Escape

2.7K 118 23
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . . .

Angie's Pov:

  Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag ng makatakas ang mga kasama ko. Hindi na baleng maiwan ako dito dahil alam ko namang hindi nila ako papabayaan.

Itinago kung mabuti ang ibinigay ng Dwarf sa akin. Magagamit ko ito, nagpaiwan din talaga ako para maisama sa pagtakas sila Tito at Tita Lizle. Hindi ko kasi maaatim na iwan sila, na kami ay nakalaya samantalang sila ay naghihirap.

Nasa harapan ko ngayon ang Reyna na nakatingin sa akin ng galit. Hindi pa din ako makapaniwala na nasa harapan ko si Ninji. Malayong malayo ang kaniyang ugali sa aking panaginip.

"Nasaan na ang mga kasama mo?" galit na tanong niya sa akin.

Tinignan ko siya ng deretsyo sa mga mata. "Hindi mo ba nakikita na wala na sila?" pabalang kung sagot na kaniyang ikinagalit.

Umupo siya sa aking harapan at inilusot ang kamay niya sa rehas. Naramdaman ko ang kamay niya na dinakot ang aking leeg na nagpahirap sa akin na huminga.

"Sumasagot ka pa ng pabalang ha." mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking leeg. Ramdam kung namumula na ang aking mukha.

"Kapag nahanap ko ang mga kasama mo, mas maghihirap kayo at sa pagkakataong yun ay makukuha ko na ang mga kapangyarihan niyo. At kapag nakuha ko na ay isa isa ko silang papatayin sa mismong harapan mo." pabalang niyang binitawan ang leeg ko kaya napasubsub ako sa lupa.

Napahawak ako sa aking dibdib at habol ang aking hininga. "Ibalik siya sa Dungeon at wag na wag papakainin hangat hindi ko sinasabi." sabay alis ng Reyna at hatak naman sa akin ng kawal.

Hindi ako umangal ng hilahin ako ng dalawang kawal. Masakit ang pagkakahawak nila sa akin pero hindi ako pumalag at tiniis na lang ang sakit.

Binuksan nila ang dati kung selda gamit ang isang susi. At pagkabukas ay ibinalibag ako sa sahig napa aray naman ako.

Nakita kung isinukbit niya ang susi sa kaniyang tagiliran. Ngayon kailangan kung mag isip kung paano makukuha ang susing yun.

"Angie?" napalingon ako kila Tita.

"Tita kamusta na po kayo? Si Tito Aron?" nakalabas na lang mga kawal.

"Ayos lang kami ng Tito mo nagpapahinga na siya ngayon. Ikaw kamusta na? Saan nila kayo dinala? Nasaan ang mga kasama mo?" sunod sunod na tanong ni Tita na puno ng pag aalala.

Sumilay kahit papaano ang ngiti sa aking mga labi. "Tita nakatakas na po sila." kahit medyo malayo si Tita ay kita kung bahagyang lumaki ang mga mata niya.

"Pero bakit ka naiwan?" takang tanong uli ni Tita.

Napabuntong hininga ako. "Tita hindi ko po kayang iwan kayo." humawak ako sa rehas.

"Iha, hindi mo na dapat kami inisip. Dapat kaligtasan mo na lang ang iniintindi mo." napabuntong hininga ako.

"Tita, I can't. Hindi ko maaatim na iwan kayo dito na nag hihirap samantalang ako ay lumaya." malungkot kung turan.

"Pero Iha, matanda naman na kami eh. At kailangan kayo ng Evry." umiling ako sa sinabi ni Tita.

"Hindi ko po talaga kayang iwan kayo ni Tito, ayaw ko ng madagdagan ang galit sa akin ni Chinney Tita. At gusto ko pong masuklian lahat ng tulong na ibinigay niyo sa amin. Kaya sana po Tita hayaan niyo na lang po akung tulungang makatakas din dito." sinsero kung pahayag.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now