Binigay ko ito sa kanila na agad naman nilang binasa. Matapos nila itong basahin ay nanlaki ang mata nila.

"Pasensya na po at hindi po namin kayo pinapasok. Tuloy po kayo" sabi nya dahilan para pumasok kami.

Nang tuluyan na kami makapasok, agad na nagtanong saakin si Sabelle.

"Ano yung pinabasa mo sa kanila?" tanong nya

"It's nothing" malamig na sabi ko at naunang maglakad kasabay si Ella

"Hoy kayong dalawa! Hindi nyo pa ito alam kaya wag kayong magmarunong!" sigaw saamin ni Nicole na nakapaghinto saamin ni Ella.

"Hindi mo ako kilala, b*tch. Better you shut up your mouth" malamig na sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

Naramdaman ko namang sumunod sila. Tsk.

Mabilis naman kami nakarating sa Headmistress Office.

Let see, kung sino ang babaeng toh.

Si Ella na ang kumatok ng tatlong beses sa pinto.

"Pasok" isang malumanay na boses ang narinig namin mula sa loob.

Binuksan ni Ella ang pinto at pumasok kami. Nakayuko sya habang may pinipirmahan. Tiningnan ko ito na hindi nya napapansin. Tumikhim si Ella kaya napatingin sya

"Oh, hi! Upo muna kayo" sabi nya.

Base sa nakikita ko, I know na kaedad lang namin siya. Umupo naman kami habang siya ay umayos ng upo at tiningnan kami isa isa. Sinundan ko ang kanyang tingin hanggang sa mapahinto ito sa dalawa. Nakita ko kung paano sila magsingisi sa isa't isa.

Tsk. What a traitor.

Inalis naman niya agad ang tingin niya sa dalawa at nagsalita.

"Ako si Athena Celestine, ang headmistress ng Athena Academy. Obviously, sa pangalan ko palang ay talagang pag mamay ari ko na HAHAHA! Anyway, Ano ang maipaglilingkod ko sainyo?" sabi niya.

"Nandito po kami para mag enroll" sagot ni Delixean

Tumango naman si Athena

"Ganun ba? Sige, maaari ko bang malaman ang name at magic nyo?" tanong niya.

Tumango naman sila. Oh btw, hindi namin kasama ngayon si Trisha. Wala dito ang babaeng yun dahil sa pagkakaalam ko, pinauwi siya sa Fierdous Kingdom and that's good.

Isa-isa na silang nagpakilala.

"Maxenne Davis, Witch"

"Christian Luis, Wizard"

"Mikaela Tadem, Witch"

"Jericho Tadem, Ice"

"Lyra Macarov, Earth"

"Stevan Ice, Ice"

"Arron Grey, Air"

"Sabelle Aqua, Water"

"Paul West, Air"

"Nicole West, Fire"

"Delixean Forester, Fire"

"Ella Scientele, Fire and th--"

Naputol ang sasabihin ni Ella ng magsalita si Athena

"Gusto ko sya ang magpakilala sa sarili nya" sabi nya at tumingin saakin.

Tumingin sa akin si Ella

"Anica Scientele, Fire" malamig na sabi ko.

Nakita kong nagulat sya at naramdaman kong natakot siya.

"A-ah o-ok! P-pwede n-na k-kayong p-pumasok b-bukas, d-dorm n-no. 155 a-ang d-dorm n-ninyo" nauutal na sabi nya

"Pwede ba kaming mahiwalay sakanila?" tanong ni Ella

Inayos muna nya ang sarili niya bago magsalita

"Oo naman, sa dorm 156 kayo" sabi ni Athena.

Kinuha nila iyon.

"Ang uniform dito ay kahit ano basta ay kumukulay sa magic nyo" sabi nya dahilan tumango sila at lumabas na kami.

Agad na hinanap namin ang aming dorm na hindi naman nagtagal ay nahanap din namin. Pumasok na kami sa aming mga dorm. Sa aming pagpasok ni Ella, masasabi kong napakaswerte namin.

"Parang familiar saakin ito, ate" sabi ni Ella habang tinitingnan ang kabuuan ng dorm.

Of course. Pamilyar talaga ito saatin.

Hindi ako sumagot. Naggood night na kami sa isa't isa dahil gabi na rin at oras na matulog.

Sana matapos na ang lahat ng ito.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now