Feather

3K 109 30
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . . .

Third Person's Pov:

  "H.M Phlaw, nagamot na po lahat ng mga sugatan, nabigyan na din po ng makakain ang lahat." Pgbibigay balita ni Rion.

Nasa Tagong Hall lahat ng mga nakaligtas umuwi naman ang ilan sa kanilang mga magulang, pero ang iba ay hindi pa nakakarating sa kanilang mga tahanan ay napaslang na ng mga BS. Nagkalat na sila sa iba't ibang kaharian, kaya naman takot na halos lumabas ang mga mamamayan na walang kakayahang lumaban.

"Salamat Rion, maaari ka ng umuwi sa mga pamilya mo." umiling si Rion dahil hindi niya maiwan ang Academy.

Problemado si H.M Phlaw dahil sa pagkawasak ng Academy, halos kalahati ay wasak at hindi na mapapakinabangan pa. Hindi basta basta masasa ayos dahil nangangamba pa din sila sa paglusob ng mga BS.

Sa kabilang banda, ang mga BS ay hinahanap pa din ang mga nakawalang bihag. Pero nasisiyahan pa din ang Reyna dahil sa pag sugod nila sa mga mamamayan ng Evry.

"Magaling ang inyong ginawa, hindi magtatagal ay lalabas na ang mga Batang iyon at muli ko silang ikukulong." ngumisi na naman ang Reyna maging si Leana.

Si Kurt naman ay blankong nakatingin sa kaniyang ina, naguguluhan sa kaniyang nararamdaman. Tahimik lang siya na nakikinig sa usapan ng kaniyang ina at ang babaeng kaniyang pakakasalan.

Nag wagi nga sila sa pagwasak ng Academy, ng ilang bayan. Ngunit pakiramdam niya ay may mali, may kulang sa kaniyang pagkatao. Lihim na napabuntong hininga si Kurt.

--

Angie's Pov:

Napalunok ako ng tumingin ng matalim ang mga kaibigan ko sa akin. May mga dala silang Wand at itinutok iyon sa amin.

"Mga kalaban kayo!" may galit na turan ni Triz.

Humakbang ako palapit sa kanila, peri bigla silang umatras. Huminto ako at napabuntong hininga.

"Guys ako ito si Angie." sinsero kung turan. Umiling sila sa akin.

"Hindi kami naniniwala, mga BS kayo at-" sabay turo ni Reighn kay Tita Ninju.  "Ikaw ang Reyna nila mga impostor." tumingin ako kay Tita Ninji na humihingi ng pasensya, ngumiti lang siya ng tipid sa akin.

"Mga Iha, Iho. Maniwala kayo kami ito. Nakatakas kami sa mga BS sa tulong ng Peia na ibinigay ng isang Dwarf kay Angie." nagkatinginan naman ang tatlo kong kaibigan dahil sa kwento ni Tita Lizle.

Ibinaba nila ang Wand pero seryoso pa din silang nakatingin sa amin. "Hindi ako sumama sa inyo dahil gusto kung isama si Tita at Tito sa pagtakas, ginamit ko iyong binigay nong Dwarfs naalala niyo?" tumango naman silang tatlo sa aking tanong pero seryoso pa din at may pag aalinlangan sa amin.

"Pero kung totoo ngang ikaw si Angie hindi mo isasama dito ang nag kulong sa atin." may bahid na pag dududa na sambit ni Triz, tumango ako.

"Hindi siya ang Reyna ng mga BS--" pinahinto ako ni Tita Ninji at siya ang humarap sa mga kaibigan ko. Matalim naman siyang tinitigan ng mga kaibigan ko lalo na si Reighn.

"Ako si Ninji Galle binihag din ako ng mga BS, ikinulong ako ni Therina sa kaniyang palasyo at ginaya niya ang aking mukha. Nakatakas din ako doon at natagpuan ako ni Angie sa kagubatan." mukhang hindi pa din sila kumbinsido.

"Please Wendy, Reighn and Triz maniwala kayo sa amin, kami ito. Wala kayo sa Lakrus ng mapadpad kami doon, kaya ng nakapagpalakas na kami ng aming mga katawan ay nag pasya kaming maglakbay patungong Polaki para mahanap kayo." nagkatinginan muli ang mga kaibigan ko at bumaling sa akin.

EVRY ACADEMY(The Stones)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora