Tribe

2.8K 118 15
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . . .

Angie's Pov:

"Sino kayo?" napatingin ulit kami nila Tita sa Dwaft na nasa harapan namin at ang mga sandata nilang mahahaba at may patalim sa dulo ay nakatutuk sa amin.

Hindi din pamilyar ang mga itsura nila, hindi sila ang mga unang tumulong sa amin.

"Takas kami sa kaharian ng mga Black Shadow." paunang pag papakilala ko. Nag katinginan naman ulit sila.

Kalaunan ay mas itinutok nila ang mga sandata nila sa amin. "Kung ganun mga Black Shadow kayo." umiling kaming tatlo nila Tita.

"Hindi po, galing kami sa West at kinuha lang kami ng nga Black Shadow para bihagin." paliwanag ko pero mukhang hindi pa din sila naniniwala oh nagtitiwala sa mga sinasabi ko.

"Paano kayo napunta dito kung nasa Black Shadow kayo?" napabuntong hininga naman  ako.

"May mga nakilala din kaming mga kauri niyo at tinulungan niya ang iba ko pang kaibigan para makatakas sa mga Black Shadow, at humingi din ako ng lupa para makatakas kami. Kasi naiwan kami doon." nagkatinginan silang lima at ibinaba ang mga sandata.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng maibaba na nila ito. "Walang mga katulad ninyo ang napadpad sa tribo namin." nangunot ang aking noo.

"At ang tawag sa lupang binabangit mo ay PEIA."  tumango ako.

"Pero kung wala po dito ang mga kaibigan ko nasaan sila?" takang tanong ko.

"May dalawang uri ng Tribo ang mga katulad namin. Ang tawag sa Tribo namin ay Lakrus, at ang isa pang Tribo ay ang Polaki at sa tingin ko doon napadpad ang mga kaibigan mo." nagliwanag ang aking mukha.

"Maaari niyo ba kaming samahan mapunta sa mga Polaki?" umiling ang Dwarf.

"Hindi naman kasi masyadong magkasundo ang bawat Tribo kaya maari na kayong umalis sa nasasakupan namin." bumagsak ang mga balikat ko.

Pinigilan ko naman agad sila ng akmang tatalikod na sila sa amin. "Please, kailangan kung makita ang mga kaibigan ko." pagmamakaawa ko.

Naramdaman ko namang hinaw ak ni tita ang likuran ko. "Kung hindi niyo kami matutulungan, maaari po bang makituloy muna kami sa tribo niyo? Wala na kasi kaming mapupuntahan at nanghihina pa po din kami." Tito Aron.

Nag katinginan muna ang mga Dwarf at napabuntong hininga. "Sige, pero pag dating doon ay kailangan muna namin kausapin ang aming pinuno, at kapag hindi siya pumayag wala kaming magagawa kundi itaboy kayo." nagliwanag ang aking mukha.

"Maraming salamat." tumango lang sila at nag simula ng maglakad. Sumunod naman kami sa kanila.

"Paumanhin, hindi pa pala kami nakakapagpakilala. Ako nga po pala si Angie, ito naman po sila Tito Aron at Tita Lizle." pagpapakilala ko.

Huminto naman sila at humarap sa amin. "Ako naman si Abro, ito naman ang mga katribo kung si Inor, Yamil, Wantuk at Gabul." ngumiti ako sa kanila ganun din naman ang ginawa nila sa amin.

"Kinagagalak ko kayong makilala." mas lumawak ang tingin ko ng nagtulakan ang apat na Dwarfs.

Nahihiya naman silang ngumiti sa amin lalo na sa akin at napakamot na lang sa kanilang likod ng tenga na medyo may kahabaan.

Naglakad kaming muli, medyo mabagal dahil sa maliliit nilang hakbang. Nasa gitna na kami ng kagubatan ng may mapansin akung kamay, kumunot ang aking noo.

EVRY ACADEMY(The Stones)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα