Evry

5K 183 8
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . .

Angie's Pov:

Nagising ako sa malamig na dampi sa aking mukha. "Hey Angie how are you?" Nabungaran ko si Chino na nag aalala.

Bumangon ako at umupo. "Anong nangyari?" bumuntong hininga siya.

"You passedout the other day dalawa't kalahating araw ka ng tulog." Lumapit siya sa tabing mesa.

"Here eat this para naman magkalaman ang sikmura mo." Dahan dahan ay sumubo ako ng pagkain at humigop ng sabaw.

Tahimik lang niya akung pinapanood. Ng matapos ako ako ay itinabi niya ang pinagkainan ko sa dating pwesto at naupong muli sa kama.

"Angie look, yong mga sinabi ni Mama ay totoo sana hindi ka matakot sa akin." Nag aalinlangan ang mga mata nito sa akin.

"Kamusta ang mga labi nila Daddy, Mommy at Manang?" Pag iiba ko ng aming usapan, bumuntong hininga siya.

"Nailibing na agad sila Angie. Hinahanap ka nga ng mga kaibigan mo pero hindi ko naman masabi na nasa amin ka." Naluluha at nagmamakaawa ang aking mga matang nakatingin sa kanya.

"Please Chino samahan mo naman akung makapunta kung saan nilibing sila Mommy at Daddy." napaluha ako ng tuluyan. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Sige, mamaya aalis tayo sasamahan kita." May bahid ng awa ang kanyang mga mata.

"Salamat Chino." tumango siya at tipid na ngumiti.

"Magpahinga ka saglit at maya maya maligo kana may mga damit diyan sa kabinet pumili ka na lang." Tumango ako at muling nahiga. Kinuha niya ang pinagkainan ko at lumabas ng kwarto.

I'm sorry po Mommy at Daddy, wala man lang ako nagawa. Napapikit ako ng aking mga mata at nagdaloy lang ang aking mga luha hinayaan ko lang ito.

Anong nangyayari sa akin? Sa pamilya ko? Anong nagawa kung kasalanan? Bakit ganito? Pinahid ko ang mga luha ko.

Bumangon ako at napag desisyunan na maghanap ng maisusuot sa kabinet. Napaisip ako bigla bakit may pang babaeng damit dito?

Pumili lang ako ng puting bistida at pagkatapos ay naligo at sa loob na din ako nag suot ng napili kung damit.

Pagkalabas ko ay sakto namang pagpasok ni Chino. "Sorry." Hinging paunmanhin nito. Tumango lang ako at nag salamin. Kita ko ang mata kung namumugto at talaga namang kakikitaan ng stress napabuntong hininga na lang ako. Nagsuklay ng mahaba kung buhok at binalingan si Chino.

"Ready kana ba?" tumango ako. Sabay kaming lumabas ni Chino at pagbaba namin nasa sala si Tito Aron at Tita Lizle.

"Oh anak saan ang punta niyo?" Tanong ni tita.

"Sa sementeryo po Ma." tumingin naman sa akin ang dalawang mag asawa.

"Condolence Iha." Tito Aron na nakikisimpatya. Gusto kung ngumiti pero napatango na lamang ako sa kanya. Lumapit sa akin so Tita at yumakap nakaramdam ako ng matinding lungkot.

"Iha malalagpasan mo rin ang lahat. Magtiwala ka lang." tumango tango lamang ako.

"Sige na mag iingat kayo huh. Chino you take care of her." tumango naman si Chino sa sinabi ni tita at tuluyan na kaming lumabas ng bahay.

Nasa byahe na kami at hangang ngayon ay tulala pa din ako. Narinig ko namang bumuntong hininga ng malalim si Chino.

"Angie you can stay in our house anytime you want." Binalingan ko ito.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now