Joel and Quia

2.7K 95 37
                                    

Dedicated to:BoyishDrummer

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . .  . . . . . . . .

Ninji's Pov:

Nakakatuwa, ang buong akala ko sa panaginip ko na lang makikita ang mga kaibigan ko at aking nag iisang kapatid. Na miss ko sila ng sobra dahil sa matagal akung nawala.

Nakaupo kaming lahat, sa pagitan namin ay ang pahabang lamesa. Nakangiti silang lahat sa akin kaya naman nalulunod ang puso ko sa sobrang kasiyahan.

"Hindi talaga namin inaakalang buhay ka pa Ninj, bigla ka na lang kasing nawala." biglang nalungkot ang mga tinig ni Airy. "Pero napaka'saya namin at buhay ka at nandito ngayon sa aming harapan, nakikita at nahahawakan." ngumiti ako at tumango.

"Pasensya na kung matagal akung nawala." nalungkot ako, pero ngumiti din agad. "At napakasaya ko na dumating ang araw na ito."

"Saan ka nag punta Princess?" napatingin ako kay Kuya Anghelo. "At bakit ikaw ang may hawak sa mga Black Shadow." napabuntong hininga ako bago ikwenento sa kanila lahat ng nangyari sa akin.

Nalungkot ang kanilang mga mata. "Kung alam lang namin na nakuha ka nila ay matagal ka na naming sinagip bessy, at napag isipan ka pa namin ng masama dahil sa Therina na iyon. Mag kamukha kasi kayong talaga." Char.

"Kasalanan ko naman kung bakit nangyari ang lahat ng ito, dapat lang na pag bayaran ko yun sa matagal na panahon." Isa isa ko silang tinignan. "At humihingi ako ng sorry, sorry dahil ako ang naging dahilan kung bakit wala kayong mga anak." ngumiti lang sila ng tipid.

"Hindi ka namin sinisisi Ninj, ang mahalaga ngayon ay kompleto na tayo." napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Henzy, tipid akung ngumiti.

"Aa Ninj." lumingon ako kay Ed at nagtatanong na tumingin sa kaniya. "Hindi mo ba nakasama si Krent?" umiling ako.

"Wala akung nakasama, mag isa lang ako sa tuktok ng Palasyo."kunot noo kung sagot.

"Nang mawala ka kasi ay nawala din siya." binalot ng guilt ang puso ko. Lumisan siya, at ang huli naming pag kikita ay ng gabing iyon na pinag hiwalay ko ang mga bato.

"Pero nag ka'anak siya." sambit ko, sabay sabay silang napatitig sa akin. "Nag ka anak sila ni Therina at Krent, at Kurt ang kaniyang ngalan. Ikinalukungkot ko lang dahil napasunod na ito ni Therina." napakunot ang kanilang nga noo at nag tatakang tumingin pa din sa akin.

"Pero, paanong nangyari yun? Diba hindi siya pwedeng magkaroon ng anak?" Bryant.

Tumango ako. "Maaaring may mga orasyon na ginawa si Therina, sa tagal ng panahon na nasa kanilang panig ako ay lubos kung nararamdaman ang kaniyang kapangyarihan." nagkatinginan silang lahat.

"Kaya pala kamukhang kamukha ni Krent ang batang nag punta sa amin." Bessy.

"Oo nga, nagulat nga kami ni My love dahil nakita namin siya sa palasyo maging si Angie, nakakapag taka lang na kapangalan mo din siya Ninj ng nasa mundo ka pa ng mga tao." Airy.

Ngumiti ako ng malungkot. "Dahil sila Mommy Miranda at Daddy Luis din ang kumupkop sa kaniya." biglang umusbong ang galit sa puso ko. "At napag alaman kung pinatay ng mga Black Shadow ang mga itinuring kung magulang." napakuyom ang palad ko sa galit. Hinagod naman ni Lizle ang aking likod.

"Ikinalulungkot namin ang balita Ninj." malungkot na sambit ni Airy.

Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang aking sarili. Mahabang katahimikan ang namayani, maya maya pa ay binasag ni Kuya ang katahimikan.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now