilities." lumibot ang paningin ko, I can see in their eyes the determination and fierce.

Nag mistulang battle field ang quadrangle. Hindi pa man naayos ang Academy madami ng nag e'ensayo mapalakas lang ang kanilang mga kapangyarihan.

"Angie." napalingon ako at tipid na ngumiti kay Chino, kasama niya si Mia at Chinney na mukhang naiilang.

"Oh geez, they're here again-Ouch ano ba Wendy!" Reighn.

"Tigilan mo na nga yan Reighn, you must know how to forgive and forget." Wendy.

"Blah blah blah!" sabay irap ni Reighn.

"Ilang araw din tayong hindi nagkita aa." Chino.

"Hmm oo nga eh, naging busy din kasi." tumingin ako kay Mia at Chinney at tipid na ngumiti. Ngumiti din naman sila pabalik.

"Chinney." napabaling ang tingin namin kay Yael, kasama ang iba pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now