The Curse

3.1K 109 17
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . .

Angie's Pov:

Last training namin ngayong araw na ito, pitong araw na din ang lumipas at talaga namang sumasakit ang aking katawan.

Kahit papaano ay napapalabas na namin ang aming mga kapangyarihan. At ang kailangan na lang namin gawin ay ang mga techniques o ang mga kayang gawin ng kapangyarihan namin. May alam kami ngunit kaunti lamang.

Nag aalinlangan kaming sugudin si Tita Ninji, ang sabi niya'y sabay sabay daw namin siyang kakalabanin.

"Sugod na." malamig na turan ni Tita sa amin. Kaya naman wala kaming nagawa.

Unang sumugod si Triz gamit din ang Arnis, naharangan naman ito agad ni Tita gamit lang ang isang arnis, sumugod ako pero yumuko si tita at hinampas naman si Reighn sa binti gamit ang Arnis na pasugod na din, isang sipa naman ang natangap ni Wendy.

Tumalon palayo si Tita na may ngisi sa mga labi. Sumugod ako nag kiskisan ang mga Arnis namin. Mabilis si Tita at matalas ang kaniyang pangdama kaya naman naiiwasan at nakakatangap kami ng sipa at hampas mula sa kaniya.

"Nakakapagod kalaban si Tita." pagod na sambit ni Wendy. Lumunok ako dahil sa uhaw.

"Para siyang walang kapagudan." Reighn.

"Basta magtulungan tayo matatalo din natin si Tita." tumango ako sa sinabi ni Triz.

Pinalibutan namin si Tita Ninji, sabay kaming sumugod ni Triz mula sa harapan at ang dalawa naman ay sa likuran. Naging mas mabilis ang pagsugod ni Wendy dahil sa kaniyang kapangyarihan.

Yumuko muli si Tita kaya naman ang nga Arnis namin ni Wendy ang nagsalubong. Nakatangap naman ako ng pagpatid kaya napahiga ako at gumulong agad para makalayo.

Si Triz naman ay nakatangap ng pagsipa mula sa tiyan, sila Reighn at Wendy naman ay matatamaan na sana nila si Tita pero sa talas ng pakiramdam ni Tita ay nakaiwas ito at nakatangap ng hampas sa binti ang dalawa.

"Good job sa araw na ito, pero mas kailangan niyo pang pag husayan. Magpahinga na muna at bukas na bukas ay pupunta tayo sa Tribo ng mga Polaki." napahinga naman kami ng maluwag dahil sa wakas ay mahaba haba ang pahinga namin.

Nagsilapitan naman kaming apat. "Parang hindi man lang napagod si Tita Ninji. Ang sakit ng mga sipa niya at hampas." Reighn na minamasahe ang kaniyang binti.

"Kaya nga eh, tyaka pansin ko minsan ang lalim ng iniisip ni Tita." Wendy.

"Paano mo nasabi Mahal?" Triz.

"Simula kasi nung nakaraang araw lagi siyang may tinititigan." Curious naman akung tumingin sa kaniya.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"Isang pakpak eh, lagi niyang hawak oh tinititigan." bahagyang nagsalubong ang kilay ko.

"Saan niya daw nakuha?" tanong ko uli.

"Napulot niya daw eh." tumango na lang ako.

Sa panaginip ko ay never kung nakita na nagbigay ng kapirasong pakpak si Tito Zarch. Tumingin ako kay Tita Ninji na hindi naman kalayuan sa amin.

Pinaglalaruan niya sa kaniyang daliri ang isang puting pakpak. At isa lang ang naaalala kung may ganun. Imposible ding si Pinunong Lighty iyon dahil hindi siya mapapadako sa lugar na ito. Napatingala ako, buhay ka pa ba?

Maaga kaming nakapagpahinga at maaga din kaming nagising dahil maglalakad pa kami patungo sa Tribo ng mga Polaki. Pagkatapos naming mag ayos at kumain ay nag simula na kaming maglakad.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now