BSside

2.6K 97 10
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . .

Ninji's Pov:

Pumasok ako sa silid ng aking anak. Napangiti ako ng makita ko siyang nakahiga sa kaniyang malambot na kama. Umupo ako sa kaniyang tabi at hinaplos ang kaniyang mukha, napangisi ako.

Mukhang naramdaman niya ako, unti unti nagmulat ang kaniyang mga mata. Sinalubong ko siya ng magandang ngiti.

"Kamusta ang tulog ng aking anak?" bumangon siya at tinitigan ako.

"Better." napangisi ako sa kaniyang sagot.

"Maghanda kana, may pupuntahan tayo." nangunot ang noo niya at napatingin sa akin. Tumayo naman ako at ngumiti ng nakakaloko sa kaniya.

"Where?" tumalikod ako at bago ako lumabas sa kaniyang silid ay binalingan ko siya.

"Dungeon." sabay ngisi ko sa kaniya at isinara ang kaniyang pinto.

Taas noo at may ngiti ako sa aking labi habang papunta sa aking Trono, lahat ng alipin ko ay nagbibigay galang sa akin. Dapat lang dahil isang pitik ko lang ay mawawalan na sila ng hininga.

Pag upo ko ay tyaka naman pumasok ang aking mga alagad, agad silang nagbigay galang sa akin. "Mahal na Reyna, mag uumpisa na po." napangisi ako sa sinabi ni Linda.

"Maghanda na kayo at tignan niyo ang aking anak kung handa na din ba siya." aking utos.

"Masusunod Mahal na Reyna." tyaka sila nagbigay galang muli at lumisan.

Sumandal sa aking Trono at pinag krus ang aking mga binti, sumimsim ako ng aking inumin. May mga bagay talaga na hindi nagtatagal.

Tama na ang panahon na nanahimik ako, at ito na ang tamang panahon para ako naman ang mamuno. Wag kang mag alala aking Tiyo, mabubuhay kang muli at makikita mo lahat ng aking pinaghirapan at pinaghandaan.

Napangisi ako at nakaramdam ng kagalakan dahil hindi na ako makapaghintay pa. Nakuha ko na ang Limang Bato at ako na ang magiging mas makapangyarihan sa lahat.

Bumukas ang pinto at bumungad ang anak kung seryoso. "Handa ka na bang makita ang regalo ko sayo anak?" tumaas ang kaniyang kilay na aking ikinatawa.

"Tara na." lumapit sa akin si Blader at inilalayan akung bumaba.

Nagpunta kami sa likuran ng aking Palasyo at bumaba sa underground kung nasaan ang Dungeon at aking mga bihag. Madaling pinagbuksan kami ng mga Kawal at nagbigay galang.

Hindi nagtagal ay nakita ko ang apat kung bihag at sa mga susunod na selda ay ang mag asawang Baylon at iba pa.

Sinalubong nila kami ng mga nanlikisik at galit na tingin, napangisi lang ako.

"Hayop ka!! Pakawalan mo kami dito." nangagalaiting sabi ng lalaki, at kung hindi ako nagkakamali siya si Triz.

"Dadating din tayo diyan sa ngayon may ipapakilala ako sa inyo." lumapit sa akin ang aking anak.

"K-kurt?" napataas ang aking kilay, sa kaniyang boses ay tila nag aalala siya. Nailing na lang ako, pag-ibig nga naman.

"K-kurt? Anong ginawa nila sayo? Please tulungan mo kami." lumuluhang nagsalita muli ang babae na aking kahawig. Sa tingin ko ang ngalan niya ay Angie.

"Who are they?" baling sa aking ng aking anak.

"Oh, sino daw kayo?" tanong ko sa mga nakakulong habang nakangisi at nangaasar. At napakaganda ng kanilang nga expression.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now