Chapter 5

43.8K 1.3K 127
                                    

SEDRIC

Matapos ang mabilis na weekend, Lunes na naman at balik-aral na ulit ako.

Wala namang magandang nangyari kahapon at kung mayroon man, noong Sabado 'yon nang makausap at makasabay kong kumain si Liam sa cafeteria. Saka idagdag ko na rin na mas nakatulog ako nang mahaba no'ng Saturday night. Siguro that's one of the advantages of being alone sometimes, hawak mo ang oras mo kung kailan mo gustong matulog.

Actually, kahapon I tried to ask Hannah and Brent para sana pumunta kaming tatlo sa mall. Gusto ko sanang manuod ng sine o kumain sa kung saan kasama sila. Kaya lang, ang dalawang 'yon pala ay naglakwatsa na naman sa malayong lugar. Kaya 'yun, hindi na rin ako lumabas ng dorm maghapon. Ayoko namang mag-isang pumunta sa mall. Wala na rin akong gana.

Kung may advantages ang pag-iisa, I guess may disadvantages rin ito.

Kapag mag-isa ka o sabihin na nating single ka, out of place ka sa ka-sweetan ng mga kaibigan mong magjowa o may jowa. Sila, diretso date after school habang ikaw diretso bahay na. I guess gano'n talaga 'pag single ka. Wala ka na ngang love life, wala ka pang night life.

Don't get me wrong, ha? May ilang tao rin naman na kahit single sila at mag-isa madalas, masaya pa rin sila. So, I guess nasa tao lang talaga 'yan.

Siguro ay talagang mas pinipili ko lang na huwag sumubok ng mga bagay na bago sa nakasanayan ko na.

***

Dalawa lang ang klase namin sa umaga at mabilis lang rin natapos ang mga ito.

Lunch time na at gusto ko sanang sumabay kina Hannah at Brent na kumain pero dahil nagtext si Coach Melvin ay kinailangan kong pumunta agad sa gym. May importante daw kasi siyang sasabihin sa amin ng team. Wala akong gaanong ideya kung ano 'yon pero tungkol siguro 'yon sa paparating na basketball tournament next month.

Sa pagmamadali ko ay nakarating agad ako roon.

Nandito na rin ang pinsan kong si Brandon at ang iba pa naming ka-team. Wala pa si Coach Melvin at ang palaging pa-importante na si Carter. Gusto niya talaga laging nakakakuha ng atensyon. Nakakainis.

"Ano kaya 'yong sasabihin sa atin ni Coach?" Ang tanong ko kay Brandon na natigilan sa pagse-cellphone niya.

"Hindi ko nga alam pinsan, eh. Heto nga't ka-text ko siya," sagot niya't pinakita ang cellphone niya. "Papunta na raw siya rito."

Tumango lang ako sa kanya.

Maingay ang mga ka-team ko. Kanya-kanya silang kantiyawan sa isa't isa. Natigil lang 'yon nang biglang dumating si Coach Melvin. Sakto namang dumating na rin ang special guest namin na si Carter, scratch that, pa-special guest pala.

At sa dinami-rami ng pwesto, napili pa talaga niyang umupo sa tabi ko. Inilapag niya ang itim niyang backpack sa gilid at tiningnan ako habang may nginunguya na namang bubble gum. Pumasok na naman sa ilong ko ang pabango niya. Mabango 'yon pero still, ayoko pa rin talagang maamoy dahil sa kanya iyon.

Naniningkit ang mga mata nitong nakangiti habang nakatingin sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang bagot na tingin. He looks so damn messy. Gwapo nga siya pero parang wala siyang pakealam sa buhok niya, medyo magulo kasi ito like usual. And also, kung paano niya isuot ang polo rito sa loob ng campus, palaging naka-unbutton ang mga butones nito. Idagdag pa ang mga scratches sa mukha niya, parang wala yata siyang pakealam kahit ilang bangas pa ang sapitin niya sa pakikipag-away.

Napailing nalang ako't itinuon ang atensyon sa unahan kung saan napansin ko ang hawak na maliit na kahon ni Coach Melvin, parang kasing-laki lang ata 'yon ng kahon ng relo. Kinakalog-kalog niya ito nang paulit-ulit dahilan para magkaroon ako ng ideya kung para saan iyon.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now