Alliance

2.6K 101 10
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . .

Chino's Pov:

Wala namang masyadong kakaiba ngayon sa Academy. Nakakausap ko naman sila Angie at iba pa. Si Mia ay madalang kung nakakasalamuha, alam ko namang umiiwas siya sa akin. Siguro nga mas mabuting ganito muna kami.

Nag dadalamhati pa din kami sa pagkawala ng mga magulang namin ni Chinn. Masakit pero mas kailangang tangapin pero hinding hindi ko mapapatawad ang mga Black Shadow na yun. Matitikman din nila ang higanti ng isang Baylon.

Nagpunta ako sa Hardin para makalanghap ng sariwang hangin. Kumunot ang noo ko ng may isang pamilyar na pigura akung nakitang nakaupo sa ilalim ng puno, nakayakap sa kaniyang tuhod at nasabubsub ang mukha niya sa kaniyang tuhod.

Lumapit ako agad at umupo sa kaniyang harapan. Ng iangat niya ang kaniyang mukha ay nag alala ako bigla dahil sa mga luhang kumalat sa kaniyang mga pisngi.

"Chinn, bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong ko, pero niyakap niya lang ako at doon umiyak sa mga braso ko.

"K-kuya m-masakit." may mga mumunting hikbi ang kaniyang boses.

Pinabayaan ko lang siyang umiyak at hinaplos haplos ko ang kaniyang likuran. Mga ilang sandali pa ay humiwalay siya sa kaniyang pagkakayakap sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" napakagat siya ng kaniyang labi. Ito ang ayaw kung makita sa kaniya ang umiyak. Kilala ko siyang matapang na babae at kapag nasaktan talaga siya hindi niya maitago yun.

"A-akala ko m-mahal niya ako kuya." kumunot ang noo ko. Hindi man kami masyadong nagkakausap tungkol sa mga personal na buhay ay inaalam ko naman kahit papaano kung may umaaligid sa kaniyang mga lalaki. Sa pag kakatanda ko si Yael lang ang lagi niyang nakakasama.

"Si Yael ba?" umiwas siya ng tingin sa akin at tumango. Umigting ang aking panga, kahit na kaibigan ko siya hindi ko mapapalampas ang pananakit niya ng damdamin sa kapatid ko.

Wala na ang mga magulang namin kaya pinapangako kung aalagaan at po'protektahan ko siya.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Chinn. "Saan ka pupunta kuya?" pinahid niya ang kaniyang mga luha.

"Makakatikim sa akin yang si Yael." mas humigpit ang hawak niya sa akin.

"K-kuya hindi niya naman alam na M-mahal ko siya." bumuntong hininga ako.

"Kung ganun anong ginawa niya sayo? Bakit ka umiiyak?" seryoso kung tanong.

Hinila niya akung muli para maupo. "Kuya I hate Leana." kumunot ang noo ko.

"Anong kinalaman ni Leana?" takang tanong ko.

"Mang aagaw siya Kuya." mas lalong kumunot ang noo ko.

"Chinn, alam kung galit ka kay Yael pero sa tingin ko hindi magagawa ni Leana ang sinasabi mo. Baka naman siya talaga ang gusto ni Yael." galit na tumingin sa akin si Chinn.

"Kakampihan mo pa ba yung babaeng yun kuya?" napabuntong hininga ako.

"Ayaw ko lang na manghusga ka ng iba Chinn." hinawakan ko ang kamay niya pero binawi niya din agad ito sa akin.

"Kuya I saw her with Yael." namuo na naman ang mga luha sa mata niya."They making out." lumaki ng bahagya ang mata ko.

"Chinn, hindi magagawa ni Leana yan." inis at may luha siyang tumingin sa akin.

"I saw them Kuya, sinundan ko sila sa likod ng dorm. Doon, doon sila gumawa ng kababuyan nila." galit ang kaniyang tinig.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng kapatid ko. Pero alam ko naman sa sarili kung hindi siya gagawa ng kwento. "Alam kung hindi kapanipaniwala kuya dahil sa mukha niyang imnosente. Pero maniwala ka kuya at sa tingin ko siya pa ang nang aya kay Yael." kumuyom ang kamao ko.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now