"Tara na?" tanong ni Jessica dahilan tumango lamang ako.

Habang kami ay naglalakad, nakikita naming nagbubulungan ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Hindi sinasadyang marinig namin ang kanilang pinag-uusapan.

'Nandito na sya'

Tatlong salita ang aming narinig mula sa kanilang bibig na naging dahilan ng pagkahinto ni Jessica na may halong gulat sa kanyang mukha, dahilan mapahinto rin kami.

"Bakit Jessica?" tanong ni Ella

"Nandito na sya" tulalang sabi niya habang siya ay nakayuko.

"Who?" tanong ko.

"Ang queen bee"

Kailan pa nagkaroon ng queen bee dito sa Athena Academy?

"So?" takang tanong ni Ella.

"Ako kasi ang no.1 target niya. Hindi ko naman magawang labanan siya dahil isa siya sa mga pinsan ko at siya ang lider nila ate Kim " sabi ni Jessica.

Interesting...may isa pa pala.

"Anong name?" tanong ni Ella

"Ah eh? Ano? AH nandito na pala tayo!" pagiiba niya sa usapan.

Hindi na namin pa pinag-usapan iyon ng makarating na kami dito sa Eating Area. Kumain lamang kami at pagkatapos ay dumeretso agad papunta sa classroom. Nang makarating na kami sa classroom, si Jessica na ang nagbukas ng pinto.

0_0 ← Ella at Jessica
-_- ← ako

Magkakaiba kami ng reaksyon ng buksan ni Jessica ang pinto. Puno ng tawanan ang loob ng classroom dahil sa nangyari.

Ano nga ba ang nangyari?

Isang nakakabwisit na bungad lang naman ang nangyari. May nalaglag mula sa itaas ng isang timba na kung saan mayroon itong laman na harina, itlog at balahibo ng manok sa ulo ni Jessica dahilan matawa ang mga estudyante. Tumingin ako kay Jessica.

"Ella, samahan mo si Jessica maglinis. Ako na bahala dito" seryosong sabi ko dahilan tumango si Ella.

"Tara Jessica"

Tiningnan ko lamang na umalis ang dalawa bago humarap sa mga estudyante. Napansin naman nila ako.

"Oh, nandito papala ang isang b*tch" mataray na sabi ni Yeon

"What a crazy girl. She's talking about herself"

"How dare you b*tch!" inis na sabi ni Kim na akmang sasampalin ako ng pigilan ko ang kamay niya na agad naman niyang binawi.

"Ang tapang mo rin noh" nakangising sabi ni Min

"What do you expect? I'm stronger than you. Beside, no one's know me" nakangising sabi ko dahilan mawala ang kanyang ngisi.

Tsk. Pikon ka.

"Oh b*tch. Kilala ka namin. Ikaw lang naman ang malanding babaeng galing sa Magica Academia. Siguro inilipat ka dito dahil lumalandi ka doon at pinapunta ka dito para bigyan ng leksyon? Ano? HAHAHA" natatawang sabi ni Eun

"HAHAHA grabe ka pare! Ang hinahina pa naman nyan! Huwag muna patulan baka mapatay mo pa yan" tumatawang sabi ni Miguel

"Don't you dare to speak like that to me. You don't know why I'm here. Let's have a fight. Lets see who's gonna win. I will make sure that I'm not like you, a coward that have a dirty mouth" malamig na sabi ko na naging dahilan ng pagkainis ni Eun.

Akmang susugurin na ako ni Eun ng pigilan siya ni Min.

Tsk, mga pikon

"Oh hinahamon tayo ng isang to! Sige ba!" pagpayag ni Min

"Kailan ba at saan?" tanong ni Yeon.

Magsasalita na sana ako ng may magsalita saaking likod.

"Lets have a battle at the Gym. This coming friday at 3 p.m. 1 vs 6. Deal?"

That voice...

Humarap ako sa likod at ngumisi. Siya siguro ang tinutukoy nilang Queen Bee.

"Deal"

Nakita kong nagulat sila pero saglit lamang iyon. Ngumisi lamang sila saakin.

Pumasok na ako sa loob ng classroom ng makita kong parating na sina Ella at Jessica. Umupo agad ako sa aking upuan at ilang segundo lang ay nakaupo na sa tabi ko si Jessica.

"Ano ang ginawa mo?" tanong ni Ella

"Nakipagdeal" bagot na sagot ko.

"Ate Anica, baka po masaktan po kayo. Alam naman po ng lahat na malalakas sila at ayoko po na mawala po kayo lalo na't kaibigan ko po kayo" nag-aalalang sabi ni Jessica

"Trust me" simpleng sabi ko sakanya.

Tumango si Ella bilang sang-ayon. Humarap na kami sa harapan dahil nandyan na ang aming guro. Magkakaharap harap na rin tayong mga Royalties ng A.A

Btw, It's nice to see you...
.
.
.
.
.
.
Gabriela Celestine

______________________________

Someone POV (6)

Sana mapatumba mo ang mga mayayabang at malditang mga Royalties ng Athena Academy.

Aasahan ko iyan Ate Anica.

Alam kong ikaw iyan dahil tinatago mo lang.

Sana magkaharap tayo para mayakap kita.

Miss na miss na kita, Ate.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now