Chapter 4

40.5K 1.3K 93
                                    

SEDRIC

Malakas ang pagtibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ako makapaniwalang harap-harapan ko siyang nakikita ngayon. Hindi na sa malayuan lang kung 'di mismong nasa harap ko na ang lalakeng matagal ko nang hinahangaan. Hindi ko maiwasang kiligin sa loob ko.

Ito na ba 'yong pagkakataon ko para mas mapalapit pa sa kanya? Ito na ba 'yon?

Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko dahil rumi-rehistro iyon sa aking mukha na pilit pinipigilan ang aking pagngiti. Ayoko namang maging sobrang obvious sa harap niya, 'no.

Kumakain siya pero ako, 'di ko man lang masimulan ang pagkain kong medyo lumalamig na dahil sa kakatitig ko sa kanya. Parang all of the sudden ay bigla akong nabusog. Masyado akong nadadala ng ka-gwapuhan niya.

Kapag tumitingin siya sa akin ay nagku-kunwari na lang akong naka-pokus sa pagkain ko. Kahit ang totoo, 'di ko pa ito ginagalaw mula nang umupo ako rito. I want to start a conversation with him so bad pero 'di ko alam kung anong sasabihin ko. I want to ask him anything pero 'di ko alam kung paano magsisimula. Masyado akong nahihiya sa kanya.

Hindi naman ito ang unang beses na makita at makasama ko siya nang malapitan dahil minsan ko na siyang nakatabi noon sa mga school meetings at ibang academic-related organizations na sinalihan ko para lang makita siya. Kahit ang totoo, wala naman talaga akong pakealam doon sa mga organizations na sinasalihan ko. Yes, I went that far.

But can you blame me? Siya ang rason kung bakit gustong-gusto kong pumasok araw-araw. He's the reason why I'm always happy each and every day. Siya ang inspirasyon ko.

Habang patuloy ko siyang pinagmamasdan sa kanyang pagkain, hindi ko namalayan na binalingan na pala niya ako ng tingin. Bigla dumoble ang hiyang nararamdaman ko.

"Hindi mo pa ginagalaw 'yang pagkain mo, pare." Pagpuna niya at tiningnan ang walang bawas kong pagkain nang may pagtataka. Siguro nahalata niyang nakatitig lang ako sa kanya the whole time. Nakakahiya ka talaga, Sedric!

Agad kong kinuha ang kutsara't tinidor. "Mainit pa kasi kanina kaya pinalamig ko muna nang kaunti." Nakangiti kong palusot kahit alam kong ang lame no'n.

Tumango siya sa akin at bumalik na rin sa kanyang pagkain.

Habang kumakain kaming dalawa, kapansin-pansin ang mga babaeng nakatingin sa table namin. Normal na ito sa akin pero iba ngayon dahil kasama ko ang nag-iisang si Liam Preston. Malamang katulad ko rin ang mga babaeng 'to na may paghanga kay Liam. Sino bang 'di magugustuhan ang taong kaharap ko ngayon? Bukod sa looks at brains, gentleman pa.

"Pare, matanong nga kita..."

Mula sa aking pagnguya, natigilan ako't napatingin kay Liam nang bigla itong magsalita.

"A-ano 'yon?"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba nang bigla niya akong kausapin. Ano kayang itatanong niya? Hindi kaya ay napansin niya 'yong pagtitig ko sa kanya kanina kaya itatanong niya kung may gusto ako sa kanya? Naku! Huwag naman sana.

"Hindi ka ba naiilang kapag pinagtitinginan ka ng mga tao rito sa loob ng campus?" I let out a breath of relief nang 'di tungkol sa iniisip ko ang tanong niya. Still, bigla akong nagtaka kung bakit niya natanong ang bagay na 'yon.

"Hmm, naiilang rin siyempre. Minsan kasi sa sobrang dami ng mga matang nakatingin sa'yo rito sa campus, nakakatakot nang magkamali." Tugon ko sa tanong niya. "Bakit mo naman natanong?" I smiled.

Ngumiti si Liam. "Aware ka naman siguro na isa ka sa mga estudyanteng hinahangaan ng karamihan rito, 'diba?" He asked.

Hindi ko inaasahang sa kanya ko maririnig ang bagay na iyon. "Hindi naman gaano. Sa katunayan nga, ikaw ang hinahangaan ng lahat rito sa campus. Kumbaga, ikaw 'yong standard level that everyone look up to." I honestly told him.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon