Castle BS

2.7K 105 11
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . .

Triz's Pov:

Kinakabahan ako sa mangyayari sa amin, I know there's something going on that we didn't know.

"Mahal, please tumahan kana." kanina pa kasi umiiyak si Wendy at hindi ko man lang mapahid ang mga luha niya dahil sa lintik na handcuff na ito.

"Kinakabahan ako Mahal, paano kapag katapusan na pala natin." umiling ako.

"Wag mong isipin yan Mahal, makakaligtas tayo Ok?" umiling siya at sumandal sa aking balikat, napabuntong hininga naman ako.

Tinignan ko ang aking mga kasama na mukhang malalim ang mga iniisip.

"Bakit kaya nagawa nila Tita sa atin ito?" out of the blue na tanong ni Reighn.

"Hindi ko din alam, pero parang may kakaiba sa kanila." Angie, tama may kakaiba nga sa kanila.

"Lalong lalo na kay Pinunong Lighty." napatingin kaming lahat kay Reighn, umayos naman ng upo si Wendy na mukhang na curious na din.

"Nakilala na ako ni Pinunong Lighty, at ng umalis ako sa kanilang Palasyo ay maayos naman ang kanilang pakikitungo sa amin ni Triz." tumango tango ako.

"Nagulat ba sila ng makita kayo?" Tanong ni Angie.

"Oo Angie." sagot ko.

"Kung ganun dapat ay nagulat din siya ng makita ako, dahil matalik na kaibigan ni Pinunong Lighty si Ninji na kahawig ko naman, pero kahit katiting na interest ay hindi niya ipinakita sa akin." Angie's right.

And one thing for sure. "I think he's not the Lighty we know." nagkatinginan kaming lahat.

"Sh*t, ibig sabihin mga Black Shadow ang mga kasama natin ngayon?" mahinang turan ni Wendy.

"Tama ka, kaya kailangan nating makatakas dito bago tayo kainin ng mga yan." Reighn.

Naramdaman ko namang nanginig ang aking katabi. "Mahal please relax." pero nanginginig pa din siya. Nakakaramdam din naman ako ng takot sa maaaring mangyari sa amin.

"Magpangap na lang muna tayong hindi natin alam." tumango kaming lahat kay Angie, except kay Kurt.

Nagpatuloy ang kanilang paglalakbay, inaalala ko ang bawat dinadaanan namin. But this way is not familiar.

  Nagulat kami ng dumaan kami sa ibabaw ng dagat, ilang sandali pa ay huminto kami sa gitna ng dagat. Nagkatinginan kaming lahat.

"Wag na wag silang magkakamali na itapon tayo sa dagat." nanggagalaiti kung turan.

Pero ilang saglit pa ay nagpatuloy muli ang pag andar ng aming kinalalagyan na kulungan.

Nakaramdam ako ng kakaibang pwersa na parang hinihigop ako. Nakita ko ang mga kasama kung nakapikit kaya naman napapikit na din lang ako.

Pag mulat ng aming mga mata ay tumambad sa amin ang mataas na Palasyo, kahit na ito ay malayo layo pa. Madadaanan namin ang mga patay na puno na dinapuan ng malalaking uwak.

Sa di kalayuan ay mga aninong parang lumilipad at may mga nanlilisik na paningin. Napamura ako ng narami. Tama nga ang hinala namin, malamang ay hindi nga sila Tito Aron ang kasama namin. Kung ganun nasaan na sila?

"N-nasaan tayo?" nanginginig sa takot na tanong ni Wendy. Nag aalala ako sa kaniya, ayaw ko siyang malayo sa akin at masaktan.

"Mukhang isa itong Isla pero may Barrier kaya hindi makita nino man." Reighn explain. I think she's right.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now