Chapter 22 - New Beginning

Start from the beginning
                                        

"Ikaw hanggang kelan kaba dito? Si rover andon lang sa pilipinas ah. Bakit di kapa umuwi?"

Napag-usapan naming huwag nalang balikan ang nangyari one month ago. Naging trauma ko na sya! Gabi-Gabi ay hindi nya ako pinapatulog. Gabi-Gabi rin na umiiyak ako, pero tinitiis ko yung sakit,dahil sanay naman akong masaktan. Pero araw araw ay nakakapanibago!

I sigh.

"May mga bagay talaga na dapat ay iniiwasan muna upang maghilom ang sakit. Pero sa ginawa nyang paglayo ay parang dinudurog nya lang ang puso ko. Nasasaktan ako sa tuwing tumitingin sya sa mga mata ko na parang wala lang. Kaya ako na ang umiwas. Ako na ang lumayo"

Niyakap nya ako sa likuran at tinap ang ulo ko na parang bata.

"Alam nya bang andito?"

"Hindi"

Bigla nya akong binatukan kaya napadaing ako, tinignan ko sya ng masama at nagpeace sign naman ito. Siguro kung wala si shile ngayon ay mababaliw na ako sa pag-iisip kung ano bang dapat kong gawin.

Masayang kumakain si shile habang dinadaldalan ako ng kung ano-ano. Ako naghugas ng pinagkainan namin at si shile naman ay nakahiga sa sofa. Nag-tatalo pa kami sa hugasin dahil sya na daw maghuhugas. Sinabi kong ako na dahil baka mapagod lang sya. At ang pinakamasaklap ay sinabihan pa ako na ang OA ko daw. Like what the eff?

"May ipapabli kaba? Magro-grocery ako"

"Hindi,sasama ako. Siguro naman ay hindi mawawala itong bahay mo." sarkastikong sabi nya. Napatawa naman ako dahil para syang ewan.

"Okay. Dalian mo!"

Habang naglalakad sa can foods ay lagay lang ng lagay si Shile. Kala mo naman talaga ay magtatagal sya sa bahay ko, Akala mo ay walang asawa e!

"Siguraduhin mong kakainin mong lahat dyan kundi lagot ka sakin!"

Tumawa ito. "Huwag kang mag-alala dalawa kaming kakain nyan."

Nagkibit balikat nalang ako at kumuha ng mga chicha para snacks namin. Matakaw pa naman sya dahil dalawa na silang kumakain.

"Isakay moko sa likod tapos tulak mo ko. Napapagod na akong maglakad!" Sabi nya sabay ambang sasakay sa may tulakan ng push cart.

"Teka.. Teka!" pero wala nakong nagawa dahil ng sumampa na sya doon.

"Ang kulit mo! Pano kapag may nangyari sainyo ni baby! Nakakainis ka talaga! Napaka careless mo!"

"Sorry na vi. Pagod na talaga ang paa ko e."

Bumuntong hininga ako dahil sa kakulitan nya, I wonder kung pano nagagawang I-handle ni caleb ang kakulitan ni Shile. Dahan dahan sya tinutulak dahil ayoko namang mapahamak sila ng anak nya.

"Kuha ka ng chocolates vi! Kain tayo nyan mamaya. Gusto ko kitkat o kaya lahat ng chocolate hihihi"

"Okay okay. Dito ka lang, kukuha rin ako ng gulay and meat!"

Ngumiti naman ito ng parang tanga. "Stop doing that. You like an idiot"

Napasimangot naman ito at inirapan ako, na syang nagpatawa saakin at naglakad na paalis upang mamili ng gusto nyang chocolate.

May nakita akong couple na sobrang sweet habang namimili, nakakaingit lang.. Wala kasi akong ganyan e kaya nakakainis! Maghihiwalay din yang mga yan! Jusko.

Ngayong mga araw na to at sa susunod pa ay iniiwasan kong wag munang isipin ang lahat ng nagyayari sakin, para kasing may isang malaking dagok na problema kapag lalo ko lang syang iniisip.

Pero kahit na ganito ay hindi ko parin syang magawang kalimutan, ewan ko ba. Masyado akong naging tanga sakanya kaya pati mata ko ay lalong nabulag nung nasilayan sya.

Kumuha ako ng basket para hindi ako mahirapang bitbitin sila, I bought my favorite foods and the chocolates and then the vagetables and lastly tuna dahil gagawa ako ng tuna vegies mamaya.

Pumunta ako kung nasaan si shile nang makita nya ako ay kumakaway sya saakin at grabe kung makangiti. Hindi ako pwedeng magkamali si Caleb ang nakikita kong katabi nya habang nakahawak ito sa bewang nya. So uuwi naba sila?

Para akong nalungkot bigla at dali dali ko namang inalis iyon, in that thirty one days without him, without shile alam kong makakaya ko. Pero ngayon parang may nakabara sa lalamunan ko at ang hirap sabihin na wag muna sila umalis dahil hindi ko kayang mag-isa.

Nagmamadali akong pumunta sakanila ngunit napatili ako ng may humawak sa bewang ko at binuhat ko. Many thoughts comes to my mind na baka isa nanaman itong kidnapping! Masyado akong natrauma sa sinaryong iyon.

Binitawan ko ang basket at pabagsak iyong nahulog sa lapag ngunit wala akong pakielam.

Handa ko na sanang sikuhin ang muka nito ngunit nahawakan nya ang kaming siko.

"Not so fast baby"

Napatigil ako sa pagpupumiglas, I know that voice, I know who own that baritone voice!

"Put me down" sabi ko sa nanginginig na boses. I want to cry! I want to hurt him!

He put me down gently, so sweet. Gusto kong tumakbo! Gusto kong lumayo sakanya. Hindi dahil sa ayaw ko kundi natatakot ako sa posibleng mangyari!

Hindi nya tinanggal ang mga kamay nya sa aking bewang, it fits perfectly. I caress my hand to his back hand. Walang pumapasok na idea sa isip ko, sobrang nabablangko ako ngayon.

"Baby" may bahid ng pag-aalala ang kanyang boses. Hinarap nya ako sakanya at nagtagpo ang aming mga mata.

Bakit sobrang gwapo nya padin? Bakit ang perpekto nya sa paningin ko? Bakit ang daya daya nya? Bakit kahit ang dami nya nang nagawang pagkakamali ay mahal ko parin sya?

Yan lang ang mga katanungang pumapasok sa isip ko habang nakatingin ako sakanya.

Hinila nya ako at niyakap. "I miss you so damn much baby"

Ang mga yakap nya ay sobrang higpit na para bang nagsasabing sobra ngang namiss nya ako.

"I hate you" sabay higpit ng yakap sakanya.

Twisted Paths (SMBB)Where stories live. Discover now