West

2.7K 112 4
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . .

Wendy's Pov:

Dahan dahan ay iminulat ko ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang sawaling bubong, kaya naman napabangon ako bigla.

Hindi pamilyar sa akin ang lugar, inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng maliit na kwarto, kasabay nun ay pagbukas ng pinto.

"Mabuti naman Iha at gising kana." nangunot ang aking noo dahil kay Lola na pinagtanungan namin kanina.

Umupo siya sa papag na aking hinigaan at ngumiting tumingin sa akin.

"Ano pong nangyari at bakit nandito po ako sa inyo?" tanong ko.

"Nahimatay ka pagkatapos niyong lumabas sa kagubatan, dinala kayo ng anak ko dito para makapag pahinga muna." naguguluhan ko siyang tinignan.

Bumukas uli ang pinto at inulawa nun ang isang makisig at gwapong lalaki. "Niel?" ngumiti siya sa akin.

"Mabuti nagising kana, ang mga kaibigan mo ay nagpapahinga na din." tumango ako.

"Anak ko si Niel Iha, ako si Neri." bahagya akung nagulat kalaunan ay nangiti.

"Salamat pala sa pagligtas mo sa akin." nangunot uli ang aking noo. Wala akung maalala na iniligtas ko sila.

"Oh iha kukuha muna ako ng makakain mo." lumabas si Lola Neri doon ko lang din naramdaman na gutom na ako.

"Paano mo nagawa yun?" tumingin ako kay Niel. Dapat ata kuya ang itawag ko, mga nasa dalawampo't lima na ata siya eh.

"Ang alin po kuya?" tumagilid ang ulo niyang tumingin sa akin at kalaunan ay napabuntong hininga.

"Iyong pinalutang mo kaming lahat at iniligtas sa mga Lobo." napakagat ako ng labi dahil wala talaga akung maalala.

"Wag mo ng lang pilitin kung wala ka talagang maalala." ngumiti ako na humihingi ng pasensya.

Bumukas ang pinto at si Lola Neri ay may bitbit ng makakain. Lumabas na din si Kuya Niel.

"Kumain kana muna iha, hinintay talaga kitang magising." ngumiti ako kay Lola.

"Salamat po Lola." tumango siya.

Pagkatapos kung kumain ay nagpahinga na ulit ako. Bukas na bukas ay babalik na kami sa Academy. Naalala ko ang dahon ng Palente sana naman ay itinabi ni Chinney ng maayos. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpasya ng muling matulog.

_________

Angie's Pov:

Gulat na gulat kami ng biglang nasa Hardin kami. Pamilyar ito sa akin dahil dito nagpunta si Ninji at Angelo sa aking panaginip.

"Teka nasaan na tayo?" nagtatakang tanong ni Crea.

"Paano tayo napunta agad sa Palasyo?" Samui, napalunok ako. Paano nga ba? Inisip ko lang ang Hardin ay bigla na lang kami napunta dito. Paanong nangyari yun?

"Sino kayo?" isang baritong boses ang aming narinig, sabay sabay kaming napatingin sa boses na iyon.

"Sam?" kunot noo nitong tanong kay Samui.

"Archy." malamig na tugon ni Samui.

"Paano kayo nakapasok dito ng hindi namin nalalaman? At sino sila Sam?" kunot noo nitong tanong at isa isa kaming pinasadahan ng tingin. Bago dumapo ang tingin niya sa akin ay napatungo na lang ako.

EVRY ACADEMY(The Stones)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora