Chapter 10

35.7K 1.1K 106
                                    

SEDRIC

Pagpatak ng alas otso ng gabi, lumabas na ako sa loob ng dormitory building.

Wala pa sigurong trenta minutos akong nag-ayos ng aking sarili bago umalis. Tinext na kasi ako ni Brandon na kumpleto na raw sila roon at ako na lang daw ang kulang. Na-taranta tuloy ako dahil ayoko sa lahat 'yong ako 'yong hinihintay.

Kasalanan 'to ng huling subject ko kanina, eh!

Nakasuot ako ng isang plain white T-shirt at faded black jeans. Hindi ko rin nakalimutang i-style nang maayos ang aking buhok. Konting spray ng pabango at siyempre, bukod sa pagtu-toothbrush ay gumamit rin ako ng mouthwash. Umaasa akong makausap doon si Liam kaya dapat handa ako.

Gusto ko sanang yayain sina Hannah at Brent sa apartment ni Brandon kaya lang naalala kong may pinuntahan nga pala ang dalawa 'yon at baka bukas ko na sila makita pa. Isa pa, 'di rin naman papayagan si Hannah na lumabas nang gabi na dahil sa higpit ng mga magulang niya. Mabuti nga't kay Brent ay tiwala ang mga ito.

Madilim na sa labas ngunit salamat sa mga streetlights, maliwanag pa rin ang paligid.

Walking distance lang ang apartment ni Brandon mula sa campus kaya ilang lakad lang pagkalabas ng gate ay nakarating na ako rito. Mula sa labas ng apartment niya, rinig na rinig ang ingay ng tawanan at boses ng mga tao sa loob. Inihanda ko ang sarili ko bago tuluyang pumasok sa nakabukas na pinto ng apartment.

Sa pagpasok ko roon, iba't ibang mukha ang aking nakita. Mga naka-porma ang mga ito. Ang ilan sa mga ito ay mga ka-team namin sa basketball at ang iba naman sa tingin ko'y mga kaklase niya. Maraming decorations sa paligid ng living room kung nasaan ang mga bisita. Mga lobo, pictures nilang dalawa ni Faye at isang tarpaulin kung saan nakasulat ang mga katagang bumabati sa ika-dalawampu't isang kaarawan ng girlfriend niya.

Ngunit sa lahat ng 'yon, isang tao lang ang nagpatigil sa mundo ko.

Si Liam na nakaupo sa couch, may hawak na isang bote ng beer, tumatawa't nakikipag-kwentuhan sa mga ka-team namin.

Natigilan ako habang tulala sa kanya. Nakasuot ito nang isang maong na pantalon at simpleng kulay faded-green na longsleeve na kapit na kapit sa kanyang katawan. Hindi ko mapigilang mapalunok nang makita siya ngayong gabi, sa ganitong tagpo.

"Pare!"

Hindi ko napansin na ang lalakeng katabi pala ni Liam ay si Carter. Napansin ko lang ito dahil sa pagbati niya sa akin. Nakangiti nito akong kinindatan dahilan para samaan ko siya ng tingin ngunit kalaauna'y nginitian ko rin naman. Gaya ng best friend niya, may hawak rin itong isang bote ng beer.

Nakasuot siya ng isang kulay peach na sleeveless shirt at denim short. Siya lang yata ang gano'n ang porma rito. Halos lahat kasi ng bisita ay naka-pants. Siya lang 'yong naka-short at naka-tsinelas pero kahit gano'n, hindi maitatangging bagay sa kanya iyon. Panay pa ang pag-high five nito sa iba dahilan para sumilip ang kanyang buhok sa kili-kili. Ang ilang babae tuloy rito'y trip na trip na lapitan siya.

Napailing na lang ako't hinanap sina Brandon at Faye.

Sakto namang lumabas si Faye galing sa kusina dala ang isang plato ng sisig.

Agad ko siyang binati nang mapansin niya ako. "Happy birthday, Faye!"

"Uy, salamat!" Bineso ko siya sa pisngi. "Ang tagal mo, ha!" Pagpuna niya't natawa, hawak pa rin ang plato ng sisig.

"Late na kasi natapos 'yong klase ko, eh." Napakamot ako sa aking ulo. "Teka, si Brandon?" I asked her.

Sakto namang lumabas rin ito mula sa kusina at may dalang isang bucket ng beer. "Pinsan, kanina ka pa?" Nakangiting tanong nito sa akin nang mapansin ako.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang