A Foe?

2.6K 93 9
                                    

EVRY ACADEMY
(The Stones)
@lahlyn

Medyo SPG

. . . . . . . . . ..

Chino's Pov:

Katulad ng sinabi ni H.M Phlaw ay bantayan ko daw sila Angie. Hindi ko alam kung bakit nilang naisipan na hindi talaga sila ang mga totoong Wendy, Reighn, Kurt at Triz.

At meron pa silang kasamang isang babae, maamo ang kaniyang mukha kahit na may kaunting galos ito. Maputi ang kaniyang balat para siyang Angel na ibinaba ng mga Bathala para maging taga bantay sa buong Evry.

Pero hindi dapat ako magpaloko sabi nga nila looks can be deceiving. Napalapit ako kay Angie ng gumalaw ito.

"Angie?" unti unting bumukas ang kaniyang mga mata.

"Chino?" napahinga ako ng maluwag, mukhang mali naman ata ang mga hinala ni H.M dahil kilala ako ni Angie.

Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya, inalalayan ko siya para maupo sa kaniyang higaan.

"Ano nararamdaman mo?" mukhang pinakiramdaman niya muna ang kaniyang sarili at tipid na ngumiti sa akin.

"Maayos naman na Chino, ang mga kasama ko?" nag aalala nitong turan.

Bahagya akung umatras para makita ang mga kasama niya pang nakahiga sa aking likuran. Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag.

"Kamusta na sila?" may bahid pa din ito ng pag aalala.

"Maayos na din ang lagay nila, sa tingin ko ay pahinga lang ang kulang. Dalawang araw na din kayong nandito sa Infirmary. Sino pala iyong isang kasama niyong babae?" kumunot ang kaniyang noo at napabuntong hininga.

"Siya si Leana Dim, isa siya sa mga bilango at tinulungan niya kaming makatakas at makipag laban." ngumiti siya ng tipid.

Tumango naman ako, napakabait niya kung ganun hindi lang siya mukhang Angel may mabuti pa siyang puso.

"Nagugutom ka ba Angie, ikukuha kita ng makakain." tumango siya at nag pasalamat. May pagkaing nakahanda na kaya  naman inabot ko na lang ito sa kaniya.

Pinanood ko siya kung paano kumain. Ng natapos siya ay kinuha ko ang kaniyang pinagkainan at iniligpit ito tyaka ako lumapit ulit sa kaniya.

"Angie ano bang nangyari?" napakagat siya ng kaniyang labi kaya naman napatingin ako doon pero iniwas ko din agad.

"Mga Black Shadow Chino, sila ang kumuha sa amin. I'm sorry hindi namin nailigtas ang mga magulang mo masyado silang malakas." napaiwas ako ng tingin dahil ayaw kung makita ang galit sa aking mga mata.

Hindi ako galit kila Angie, naiintindihan ko naman sila. Galit ako sa mga Black Shadow dahil pati ang mga magulang ko ay idinamay nila.

Naramdaman kung hinawakan ni Angie ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kaniya may pag aalala ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Tipid na lang akung ngumiti.

"K-kamusta naman sila Mama at Papa?" nag aalala kung tanong, napabuntong hininga naman siya.

"Ng makuha nila kami at ikinulong nanghihina na sila tito at tita ng makita namin sila." napakagat ako sa aking mga labi para maiwasang mapaluha. "Sorry Chino, pero wala na sila." naramdaman ko ang luhang pumatak sa aking mga pisngi.

Madali akung tumalikod at pinunasan ang aking luha bago lumabas sa Infirmary room.

Napasandal ako sa pader at doon napaluha, kumuyom ang mga kamao ko. Bakit hindi ko na'predict ang mangyayari sa mga magulang ko. Humihina na ba ang kapangyarihan ko?

EVRY ACADEMY(The Stones)Where stories live. Discover now