Air Kingdom

3.3K 132 16
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

. . . . . . . . . . .

Angie's Pov:

Madami kaming nadaanan na magagandang tanawin, at higit sa lahat naranasan kung bumyahe sa ilalim ng lupa at ilalim ng dagat sakay ng Tren.

Huminto ang Tren sa istasyon, nag sitayo kaming lahat at kinuha ang aming mga dalang gamit. Pero bago ko pa makuha ang akin ay may nag abot na sa akin nito.

"Salamat." tumango lang si Samui sa akin at nauna ng lumabas sumunod si Crea at Kurt.

"Tara na Angie." Tumango ako kay Chino.

Nagsilabas kami maging ang iba pang mga pasahero na may kaniya kaniya ding bitbit. Lumabas kami ng stasyon at talaga namang namangha ako sa magagandang puno na may kulay kahel, dilaw at chocolate.

"Welcome to Air Kingdom." nakangiting sambit ni Crea.

Inilibot ko ang aking paningin, may mga building na gawa sa mga bato at semento ang ilan. Ang iba naman ay kahoy lamang. May mga nagtitinda.

Huminto kami sa isang bench na may puno ng may tumunog. Napatingin kaming lahat kay Crea. May pinindot siya, mukha itong wristwatch at may lumabas na liwanag.

"H.M Phlaw." Crea, bumungad ang seryosong mukha ni H.M  sa amin.

"Binibigyan namin kayo ng 3 araw para mahanap niyo ang katas ng Crisson." Kumunot ang aking noo.

"Ang akala namin ay ang tatlong yun ang hahanapin H.M?" Chino.

"Tatlong grupo kayo, kaya naman tig isa kayo ng hahanapin, naabisuhan ko na din ang iba pa." napasimangot si Crea.

"Mag iingat na lang kayo." tumingin sa akin si H.M at tipid na ngumiti. Ngumiti din ako ng tipid kay H.M bago siya mawala ng tuluyan.

"Nakakainis naman excited pa naman ako, akala ko ay magtatagal tayong maglalakbay." Crea.

"Kailangan na nating magtanong kung saan matatagpuan ang Crisson na yun." Chino, tumango naman ako.

Nag umpisa muli kaming naglakad at may nakita kaming tumatakbong lalaki na hinahabol ng mga kawal.

"Anong nangyayari?" tanong ko habang nakatingin sa mga tumatakbo.

"Siguro ay nag nakaw, talamak kasi yan dito lalo na at tag gutom ngayon " tumango ako sa sinabi ni Crea.

"Wala bang ginagawa si Reyna Airyly?" napaharap naman siya sa akin at nagtaka.

"Wag mo sabihing pati si Reyna Airyly ay napanaginipan mo?" napaiwas ako ng tingin kay Crea. "Lahat ginagawa nila Angie, pero hindi sila nagpapakita sa amin. Kahit kailan ay wala pang nakakita sa kaniya dito sa bayan ng Air Kingdom. Maging ang ibang Kingdom ay hindi pa nakikita ang mga Reyna at Hari, except kay Pinunong Lighty, minsan ay naglilibot kasi siya." Crea.

"Napaka swerte mo kung ganun at nakilala mo sila kahit sa panaginip lang, halos ang mga nasa loob lang ng Palasyo kasi ang nakakakita sa kanila." pagpapatuloy ni Crea.

"Tama na yan." napalingon kaming lahat kay Samui. "We need to find the Crisson." at nagsimula na muling maglakad.

Sinundan na lang namin si Samui. Wala kaming Idea, lalo na ako kung saan matatagpuan ang Crisson. Ng dahil sa aking panaginip ay  nakarating ako sa Evry, pero hindi ko akam ang tungkol sa puno na yun. Lalo pa ngayon na napakaraming nabago.

"Lola." bumalik ako sa realidad mg marinig ko ang boses ni Crea.

"May itatanong lang po sana kami." magiliw namang tumango ang matandang babae.

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now