East

4.2K 169 9
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . .

Angie's Pov:

  Nasa himpapawid kami ngayon papunta sa East at kita ko sa mga mata ng kasama ko ang pagkamangha. Kahit ako ay namamangha sa aking nakikita.

Napakaganda ng mga tanawin mula sa itaas. Mabilis ang pagpapalipad ni Tito, bitbit ko ang ilang gamit ko at pati na din ang ibong ibinigay sa akin ni Chino.

"Where did you get that?" napalingon ako kay Kurt ng magtanong ito sa akin.

Napatingin naman ako sa kulungang dala ko at tipid na ngumiti sa kanya. "Ibinigay ni Chino sa akin bago siya pumasok sa Academy." Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa akin ang malalamig niyang mga mata.

"And why did you accepted it?" napalunok naman ako sa lamig muli ng kanyang boses.

"K-kasi ang sabi niya kapag k-kailangan ko ng tulong magpadala lang ako ng sulat gamit ng ibon na ito." umigting ang mga panga niya at umiwas ng tingin sa akin.

"I'm here Angie you don't need a help from him." napakagat naman ako ng aking labi at napatango na lamang ako.

Napatingin ako sa lahat na nakikinig pala sa amin at mukhang may nabubuong idea sa kanilang mga isip. Tumingin ako kay tita at tito mukhang hindi naman sila nainis o nagalit at inintindi na lang ang sinabi ni Kurt.

Sa himpapawid ay nakita namin ang isang Isla, ang mga ibang parte nito ay may natutunaw ng Nyebe. Malawak ito at mukhang may sarili ding bayan.
Kita ang kagubatan at mga puno nito na halos magkulay puti dahil sa Nyebe.

Bumaba ang sinasakyan namin sa isang malawak na bakuran at may medyo mataas na pader. Nag sibaba naman kami sa sasakyan.

Bumungad sa amin ang fountain na may dragon na bumubuga ng tubig may ginawa ding maliit na pond na may iba't ibang uri ng isda at ang bahay nila ay may dalawang palapag.

"Welcome to our house. Lets go inside?" anyaya ni tita at nag simula na kaming maglakad.

Berdeng berde ang damo sa kanilang nasasakupan. May mga sementong daan na deretsyo mula sa kanilang harapang bahay. Natanaw ko din ang kanilang hardin na may malalagong bulaklak at may ibat't ibang kulay.

Napasinghap ako sa lamig ng humangin at dumapo ito sa aking balat. Napalingon na lamang ako ng may nagpatong ng jacket sa akin.

"S-salamat." Ngumiti ako ng tipid kay Kurt.

Lumapit naman siya ng bahagya sa akin at bumulong sa aking punong tenga. "I can take care of you. No other than will." napalunok naman ako at nanglambot ang aking tuhod. Lumayo siya at nauna ng pumasok sa loob.

Huminga ako ng malalim at napabuga ng malakas at tyaka sumunod na sa kanila. Pagpasok ay dumeretsyo agad kami sa may Chimney kung saan naapuyan na ito ni tito. Inilapag naman namin ang aming mga gamit sa lapag.

"Ganito talaga dito minsan ay masyadong malamig." Paliwanag ni tita. "Saglit lang at kukuha lamang ako ng tsaa." tumayo naman ako.

"Samahan ko na po kayo." tumango si Tita at ngumiti.

Dumeretsyo kami sa kusina at namangha ako sa dami ng gamit pero maayos ito at mukha na ring mga antigo. Ang lababo nito ay gawa sa mga bato at ang lamesa ay pahaba at may makakapal na kahoy.

Nag pakulo ng mainit na tubig si tita."Tita." bumaling naman ito sa akin.

"Pasensya na po kayo sa mga naririnig niyo mula kay Kurt." Ngumiti ng tipid si Tita at lumapit sa akin.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now