Chapter 39

29.1K 986 147
                                    

SEDRIC

"Mayroon ka na bang layout para sa presentation natin bukas?"

Nasa loob kami ng classroom ni Hannah. Unang klase namin ngayong araw at wala pa ang professor namin sa Tourism. Kaya itong si Hannah, lumipat muna sa tabi ko dahil wala naman talaga akong katabi sa klase na 'to. Alam mo na, kwentuhan na naman.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong gabing na mag-usap kami ni Carter. Life goes on. Akala ko, pagkatapos ng huling pag-uusap naming iyon ay babalik na sa normal ang lahat. Ako pala 'yong hanggang ngayon, naiwan pa rin doon. Hindi naman siya nawala sa isip ko, eh.

Simula rin noong gabi na 'yon, hindi ko na siya nakita pa o nakasalubong sa loob ng campus. Para itong naglaho na parang isang bula. Nakakapanibago pero this is what I wanted. I pushed him away kahit umamin na siya ng nararamdaman niya para sa akin at ako sa kanya. Nasaktan ko siya. Nasaktan ko rin naman ang sarili ko, eh. At hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa katangahan ko.

I pushed him away kahit may nararamdaman ako para sa kanya, dahil lang sa isang taong hindi naman ako kayang mahalin. How stupid can I get sometimes, huh?

Pero nangyari na rin, eh. I can't turn back time.

Nagulat na lang ako nang bigla akong kurutin sa braso ni Hannah. "Aray ko!"

Kunot-noo ko siyang tiningnan na ngayo'y kunot-noo rin.

"Kanina pa kita tinatanong kung may layout ka na ba ng presentation natin para bukas sa Front Office subject natin. Eh, kaso parang lutang na lutang ka eh!" Nakasimangot nitong sambit at hinampas pa ako ng notebook na hawak niya. "Naku, Sedric! Malala na 'yang pagi-space out mo. May bumabagabag ba d'yan sa utak mo?" Dagdag nito at bakas sa mukha ang pag-aalala.

I never told her or Brent about what happened. Marami na silang hindi alam. Hindi ko naman sila masisisi kahit lagi silang wala dahil may pagkakataon naman akong magbahagi pero hindi ko ginagawa. Kapag kasama ko kasi sila, all I want is fun. Isa pa, I don't wanna bother their happy lives.

"Sorry," pilit akong ngumiti kay Hannah. "Kulang lang siguro ako sa tulog dahil sa dami ng mga take-home activities na pinagawa sa atin nitong mga nakaraang araw," I told her. Totoo naman na isa 'yon sa mga dahilan pero hindi iyon ang pangunahing rason.

"Sus!" Hannah exclaimed. "Daig mo pa ang brokenhearted dahil sa itsura mo, eh!" Ang sabi niya na ikinabigla ko.

Hindi ko alam kung sapat bang basehan 'yong pagiging matamlay at pagi-space out ko nitong mga nakaraang araw para sabihin niya iyon pero kung titingnan ang sitwasyon ko, parang gano'n na nga.

I can't really tell that this is a heartbreak pero enough ba 'tong sakit na nararamdaman ko to call it that way?

"I'm all good, Hannah. Nothing to worry about," sagot ko sa kanya at nailing nalang ito sa akin.

Nagpatuloy kami sa pagku-kwentuhan, kahit madalas ay siya lang 'yong nagsasalita at nagku-kwento. Wala si Brent ngayong araw. Masakit daw ang ngipin kaya hindi muna pumasok and went to a dentist. Natawa tuloy ako nang maisip na dahil sa sobrang sweetness nila ay nagkagano'n ang nobyo nito.

Ilang saglit pa, dumating na ang professor naming mahigit bente minutos nang late. Wala namang bago roon dahil dati pa siyang ganito. Kung may bago man ngayon, iyon ang isang hindi pamilyar na estudyanteng kasama niya. Ngayon ko lang nakita ang lalakeng ito.

Matangkad ito, naka-brushed up ang buhok at naka-braces na kitang-kita sa kanyang pagngiti. Singkit ang mga mata nito. At may dalawang malalalim na biloy.

Umubo ang professor namin sa Tourism na si Sir Guardiano bago ito magsalita. "Tahimik, class." Mahinahong utos nito sa mga kaklase kong sinimulang pagchismisan ang kasama nitong estudyante. "Kung nagtataka kayo kung sino 'tong kasama ko ngayon, hahayaan ko siyang magpakilala sa inyo. Introduce yourself, hijo." Utos nito sa lalakeng katabi niya.

Tumango ito kay Sir Guardiano bago humarap sa amin nang nakangiti. "I'm Blake Cheng." Panimula nito at ang mga babae sa unahan namin ni Hannah ay halatang kinikilig sa pagsasalita at sa dimples nito. "I'm from Civil Engineering department. It's a shame to say this but kailangan kong i-retake ang subject na 'to because I failed last year. I attended this subject a few times from another class bago ako ilipat sa klase niyo." Nakangiti nitong pagpapatuloy kaya napatango naman ang ilan kong mga kaklase.

"At least, honest naman 'tong si cutie..." bulong ni Hannah sa akin bago niya ma-realized na dumating na si Sir Guardiano't lahat ay hindi pa siya bumabalik sa totoo niyang upuan. "Ay, Sed! Babalik na pala ako roon. Baboosh!" Tinanguan ko lang ito at mabilis na lumipat sa pinaka-likuran kung nasaan ang puwesto niya.

Matapos magsalita at magpakilala 'yong bagong estudyante, na honest daw sabi ni Hannah, nagsalitang muli si Sir Guardiano.

"Mr. Cheng, you can now sit with Mr. Martinez para makapagsimula na tayo," sabi nito at itinuro ang armchair na katabi ko. "There."

Tumango ito at nakangiting nagtungo sa direksyon ko. When he sat beside me, binati ako nito. I greeted him back to be nice. Matapos 'yon, itinuon na namin ang atensyon kay Sir Guardiano na nagsimula nang magturo ng lesson niya ngayong araw.

Makalipas ang isa't kalahating oras ng klaseng 'yon, dumiretso kaming dalawa ni Hannah sa cafeteria para magmeryenda. Alas dies pa lang pero parang ang tagal ng oras. May dalawang oras pa kaming kaya't naisipan kong magkape.

"Gutom na talaga ako kanina pa!" Hannah took a big bite on the sandwich she just bought. Magkaharap kami ngayon. "Ang dami naman kasing diniscuss ni Sir Guardiano, eh. Tapos, ang bagal niya pa mag-explain. Nakakahilo!" Daldal pa nito habang patuloy sa pagnguya.

Napailing ako matapos uminom ng kape. "Hayaan mo na. Mabuti nga't matagal-tagal magturo 'yon sa atin ngayon kaysa noong nakaraan." Pagsagot ko rito't inirapan lang ako.

"Whatever!" She said and swallowed her last bite of that sandwich. "Pero maiba ako, ha? Cute 'yong Blake na bagong lipat sa atin. Ang swerte mo, katabi mo siya. Ang hot kaya niya like omg!" Eksaherada pa nitong dagdag. Napailing ako dahil sa sinabi ni Hannah.

"Alam mo, ikaw? Puro ka kalokohan talaga, Hannah!" Pagsaway ko sa kanya. "Nawala lang si Brent ng isang araw, kung kani-kanino ka na kinikilig. Isumbong kita do'n, eh." Pabiro kong pananakot rito na agad na dumipensa.

"Siyempre, biro lang 'yon! Ikaw naman!" Tumawa ito sa akin. "Ikaw ba? Hindi ka ba naku-cute-an man lang do'n kay Blake?" Pagbabalik sa akin nito ng tanong kaya napangisi ako rito.

"He is cute." Diretsahan kong tugon. "And if you're going to ship me with him, katulad ng palagi mong ginagawa sa kung sinu-sinong lalakeng matipuhan mo para sa akin, don't even think about starting." Seryoso ko ritong pagbabanta.

Napasimagot ito ngunit bigla ring natawa. "Palibhasa kasi ay may Liam ka na, eh!" She teased me. Napailing na lang ako. If she only knew.

Sakto namang nang banggitin niya ang pangalan ni Liam ay ang pagpukaw ng mga mata ko sa dalawang taong kakapasok lang sa loob ng cafeteria. Si Liam iyon kasama si Carter. Naka-akbay si Carter rito. Natigilan ako at tila napako ang tingin sa kanila. Hindi ko inaasahang makikita ko silang magkasabay. Hindi ko rin inaasahang makita si Carter rito, matapos ang dalawang linggong hindi ko ito nakikita. Why do I feel glad to see him smiling now?

Seeing Liam now isn't the same anymore. Nando'n pa rin 'yong saya dahil nakita ko siya ngayon pero hindi na katulad noon. Nang dahil sa mga nangyari, nagbago na lahat.

Napansin ni Carter ang pagtitig ko sa kanila. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Gustuhin ko mang ngitian siya, hindi ko magawa. Hindi ko ginawa dahil parang hindi tama.

Umiwas ito sa ilang segundo naming pagtitig sa isa't isa. Pareho silang nagtungo sa counter at um-order. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila. Ano bang inaasahan ko? Natural lang naman sigurong hindi niya ako pansinin dahil sa ginawa ko sa kanya. Ngunit kahit gano'n, bakit parang mas masakit ngayon?

Why do I feel like mas may kirot ngayong nakikita ko silang magkasama?

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now