Chapter 1

79.4K 1.9K 296
                                    

SEDRIC

Alas otso na ng umaga at kasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng campus ng Uno Del Mundo Colleges. Ito na ang huling taon ko sa kolehiyo bilang isang Hospitality Management student. Sa loob ng halos apat na taon, naging malaking parte na ito ng buhay ko.

Habang patuloy na naglalakad sa karamihan ng mga estudyanteng nagkalat sa loob ng campus, nakalagay sa magkabila kong tenga ang aking earphones kung saan pinakikinggan ko ang playlist ng mga paborito kong R&B songs. Masyado kasing maingay ang mga estudyanteng nagtatawanan at nagsisigawan na animo'y isa itong palengke.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng malakas na sigaw na tumatawag sa pangalan ko. Kahit gaano pa kalakas ang volume ng kantang pinakikinggan ko ay hindi 'yon naging hadlang para marinig at makilala ko kung sino ang nagma-may ari ng high-pitched voice na iyon.

"Sedric! Hoy, Sed! Hintayin mo kami!" Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa aking likuran. Nakita ko si Hannah, ang best friend ko, habang tumatakbo papalapit sa direksyon ko kasama ang boyfriend niyang si Brent.

Inalis ko mula sa magkabila kong tenga ang nakalagay ritong earphones. I waited for them to get closer to me. Hingal na hingal ang dalawa nang makalapit sa akin. "Hindi niyo naman kailangang magmadali. Fifteen minutes pa bago magsimula 'yong klase natin sa Food & Beverages." Sabi ko habang tinitingnan sila na ngayo'y naghahabol pa rin ng hininga. "Ano na naman bang mayroon at iba 'yong pakiramdam ko sa pagmamadali niyong dalawa?" Nangliit ang mga mata ko while asking them.

Nang tuluyang mabawi ang sapat na hangin para makahinga, ngumiti si Hannah sa akin. "Nabalitaan mo na ba 'yong latest issue ngayon dito sa campus, Sed?' Tanong nito na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kanyang labi habang sinusuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay.

Napatingin ako kay Brent matapos marinig ang tanong ni Hannah. Napangiti lang ito sa akin dahil alam kong alam na niya kung ano ang iniisip ko tungkol sa girlfriend niya. Ang mga ganitong ngiti ni Hannah ay indikasyon na may bagay na naman siyang ichi-chismis sa akin.

Ano na naman kaya 'yon?

Nagkunwari nalang akong interesado sa tanong niya. "Latest issue dito sa campus? Mayroon ba? Wala akong nababalitaan, eh." Sagot ko.

Sa totoo lang kasi, hindi ko hilig ang mga ganitong bagay. Ayoko sa chismis pero dahil kaibigan ko si Hannah, I always get her daily dose of it.

Ni-rolyohan ako ng mata ni Hannah. "Napaka-outdated mo talaga!" Kumapit ito sa braso ni Brent. "Tell him, bhie! Tell him the latest issue!" Utos niya sa nobyo.

Tiningnan ko si Brent nang magsimula itong magsalita. "Dude, si Carter Ong ng Computer Engineering department ang may issue na naman." Nang marinig ang pangalan ng taong 'yon ay parang mas bumaba ang level ng energy ko ngayong araw. Seriously? Siya na naman 'yong trending topic dito sa loob ng campus?

"Anong pakealam ko sa kanya?" Walang gana kong tugon kay Brent.

Alam naman nila ang dahilan kung bakit hindi ko gusto ang taong 'yon. Well, sino bang magkakaroon ng interes sa isang taong gano'n ang pag-uugali katulad ng sa kanya? Puwes, hindi ako.

Hannah continued, as if gusto kong marinig ang ilan pang detalye ng sinasabi nilang issue ng Carter na 'yon.

"So, 'yun na nga! Nakipag-away na naman siya sa labas ng campus." Tumigil siya saglit para huminga bago magpatuloy muli sa pagku-kwento. "Ang alam ko, nagsimula 'yon noong binastos ng isang estudyante rin dito ang isa sa mga chicks niya. Alam mo ba? Kawawa 'yong lalakeng binugbog niya!" Madamdamin ang paraan ni Hannah ng pagku-kwento na parang nando'n talaga siya nang mangyari 'yon.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now