Chapter 33

31.7K 1K 150
                                    

SEDRIC

Kinuha ko mula sa aking cabinet ang bagong set ng dilaw na jersey short at sando na susuotin ko ngayong araw. Ngayong araw kasi ang pinakahihintay ng lahat na taunang basketball tournament kung saan makakalaban ng campus namin ang koponan mula sa East Ferrer University.

Nakangiti kong tiningnan ang naka-imprentang numero sa dilaw na jersey sandong hawak ko, number eleven iyon. Sa taas naman nito, nakalagay ang pangalan ng campus na nire-representa namin. Ang Uno Del Mundo University.

Sa likuran, nakasulat ang apelyido kong Martinez. Habang tinitingnan 'yon ay hindi ko maiwasang ngumiti. Dati ay pinapangarap ko lang maging miyembro ng basketball team dahil kay Liam. Ngayon, makakapaglaro na ako sa isang tournament kasama siya.

Isinuot ko na ang unipormeng iyon at nag-intindi na para umalis. Hindi ko itatangging kabado ako ngayong araw dahil ang makakalaban lang naman ng team namin mamaya ay ang hindi pa natatalong koponan sa larangan ng basketball. Gano'n pa man, manalo o matalo ay gagawin ko pa rin ang lahat ng makakaya ko. Alam kong gano'n rin ang bawat isa sa mga ka-team ko.

Paglabas ko ng dormitory building, nagkalat ang mga estudyanteng nakasuot ng dilaw na T-shirt bilang pagsuporta sa team ng campus namin. Ang iba pa nga'y bumati nang mapansin ang pagdaan ko. Seeing him cheering for us kahit hindi pa nagsisimula ang game makes me feel warmed.

Gaganapin ang tournamet sa loob mismo ng gym kung saan palagi kaming nag-e ensayo. Para sa akin ay isang advantage iyon dahil nasa home court kami.

Nang makarating sa loob ng gym, mas nagulat ako sa dami ng taong may hawak ng malalaking banners. Mga estudyanteng nakasuot rin ng dilaw na shirt at ang iba'y kulay berde, nagre-representa sa pagsuporta nila sa kabilang koponan. May mga dilaw at berde na kulay ng lobo ang paulit-ulit na kumakaway sa magkabilang bleachers. Maingay at damang-dama ko ang excitement nila.

Sa gilid, may mga nagse-set up ng mga tripods at cameras. Ila-live raw kasi ang magiging laro sa TV, ayon kay Coach Melvin.

Nagtungo na ako sa isang gilid kung nasaan ang mga nakadilaw kong mga ka-team. Agad ko silang in-apiran isa-isa. Brandon even hugged me because of excitement. Nginitian ko si Carter and he smiled back at me ngunit parang pilit iyon. Hindi ko maintindihan ang lalakeng 'to dahil ilang araw na siyang ganito, seryoso. Iniisip ko na lang na kinakabahan siya sa laban ngayong araw.

And Liam seems to be infected by Carter's aura. Pakiramdam ko kasi'y matamlay rin ito. Mula kahapon sa huling pag-e ensayo namin ay ganito na siya. Nginitian ko lang siya at ngitian rin ako nito, awkwardly. Seriously? Anong nangyayari sa kanila ngayong araw? Is it beacause of the nervousness?

Habang busy ang team namin sa pagwa-warm up, nag-ingay ang crowd nang dumating ang kabilang koponan. Tindig pa lang, alam mong may ibubuga na. They're wearing green set of jerseys. Matatangkad din ang mga ito at halatang umakyat na sa ulo ang titulo bilang 'undefeated' basketball team among all other Universities. Ang yayabang umasta, eh.

Sa limang minuto bago magsimula ang game, naghalo ang mga pangalan ng magkabilang campus dahil sa hiyawan ng mga estudyanteng nagchi-cheer.

Kahit gaano kaingay ang crowd, nangibabaw pa rin ang pagchi-cheer ng mga estudyante sa campus namin. Especially, ang malakas na boses ni Hannah.

"Go, Sedric! Go, UDMC!" Pagsigaw nito nang tingnan ko habang nakaupo sa itaas na bahagi ng bleachers, katabi ang nakangiting nobyo nitong si Brent. Pareho silang may hawak ng kulay dilaw na cartolina. "UDMC for the win!"

Nginitian ko sila nang mapansin nila ang pagsulyap ko. Lalo itong nag-ingay. Napailing na lang ako dahil sa pagiging supportive ni Hannah. She's totally hyper.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora