Past

4.3K 183 9
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

Angie's Pov:

  Dalawang araw na akung nandito sa Evry at sa loob ng dalawang araw na yun ay nasa bahay lamang ako ng pamilyang Baylon.

Nasa kwarto ako ngayon at tinitignan ang magandang tanawin, nasa kapatagan kami na may matataas na talahib. Ngunit kita dito ang mga bulubundukin ng Evry sakto ay pataas palang ang sikat ng araw na nakakagaan sa pakiramdam.

Napalingon ako ng may kumatok kaya naman lumapit ako at binuksan ang pinto. Nakangiting Chino ang bumungad sa akin. "Good morning Angie." ngumiti ako ng tipid.

"Good morning din Chino." Tumingin siya sa bintana at bumaling muli sa akin.

"Maaga ka pala talaga magising." tumango naman ako. "Gusto mo bang gumala sa bayan?" pakiramdam ko ay na excite ang katawan ko at madaling tumango. Lumawak naman ang mga ngiti ni Chino.

"Kung ganun mag handa kana para makakain ng almusal at makaalis tayo ng maaga." nakangiti nitong turan.

"Sige salamat." nagpaalam siyang mauna ng baba, ako naman ay naligo na at naghanap ng maisusuot na damit. Alam kung hindi kami magka sundo ni Chinney pero kahit papano ay nagbigay siya ng maisusuot ko habang nandito ako sa Evry.

Ng handa na at nakapag ayos na ako ay tyaka ako bumaba upang saluhan sila sa kanilang agahan.

"Oh Angie Good morning, maupo kana at sumabay sa amin." nakangiting alok sa akin ni Tita.

"Good morning din po Tita, Tito, Chinney."

Nakita ko namang inismiran ako at inirapan ni Chinney, napabuntong hininga na lang ako at tyaka umupo sa kanyang tabi.

"Ma, ipapasyal ko po si Angie sa bayan." Chino, ngumiti si Tita.

"Oh sige siguradong nababagot na itong si Angie sa bahay." Ngumiti ng tipid sa akin si Tita.

"Basta Chino wag mong pabayaan si Angie." Makahulugan ang mga titig ni Tito kay Chino.

"Paano kapag may nagtanong kung kaano ano natin siya?" balewalang tanong ni Chinney. Napalingon naman ako sa kanilang lahat.

"Cousin?" Sagot na patanong ni Chino na ikinairap ni Chinney.

"Hmm mas mabuti nga sigurong ganun na lang ang pakilala sayo Angie, ayos lang ba sayo un?" tanong naman ni tito.

"Ok lang po Tito." tumango tango naman ito.

"And Chino will teach you how to cast a spell." napalingon naman ako kay Tita.

"Ma, she can't do that, hindi niya kakayanin. She's a mortal." Chinney.

"Hindi masamang subukan Chinn." napairap naman si Chinney ng lingunin ako nito.

"Sige po Tita, susubukan ko po." Ngumiti si Tita at tumango.

Ng matapos kami mag almusal ay nagpaalam kami sa kanila na aalis ni Chino. Ginamit namin ang sasakyang ginamit noon ni Chinney ng sinundo niya kami.

"Ano bang meron sa bayan Chino?" ngumiti ito sa akin.

"Maganda Angie, at siguradong magugustuhan mo doon." ngumiti naman ako ng malawak at napatingin sa labas nasa himpapawid pa din kami ngayon.

May mahabang tren na dumaan sa ibaba at ang daan nito ay sa pagitan ng kabundukan. Pakiramdam ko ay madaming nagbago sa Evry. Nakakatawang isipin na ang inakala kung isang panaginip lang ay totoo pala talagang nag e'exist.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now