University

8.7K 284 45
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . .

Angie's Pov:

Habang naglalakad ako sa pinapasukan kung University ay may naaninag ako sa di kalayuan. Nakatingin siya sa akin ngunit nag iwas din ito agad ng tingin ng makita niya akung nakatingin din sa kanya.

Napahinto naman ako, si Kurt. Naglakad siya at papunta siya sa direction ko. Tumungo ako at nagpa tuloy na din sa paglalakad.

Dahil sa pagtungo ko ay nakita ko ang itim na sapatos na nasa harapan ko, kaya naman napahinto akung muli.

Ng tumingala ako ay si Kurt na pala ang nasa harapan ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Kalaunan ay lumabas ang nakakalaglag niyang ngiti. Kaya naman napahugot ako ng malalim na hininga.

"It's you again Princess." napaiwas ako ng tingin.

"Hindi Princess ang name ko." nakaiwas ako ng tingin habang sinasabi ko iyon.

"I know, but I want to call you a Princess." Nilingon ko siya na seryoso ulit.

"Bessy." napalingon ako sa matinis na boses ng aking kaibigan. Kasama nito si Wendy, Reighn, Bry at Triz.

"See you around Princess." Napalingon naman ako sa kanya at bago siya umalis ay nag ipit siya ng pulang bulaklak sa aking punong tenga. Tipid din siyang ngumiti.

Humakbang muli siya ng isang beses paatras bago ako tinalikuran at nagwave.

"Uy, bakit kausap mo si Mr. Heartthrob bessy?" napalingon ako kila bessy na nakalapit na pala sa akin.

"Tyaka ano yan ha? May nakaipit pang rosas diyan." Sabay turo nito sa aking teng. "Pauso ka bessy aa." Nilingon ko ulit ang dinaanan ni Kurt ngunit wala na siya.

"Heartthrob siya kamo bessy." wala sa sarili kung sambit.

"Oo, at suplado yan. Wag mo sabihing type mo siya?" humarap ako kay bessy at ngumiti.

"Ay nakow bessy, sinasabi ko sayo wala kang mapapala sa Kurt Flinder na yun." nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Pano ba yan bessy, akyat na kami?" Tumango ako sa kanila at isa isa ko silang nginitian.

4th year high school palang ako, samantalang sila 2nd college na. Napabuntong hininga naman ako at nag patuloy na lang sa aking paglalakad.

Ng makarating ako sa tapat ng room ay napahugot ako ng malalim na hininga at binuksan ko ang pinto. At halos ibaon ko ang sarili ko sa aking kinatatayuan ng lahat ng mata ay nasa akin.

"Yes?" nakangiting bungad sa akin ng Prof.

"Ma'am ako po si Angie Galle." tumango ito at ibinigay ko sa kanya ang yellow card ko.

"Ms. Galle sa tabi ka na lang ni Mr. Baylon." May itinuro naman ito na bakanteng upuan. Umupo ako ng tahimik.

"Amm what happen Ms. Galle at ngayon ka lang nakapasok?" Napatingin naman silang lahat sa akin. Naghihintay ng aking maisasagot.

"Nalate po ako ng enroll Ma'am." hiya kung sagot.

"Bakit naman?" tanong ni Ma'am.

"I was in a deep sleep Ma'am." tumango tango ito at mukhang naintindihan naman na nito ang ibig kung sabihin.

Nagpatuloy sa klase si Ma'am Claire Mendez. Napatingin ako sa bintana ng may maaninagan ako. Isang itim na usok, ngunit nawala din ito agad Nailing na lang ako at itinuon na lang ang buo kung pansin sa nagtuturo.

EVRY ACADEMY(The Stones)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon