Equitta

2.9K 94 15
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . .

Triz's Pov:

"Yahhhhh!!" Reighn smirked, nag kiskisan ang aming mga spada, spadang gawa sa aming mga ability.

Kasabay nun ay ang pag-upo niya at pag sipa niya sa aking binti pero madali akung tumalon at iniharang muli ang aking spada dahil titira siya mula sa baba.

I smirked too na kaniyang ikinainis, sabay kami tumalon palayo sa isa't isa.

"Come on Reighn, hindi mo ako kaya." ngingisi ngisi kung sabi, tumaas naman ang kaniyang kilay.

Mabilis akung umiwas ng patamaan niya ako ng kaniyang water ball. Napasimangot ako.

Pinagalaw ko ang lupa na kaniyang kinatatayuan, muntik na siyang ma out of balance kaya naman hindi ako nag aksaya pa ng oras ay madali ko siyang sinugod.

Inis siyang humarap sa akin, madali niyang ikunumpas ang kaniyang mga kamay, gamit ang tubig na nasa lawa ay ginamit niya itong hagdan palayo sa akin. Ngumisi ako at pinayanig muli ang lupa, gaya ng aking inaasahan ay gumawa din ito ng hagdan pasunod sa kaniya.

Muli kaming nag pang abot at nag kiskisan muli ang aming mga spada. "You can't win over me Triz." mayabang niyang turan.

Napalayo ako ng umilaw ang kaniyang noo at nagpaikot ikot bago tuluyang sumabog ang kaniyang pakpak sa likuran, kulay asul ito na mukhang diyamante.

Kasabay nun ay nag ipon ipon ang kaninang tubig at lumabas ang kaniyang dragon. Napailing ako, isang lingo din naming pinag aralan iyan at kamangha manghang nakabisado niya na agad.

Nakalutang na siya ngayon sa ere at nag yayabang ang kaniyang dating sa akin. Muli akung napailing at napangiti. Pinadaloy ko ang aking enerhiya, ramdam ko ang pag usbong ng aking mala chocolateng pakpak at pag ilaw ng bato sa aking braso.

Tatlong beses ko itong pinagalaw na nagbigay ng malakas na hangin, kasabay nun ay ang pag angat ng iilang lupa, lumabas ang aking dragon at para siyang ahas na pumulupot sa akin bago lumipad at umalolong.

Napailing akung muli, mukhang ang dragon ko ang siyang nagyayabang kay Reighn. Mas humaba ang aking spada at mas tumingkad pa ito.

Humanda na ako at mabilis na sumugod kay Reighn, mabilis na animo parang hangin dahil sa pakpak. Mabilis ding nakaiwas si Reighn at nakatangap ako ng sipa mula sa aking tagiliran, tiniis ko iyon nagpakawala ako ng energy ball at pinatama sa kaniya, nakaiwas siya pero nakapangisi ako ng muling bumalik ang energy ball ko at tumama sa kaniyang likurang bahagi.

Napaingit siya sa sakit at sumama ang tingin sa akin. "KAILANGAN NIYO NG MAGPAHINGA." mula sa ibaba ay nakita ko si Tita Ninji, nakangiti siya sa amin.

Napatango ako at tumingin kay Reighn. "Kwits lang tayo Reighn, baka sapakin mo ako mamaya eh." inirapan ako nito at mabilis na bumaba. Napapailing na sumunod ako sa kaniya.

Pagbaba ko ay hinanap agad ng aking mata si Wendy at Angie. "Tita nasaan na po yung dalawa?" tanong ko kay Tita Lizle.

Ngumuso siya at sinundan ko naman ang kaniyang tinitignan. "Mukhang nag e-enjoy ang dalawang mag ensayo." napangiti ako sa sinabi ni Tita Lizle.

Mukhang seryoso din ang dalawa, ang mga pakpak ni Wendy ay mukhang transparent at may pagka light green, makintab at mukha ding mamahalin na diyamante. May bitbit din siyang spada na kumikinang. Ang kaniyang dragon ay kulay berde.

Pero mas nakakamangha si Angie. Ang kaniyang pakpak ay kulay Lila at kapag nasisinagan na araw ay nag iiba iba ang kulay, dalawang spada na kulay Lila din ang kulay pero ang hawakan nito ay puti. Ang kaniyang dragon ay nakakatakot, katulad ng kaniyang pakpak kapag nasisinagan ng araw ay nag iiba ang kulay pero ang mga mata ng kaniyang dragon ay kulay Lila.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now