"Miss, kaano-ano mo sina Miss Anica at Miss Ella?" tanong ng aming guro.

"Kapatid ko po sila" masayang tugon ni Cassandra.

Tanging tango lang ang binigay ng aming guro dahilan lumapit siya saamin at gumawa din ng sarili niyang upuan na kulay pula at tumabi siya kay Ella.

Tiningnan ko siya na nagsasabing mag-uusap kami mamaya dahilan tumango siya saakin.

Napatingin ako kay Ella ng bigyan niya ako ng nagtatanong na tingin dahilan bigyan ko din siya ng tingin na sasabihin ko mamaya.

***

Nandito kami ngayon sa Eating Area at kasama namin si Cassandra na nakanerdy look.

"Ate namiss kita!" masayang sabi ni Cassandra.

Tiningnan ko siya ng masama.

"What are you doing here?" inis na tanong ko sakanyam

Nakita kong napayuko siya.

"Matagal na po ako dito ate. Hindi mo lang po talaga ako nakita kasi lagi po akong nasa labas, ngayon lang po talaga ako pumasok kasi nalaman kong nandito ka na. Saka ate, matagal na kitang hinihintay eh kaya nagpakita ako ngayon. Sobra po kasi kita namiss, sorry po ate" sabi ni Cassandra dahilan maguilty ako.

Napabuntong hininga ako.

"Hays, wala naman akong magagawa. Sige, hahayaan kita basta lagi kalang nasa tabi ko, okay ba? Namiss din naman kita" sabi ko sa kanya at ngumiti dahilan ngumiti din siya saakin.

"Opo! Teka ate, sino po sya at bakit Scientele rin ang apilyedo nya?" tanong niya ng mapatingin siya kay Ella.

Tumingin ako kay Ella.

"Mamaya sasabihin ko sayo bunso baka may makarinig dito" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ate Jessica! kain na po tayo!" masayang sabi ni Cassandra dahilan mapatingin ako kay Jessica na ngayong umiiyak.

"Teka ate Jessica, bakit po kayo umiiyak?" natatarantang tanong ni Cassandra.

"Wala, naaalala ko lang sayo ang pinsan ko. Cassandra rin kasi ang pangalan nya at kaugaling-ugali mo rin sya" nakangiting sabi ni Jessica habang pinupunasan ang luha nya.

Napatingin saakin si Cassandra dahilan tumingin ako kay Jessica.

"Ano ba yan! Ang drama ko naman. Kain na nga tayo, malate pa tayo nito" natatawang sabi ni Jessica

Napailing na lamang ako at binilisan na naming kumain.

Matapos naming kumain, dumeretso kami saaming dorm kasama si Cassandra dahil dito na rin siya.

Gabi na rin kaya't agad nakatulog si Jessica habang kaming tatlo ay dumeretso saaking kwarto.

Nakaupo sina Cassandra at Ella sa aking kama habang ako ay nakatayo.

"Ganito yan Cassandra, nagpapanggap lang kami ni Ella na magkapatid dahil hindi pwede nila malaman kung sino sya at isa pa hindi nya rin alam ang totoong apelyido nya dahil inampon lang sya ng tinuturing nyang magulang kaya magpapanggap ka rin na ate mo sya" sabi ko kay Cassandra na binigyan lamang ako ng tango.

Tumingin ako kay Ella.

"Si Cassandra, totoo kong kapatid. Sa totoo nyan, matanda ako ng isang taon sa inyo kaso kailangan kong magpanggap na magkasing edad lang tayo kaya kasabay kita mag aral at nagpapangap rin si Cassandra na kasing edad mo lang din. Alam kong nagtataka ka na nagkakilala tayo na wala akong kasama? Well hindi kami magkasama ni Cassandra dahil pinatira ko sya sa lugar na siguradong ligtas sya kaso dahil sa kakulitan nya at katigasan ng ulo, nag aral sya dito sa Athena gaya ng sabi nya kanina. Ok?" mahabang paliwanag ko dahilan mapatango si Ella.

"Ok naman saakin dahil madadagdagan ako ng kaibigan!'' masayang sabi ni Ella dahilan mapangiti si Cassandra sa kanya.

"Oh sya matulog na kayo dahil may pasok pa bukas. Inaantok na rin ako" sabi ko sa kanila.

Nagpaalam na si Ella kaya lumabas na siya sa aking kwarto. Humarap ako kay Cassandra at pinagsisihan ko iyon.

Nag puppy eyes si Cassandra sa harapan ko at alam ko na kung bakit ganyan yan.

"No! Pagod ako Cassandra" iling na sabi ko.

"Sige na ate! namiss kaya kita katabi!" pangungulit niya sa akin.

"Sige na nga! Namiss rin naman kita katabi" pagsuko ko at humiga.

Umayos na kami ng higa.






_____________________________________

*REVEAL*

Chapter 31

•Someone POV (6) = Cassandra Scientele

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon