Chapter 15

33.7K 1.2K 93
                                    


SEDRIC

Alas nuebe na ng gabi at hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakahiga rito sa couch. Kahit anong pilit ko'y hindi ako ganahan kumain. Pagkatapos ng huling klase ko kaninang alas tres, dumiretso na agad ako rito sa dorm. Gusto kong makatulog para kahit ilang oras ay makalimutan ko 'yong nangyari ngayong araw sa campus. Kaso kahit sarili kong isip ay hindi ako mapagbigyan.

Marahil hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin 'yon ng mga estudyante na nakakita ng mga papel na nagkalat kanina. Ayoko sa chismis pero ngayon, sigurado akong pinagchi-chismisan na ako ng lahat, hinuhusgahan dahil sa tunay kong pagkatao ko.

Alam kong hindi naman dapat ako mahiya dahil sa totoo lang, matagal ko nang tinanggap kung ano ako, na bakla ako. Pero dahil sa nakakahiyang paraan ng pagpapaalam no'n sa iba, hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Hindi dahil nalaman nila kung 'di dahil sa paraan pa na ikakahiya ko talaga. Sino bang hindi mapapahiya at masasaktan kung umagang-umaga pa lang habang naglalakad ka papasok sa una mong klase ay makikita mo 'yong itsura mo na naka-paskil sa bawat poste ng campus? At sinong matinong taong gagawa no'n? Masaya kaya siya ngayon?

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naiinis kay Carter dahil sa ginawa niyang hindi pagtupad sa usapan naming dalawa. Sa totoo lang, galit na galit ako sa kanya. Siya lang naman 'yong pwedeng gumawa no'n, eh. At kahit itinanggi niya pa kanina, hindi ko 'yon pinaniwalaan. Hindi ko na dapat siya pinagkatiwalaan pa noong una pa lang.

Pero kung iisipin ko namang mabuti, kasalanan ko rin naman 'to, eh. Una sa lahat, hinayaan ko 'yong sarili ko na malasing nang sobra noong gabing 'yon. I carelessly told him that I love Liam. Pangalawa, I trusted him. At pangatlo, kinaibigan ko pa siya. It was also my fault.

It's nonsense na magalit pa kay Carter dahil sa ginawa niya. Kasi simula pa lang naman, alam ko na kung anong ugali niya, that he is a jerk. Bakit ba ako umasa na may chance pang mabago 'yong tingin ko sa kanya kapag kinaibigan ko siya? That was stupid of me.

Napapikit ako kasabay ng paghilamos ko ng aking mga palad sa aking mukha.

Iniisip ko na lang na magiging okay din ang lahat. I won't let this stupid thing get the better of me. Isa pa, totoo naman 'yong nakasulat doon sa papel, maliban sa mga salitang nagsasabi na huwag akong tularan. I need to be positive and think that this will be over soon. Besides, chismis come and go. Hihintayin ko na lang na magsawa sila na pagchismisan ako.

Pero hindi na ako magpapa-apekto. Hindi na ngayon.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa couch. I stretched my arms and smiled. Ngayon, kailangan ko ng iinumin para mas gumaan ang pakiramdam ko. Hindi alak kung 'di iced coffee. Like what I've said before, iced coffee or cofee can make my day or mood better, second to Liam.

And speaking of him, malamang ngayo'y alam na niya ang tungkol sa pagkatao ko pero umaasa pa rin ako na hindi pa nasasabi ni Carter ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit 'yon na lang.

Lumabas ako ng dorm, mag-a alas dies na ng gabi. Binati ko ang guard na nagbabantay sa labas ng building at sa gate ng campus. They smiled at me. Parang they are the only ones na walang pakealam sa gulo ng campus na 'to.

Nakasuot ako ng oversized-white shirt at denim short. Nang makalabas ng campus, naglakad-lakad na ako patungo sa Brews Clues Café. Hindi natuloy 'yong huling beses na magkakape sana ako doon kaya ngayon na lang ulit ako makakapunta. Malamig sa labas pero dahil malaki naman ang damit na suot ko, hindi 'yon naging problema.

Mas madilim ngayon kaysa noong nakaraan, natatabunan kasi ng makapal na ulap ang buwan.Tanging mga streetlights lang sa gilid ng kalsada ang nagsisilbing liwanag ng ilang taong dumadaaan. Wala rin palang mga bituin sa langit pero alam kong nagtatago lang sila sa kalangitan.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now