Chapter 12

36.2K 1.1K 156
                                    

SEDRIC

Pasado alas tres na ng hapon.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Hannah. Wala kasi ang mga magulang niya kaya she invited me and Brent to come over. I told them about what happened last night. Pinaalam ko sa kanila na hindi na lang silang dalawa ni Brent, pati ni Brandon, ang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Liam.

"What?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Hannah. Isang oras na ako rito pero ngayon ko lang sinabi sa kanila. "Ibig mong sabihin, pati 'yong pagkakagusto mo kay Liam ay alam na rin n'ya?" Gulat niya pang dagdag na kumawala sa pagkaka-akbay ni Brent. Halatang dismayado ito.

"Oo..." pagtugon ko kaya't napa-rolyo ang mata nito. "Hindi ko naman kasi alam ang ginagawa't sinasabi ko kagabi, eh. Sobra akong nalasing at ngayo'y sising-sisi na ako." Maging ako ay dismayado rin sa sarili ko.

"Ano nang balak mo ngayon, dude?" Brent asked me. "Hindi ba ipagkakalat 'yon ni Carter?'" He added, halatang concern ito like Hannah.

"Nag-usap na kaming dalawa kanina. I asked him to keep it a secret. Pinakiusapan ko siya na huwag 'yon sasabihin sa iba, lalo na kay Liam." Sambit ko. "Umaasa naman akong tutupad siya sa usapan naming 'yon. Isa pa, we're considering ourselves as friends." Dagdag ko pa, hoping that it will add up to Carter's consideration.

Hannah sighed. "Still, hindi mo kilala mag-isip ang taong 'yon.  Baka mamaya, sinabi niya lang na hindi niya sasabihin pero may plano pala siyang traydurin ka." She glared at me. "Saka, kailan pa kayo naging magkaibigan, aber?"

Hindi ko pa pala nasabi 'yon sa kanila.

"That day when I asked you about his personal life..." pag-amin ko rito. "Gusto ko lang bigyan ng chance 'yong tao na makilala dahil aminado naman akong nahusgahan ko siya agad. Isa pa, when I found out about his sad past na ikinwento mo, na-guilty ako bigla." Dagdag ko pang pagbabahagi.

Ni-rolyohan lang ako ng mata ni Hannah at inilagay muli ang braso ng kanyang nobyo sa balikat. "And you think, dahil lang sa magkaibigan na kayo, tutupad siya sa pinag-usapan niyo?" Hannah asked, sarcastically.

Napailing ako't napapikit bago sinagot ang tanong niya.

"Hindi ko alam..." napapailing pa rin ako dahil sa kalituhan. "Pero umaasa ako na wala siyang pagsasabihan." Sambit ko.

"Siguraduhin lang niya dahil kung 'di ay uupakan ko siya." Brent cheered me up. "Baka di niya alam, may gang akong naka-suporta sa likod ko! Subukan niyang magloko!" Dagdag pa nito na agad binatukan ni Hannah.

Napa-aray ito dahil sa lakas no'n.

"Anong gang ka d'yan? Eh kung gang-gangin ko kaya 'yang mukha mo?!" Gigil na sigaw ni Hannah na aktong babatukan muli si Brent ngunit umilag ito. Ayaw kasi nitong sumasali ang nobyo sa mga kapatiran. "Hoy, Brent Elvis Gumabao! Kapag talaga nalaman kong may sinalihan kang gang, 'gang dito na lang talaga ang relasyon nating dalawa!" Pananakot pa nito.

"Eto naman si bhie, 'di na mabiro!" Pilit niyang niyakap si Hannah na pumapalag pa. "Alam mo namang 'gang nandito ka sa tabi ko, malakas na ako. Kaya 'di ko na kailangan ng gang-gang na 'yan." Pagbawi ni Brent na ikinangiti ni Hannah na halatang kinilig sa banat ng nobyo.

Napailing ako sa dalawang 'to. 'Gang ngayon ba naman ay ganito pa rin sila ka-korni maglambingan?

"Oh, basta Sed, ha? Humanda sa akin 'yang si Carter 'pag hindi siya tumupad sa usapan niyo. Ginigigil ako, eh!" Pahabol pa ni Hannah sa akin.

Tinanguan ko lang siya't matapos iyon, bumalik na ulit sila sa harutan nilang dalawa.

Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako sa campus.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now