Datum 28 : Frustration and Jealousy

Start from the beginning
                                        

With my trembling hands, I immediately took it and gave a short glance. Napahinga ako ng malalim nang makita kong tumigil na ang dalawang nasabing dots mula sa GPS map sa isang nakakapagtakang lugar.

Coordinates 445, 567 NE

Eiffel Tower.


Stella's Point Of View

"Miss Stella!!"

Nakakapanghinang sigaw ni Natasha as the man in black mask took her violently inside the tower's employee backdoor.

Wala akong sinayang na segundo at agad na kumaripas ng takbo upang habulin ang kahabag-habag na dalagang nasa panganib.

Sh*t. Kung kalian na buong akala namin na magiging matagumpay ang misyon na ito, doon pa ito pumalya.

Malaki ang posibilidad na marahil ay nakatunog ang nasabing target. Damn it! At mukhang hindi ko na magagawa pang ma-inform si Vaughn sa lagay na ito.

Wala nang oras. Kailangan kong iligtas ang taong magbibigay liwanag saaming pakay rito sa Earth.

Sumasabay sa pangangalay ng aking mga paa ang kirot ng sugat saaking braso na mapahanggang ngayon ay nagdudulot parin ng bahid ng dugong nagmamantsa saaking puting damit.

Agad kong binuksan ang mabigat na screen door ng nasabing employee's back entrance. The faint green light inside welcomed me as my sight was directly pressed on the spiral steel staircase.

Dinig na dinig sa napakatahimik at masikip na lugar ang iilang mga nagmamadaling pagtakbo patungo sa nasabing marumi at kinakalawang nang hagdan.

"Miss Stella!!"

Isang malakas na hiyaw sinabayan pa ng pwersahang paghatak mula sa itaas. Mabilis kong inilabas ang aking baril at maingat na sinuyod ang buong lugar.

Saaking pagtapak sa pinaka unang platform ng hagdan ay mariing dumaplis ang iilang mainit at rumaragasang mga bala sa tabi ng aking sapatos.

Sa tunog ng kalansing ng mga nahuhulog na basyo ng bala ay maingat akong nagtago mula sa tabi ng hagdan, sabay paputok sa may gawing itaas.

"Ahhhhhh!!"

Isang nakakapanindig balahibong sigaw ng dalaga ang agad na kumalat sa malamig na lugar.

Shit. Hindi kaya—

Mabilis akong natakbo paakyat ng hagdan. Damang dama ko ang lamig na bumabalot saaking mga nanginginig nang mga kamay.

Gustuhin ko mang humingi ng saklolo ay hindi ko na maaring magawa pa. It's all up to me now.

I am all alone.

Napakapit ako saaking hawak na baril as I climb halfway. Dinig na dinig ko parin ang sapilitang pag kaladkad at pagtakbo mula sa gawing itaas.

Lights of red and gold coming outside of the metal rails of the tower's wall illuminates my sight as I hurried on my way up the rusty stairs.

Napalingon ako mula sa ibaba. How come walang ni isang gwardiyang nakabantay sa lugar na ito, come to think of it ay isang napakahalagang land mark ang tower na ito??

Hindi tagal ay natahimik na ang buong lugar. 5 steps from the end of the stairs ay nadatnan na ng aking mga mata ang itsura ng isang lalakeng nakatayo.

I immediately swept the whole area with my eyes as I point my gun on the said man. He did not let his stance broke as he pointed his gun on Natasha's head.

"You won't do that, eh, Miss, Stella?"

Kagat-labi akong napatingin sa nasabing lalakeng nakamaskara. Damang-dama ko ang lamig dala ng simoy ng malakas na hangin mula sa pinka tuktok na base ng toreng aming kinatatayuan.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now