"Hi! My name is Trisha Forester, pinsan ni Prince Delixean. 18 years old and Fire is my magic" pagpapakilala nya saamin.

Inikot niya ang kanyang paningin hanggang sa ito ay huminto sa akin. Bagot ko lamang siyang tiningnan ng makita kong nagbago ang kanyang mood. Ang kaninang nakangiti, ngayon ay nakasimangot habang nakatingin saakin ng masama.

Anong problema mo?

"Maaari ka ng maupo, Ms. Forester" sabi ng teacher namin.

Hindi ko na pinansin pa si Trisha hanggang siya ay makaupo. Nagsimula naman ang teacher namin magturo.

***

Kriiiiing...

"Good bye class"

Nagsitayuan na kaming lahat at lumabas ng classroom. Nakita kong kasabay ng mga Royalties si Trisha. Hindi ko na lamang pinansin at dumeretso na sa cafeteria. Hindi malayo ang cafeteria kaya mabilis akong nakarating doon at agad na umorder. Matapos ko umorder, pumunta na ako sa aking favorite place. Wala pa ako sa kalahati ng aking kinakain nang biglang naghiyawan ang mga estudyante dito.

Tumingin ako sa pinagmulan ng hiyawan at napag-alaman kong ang mga Royalties lang pala. Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain. Hindi pa lumipas ang isang minuto nang biglang mawala ang ingay sa paligid at mapalitan ng bulungan.

"Hmm Anica? Pwede ba kaming makishare?" rinig kong tanong ni Lyra

Kaya naman pala nawala ang ingay dahil lumapit sa akin ang mga Royalties.

Humarap ako sa kanila at tumango lang dahilan para magsi-upo na sila. Naging ganito ang aming pwesto, katabi ko sina Delixean, Trisha, Lyra at Steven habang nasa harapan naman namin sina Sabelle, Arron, Maxenne at Christian. Namayani ang katahimikan sa paligid habang kumakain kami. Nang matapos na ako kumain, tatayo na dapat ako ng biglang magsalita si Trisha.

"Pwede ba tayo mag usap?" tanong nya saakin na tanging ginawa ko lang ay tumango.

Naglakad kami palayo sa mga Royalties.

"Gusto ko lang sabihin sayo na layuan mo ang mga Royalties lalong lalo na ang pinsan ko" seryosong sabi ni Trisha saakin.

"Why me? Alam kong nakita mong sila ang lumalapit saakin, not me. Sila ang pagsabihan mo" simpleng sabi ko at tumalikod sa kanya.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ng hilain niya ang buhok ko.

"Basta! Sundin mo na lang ang sinasabi ko!" inis na sabi nya habang hinihila ang buhok ko.

Hinayaan ko nalamang siya sa ginagawa niya. Tutal, hindi naman ako nasasaktan. Binitawan nya rin naman ang buhok ko nang mapansin niyang wala akong reaksyon.

"Bakit hindi ka nasasaktan?" nagtatakang tanong nya.

Inayos ko muna ang aking buhok at humarap sa kanya.

"That's not my problem" formal na sabi ko

"Sundin mo nalang ang sinabi ko kung ayaw mong mamatay" banta niya sa akin.

"Whatever" balewalang sabi ko

Nakita ko na nainis sya dahilan para sampalin niya ako ng malakas totally na bumakat ang kamay niya sa aking mukha pero hindi kalauna'y nawala rin ang bakat.

She's making me mad!

Tumingin ako sa kanya at ngumisi. Nararamdaman kong papunta na ang mga Royalties dito at masasabi kong malapit na sila saamin. Lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabing sinampal ko siya agad. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang sampal ko sa kanya totally na mapunta siya doon sa kabilang dulo pero wala akong magagawa, ganun talaga ang mangyayari. Nakita kong napatakbo ang mga Royalties papunta kay Trisha at tinulungan nila siyang itayo.

"Walang hiya ka, Anica! Akala ko mabait ka, yun pala ang sama mo!" sigaw ni Lyra

"Simula ngayon, wag ka nang magpapakita saamin!" galit na sabi ni Maxenne.

Tiningnan ko lang sila bago tumingin kay Trisha. Nakita kong ngumisi siya pero nawala din agad dahil siguro sa sakit na natamo niya.

'See? That's simple. Hindi na sila lalapit saakin'

pagtelephaty ko kay Trisha at umalis na. Pumunta ako sa aking dorm at dumeretso sa aking kwarto. Agad akong humiga dahil na rin sa mga nangyari. Kagabi lang yung kay Queenie tapos ngayon? sa bagong salta?

Hindi ko na pansin na gabi na rin pala. Hindi ko maiwasang tanungin kung ano kaya ang mangyayari bukas? Magiging okay lang kaya?

Napabuga na lamang ako ng hangin at hinayaan ko na lamang ang aking sarili na lamunin ng dilim.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now