Train

3.6K 139 12
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . . .

Triz Pov:

  Hirap kami sa pag e'ensayo hindi pa nga kami nagkakabisado ng mga spells na itituturo sa amin ng mag asawang Baylon ay hirap na kami. Noong una ay nagsasaya pa kami at parang mga batang naglalaro sa himpapawid ngayon ay seryoso na.

Hindi ko alam kung saan nangagaling ang enerhiyang dumadaloy sa akin at papunta sa hawak kung Wand. Bigla na lang nagliwanag ang dulo nito. Nakarinig naman ako ng palakpak.

"Magaling Triz. Napadaloy mo ang iyong enerhiya ipagpatuloy mo lang." nakangiti si Tita Lizle habang sinasabi yun sa akin.

"Salamat po Tita." nakangiti kung sambit.

"Bakit ganun sa akin wala." nakangusong sambit naman ng aking Mahal. Natutukso tuloy akung halikan siya.

"Kaya mo yan Mahal." tumingin ito sa akin at lalo namang humaba ang nguso niya sa akin. Napakagat naman ako ng aking labi ng umiwas ako sa kanya. Bumuntong hininga ako mas kailangan naming mag focus ngayon sa mga itinuturo sa amin ng mga Baylon.

Nag concentrate akung muli nakaramdam ako ng init na humahaplos sa aking puso hangang sa dumaloy muli ito sa aking kamay at napunta sa wand.

"Subukan mong patamaan ang punong yun." may itinurong puno si Tito Aron.

Nag alinlangan man pero sinubukan ko pa din. Ikinumpas ko ang wand at pinatamaan sa puno ngunit hindi man lang umabot ang nabuo kung enerhiya.

"Hahahaha supot." lumaki ang mata ko ng tumingin kay Wendy.

"Tsk watch your word Wendy." masungit namang sita sa kanya ni Reighn. Mukhang napagtanto niya ang kanyang sinabi at napatungo na lang. Nangiti na lang ako.

"Ayos lang yan Iho, subukan mo na lang uli." tumango ako kay Tito Aron at sinubukan kung muli ang kaso'y bitin talaga at hindi umaabot sa puno.

Gulat kaming lahat ng magkumpas si Kurt at tumama yun sa puno. Napalunok ako dahil kakaiba iyung sa kanya dahil animo'y apoy na rumagasa.

"Mukhang alam ko na Iho ang hawak mong Bato." nakangiting sabi ni tita. Siya ang may hawak ng Elemento ng Apoy. Napaisip tuloy ako kung ano ang sa akin.

Para namang balewala kay Kurt yun at mukhang hindi na siya nagulat pa.

"Oh my gosh umiilaw na ang wand ko." napalingon ako sa maarteng boses ng Mahal ko na tuwang tuwa sa kanyang Wand.

"Sige iha ipagpatuloy mo lamang." tita. Ako din ay ipinagpatuloy ang aking ginawa.

Ng subukan kung ipatama ang wand sa puno ay napatalon ako sa tuwa at napasuntok sa ere ng mapatumba ko ito.

"Magaling Iho." napangiti ako ng malawak kay Tita.

Sumunod naman ay si Reighn at nagawa niya ito. Kaya naman ang Mahal ko ay nakasimangot ang maganda niyang mukha. Mabuti pa si Angie at mga spells na ang pinagtutuunan niya na ng pansin samantalang kami ay mga basics pa lamang.

Sa totoo lang ay kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na ganito ang mangyayari sa mga buhay namin. Basta ang alam ko lang panganib ang nagbabadya sa amin kaya naman mas mabuting mapag aralan namin ang mga kakayahan namin kesa naman walang magawa kapag nasa gitna kami ng kaguluhan.

_________

Kurt's Pov:

I heave a sigh when I caught Angie's looking at me and avoid my eyes and look to another direction. I can sense that she wants to talk to me. But she have no guts.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now