Chapter 47

27.5K 935 48
                                    

SEDRIC

"Isang bote pa nga!"

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo sa table kaharap ang anim na bote ng walang lamang beer. Naubos ko ang lahat ng 'yon pero kulang pa rin. Ramdam ko na ang pagkahilo at pagkontrol ng alak sa katawan ko pero wala akong pakealam. Ang gusto ko lang, magpakalasing ngayong gabi at kalimutan lahat ng narinig ko mula kay Carter.

Ang sakit, eh. Ang sakit-sakit!

Handa naman na akong mahalin siya. Magtatapat na ako sa kanya na mahal ko rin siya at handa na akong ipagsigawan 'yon sa lahat. Pero bakit kailangang mangyari 'to? Bakit kailangang dumating ng ex-girlfriend niyang tatlong taon nang nakipaghiwalay sa kanya at makipagbalikan ulit? Bakit siya nakipag-balikan doon? Bakit niya nagawang sabihin sa akin nang harapan na nagbalikan na sila? Paano niya nasabi 'yon sa harap ko? Paano niya 'ko nagawang saktan?

"Sir, mawalang galang na po. Marami na po kayong nainom na beer at malapit na po kaming magsara. Kaya niyo pa bang umuwi?" Nilapitan ako ng lalakeng server ng bar kung nasaan ako para sabihin iyon. "Mag-a-alas dos na po ng madaling araw, Sir. Kung gusto niyo, tatawag ako ng taxi para sa inyo." Ang tila concern nitong suhestyon ngunit natawa na lang ako.

"Isang beer na lang, pwede?" Ang wala sa katinuan kong sagot sa kanya. "Kaya ko ang sarili ko kaya sige na, bigyan mo pa ako ng isa. Last na!" Pakikiusap ko rito. Hindi ko alam kung anong ginawa nito ngunit nang malingat ako'y umalis na siya sa harapan ko. Hindi ko na halos ma-imulat ang mga mata kong aminadong inaantok na.

The server gave me what I requested to. Agad ko 'yong nilagok nang inom.

Pansin ko ang ilang tao na natitira sa loob ng bar. Ang iba'y umaalis na at ang mga nagta-trabaho rito ay nagliligpit na. Gusto ko pang manatili't uminom. Sa isip ko'y gusto kong magpakalunod sa alak pero nakaka-pito pa lang ako at para na akong bubulagta dahil sa pagkahilo. Hindi ko nga alam kung may pangbayad ako sa mga nainom kong beer, eh.

Hindi ko alam kung bakit umupo sa table ko ang server na nagserve sa akin ng beer kanina. Nginitan ko lang ito't itinaas ang beer sa harap niya bago uminom. Nilaklak ko iyon. Lalong gumuhit ang pait at tamis ng beer sa lalamunan ko. Lalo akong nakaramdam ng pagkahilo.

"Alam mo ba kung ba't ako nandito?" Ang wala sa sariling tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. "Nandito ako ngayon at nagpapakalasing dahil iyong taong mahal ko at akala ko'y mahal rin ako, iba 'yong pinili! Badtrip, 'diba?!" Paglalabas ko ng sama ng loob sa kanya.

Nilaklak ko hanggang maubos ang bote ng beer na hawak ko.

"Naku, Sir. Alam kong hindi 'yan madali at naiintindihan kita." Narinig kong sabi nito sa akin. Napangiti ako, thinking that he'll never understand what I feel. "Pero hindi po solusyon ang pag-inom nang sobra para makalimot sa sakit," iyon ang sinabi niya na tinawanan ko naman.

Nang tingnan ko ito kahit umiikot ang mga mata ko sa pagkahilo, mukhang kasing edad ko lang ito pero kung magsalita siya ay akala mo kung sinong beterano. Napangisi ako.

"You're not in my shoes kaya hindi mo maiintindihan..."

Matapos kong sabihin iyon, kusa akong napa-subsob sa lamesa. Hindi ko na kaya ang epekto ng alak sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano pa ako makakaalis sa lugar na 'to. Ngunit higit sa lahat, hindi ko alam kung paano makakatakas sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Magkano lahat ng nainom niya?" Nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon, gusto kong i-angat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa lamesa pero tila ang bigat-bigat nito. "He's my friend. Ako na ang bahala sa kanya," when I heard him again, alam kong si Liam iyon.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now