Chapter 3

48.4K 1.5K 116
                                    

SEDRIC

Sabado ngayon at pasado alas dies na ng umaga.

There's no big deal kung magising ako ng ganitong oras dahil weekend naman. Isa pa, sa loob ng isang linggo ay dalawang beses ko lang ito nagagawa dahil tuwing weekdays ay sobrang aga ng mga klase ko. Biyaya na ngang maituturing para sa akin ang mga klase kong alas otso ng umaga ang schedule dahil kumpara sa pang alas siete, nakakatulog pa ako ng extra thirty minutes to one hour.

Matapos ang basketball practice namin ng team kahapon sa gym ay dumiretso na ako rito sa dorm. Wala rin naman na akong pupuntahan pa. Hindi rin kasi ako 'yong tipo ng estudyante na kapag Friday night ay may gimik o lugar na pinupuntahan. Well, kahit gustuhin ko man ay wala rin naman akong makakasama kapag nagkataon. Kaya after a long week of studying and practicing basketball, off to the dorm agad.

At dahil nga hindi ako lumalabas tuwing Friday night, ginagamit ko nalang ang oras na 'yon sa harap ng laptop ko. Sayang naman kasi 'yong Wi-Fi rito sa loob ng dormitory kung 'di ko gagamitin. Isa pa, isang bagay lang naman 'yong paulit-ulit kong ginagawa everytime na magbubukas ako ng laptop.

Ang bisitahin ang timeline ni Liam sa Facebook.

Sabihin na nating I'm stalking him online pero ginagawa ko lang 'yon to make myself happy and unbored here. Hindi ko naman araw-araw 'yon ginagawa. Also, hindi naman siguro illegal kung gusto kong makita paminsan-minsan ang mga pino-post niyang litrato, quotations at videos online, 'diba?

We aren't friends on Facebook dahil I never had the guts to send him a request. Kaya heto, palihim akong naku-kuntento sa kung ano lang 'yong mga nakikita kong pino-post niya publicly.

Sa apat na taon ko na siyang kilala at sa paminsan-minsan ko ring pag-stalk sa kanya online ay ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siya sa mga animated movies. Nakita ko kasi na nagshare siya ng isang link kung saan pwedeng manuod ng mga libreng cartoon movies.

Are you also an animated movie lover like me? Check this out!

Iyon ang caption ng shared post niya kagabi. Kaya ako naman 'tong agad ring binuksan 'yong link at nagdownload ng mga libreng animated movies na nandoon kahit sa totoo lang ay 'di ko hilig ang mga gano'ng klase ng pelikula.

Ako kasi 'yong tipo ng taong mas hilig ang mga movie na may genre na Science Fiction. Aside from that, hilig ko rin manuod ng mga survival at thriller movies. Pero mukhang gusto ko na ngayong mag marathon ng mga movies na hilig ni Liam. Iba talaga 'yong epekto niya sa akin.

Bukod sa movies, alam ko rin ang favorite color niya at mga hobbies niya tuwing hindi siya nag-aaral. He loves the color blue and he also loves biking.

Sa facebook page ng Uno Del Mundo Colleges ay doon ko napanuod ang interview niya kung saan sinabi niya ang ilang facts tungkol sa sarili niya. That was an in demand post. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Liam sa mga sikat na estudyanteng hinahangaan sa campus. Kaya madalas ay siya ang laman ng page na 'yon.

Si Liam ang dahilan kung bakit palagi na lang akong late na natutulog tuwing Biyernes. Siya rin ang dahilan kung bakit matutulog na lang ay 'di pa maalis ang ngiti sa labi ko.

Kahit alas dies na at katirikan na ng araw sa labas, 'di pa rin ako napigilan nito para magtimpla ng paborito kong iced coffee. Mahilig na talaga ako rito noon pa. It makes my day better, second to Liam.

Pumwesto ako sa nag-iisang couch ko rito sa dorm. Doo'y umupo ako habang umiinom at nag-iisip ng kung anu-ano. Minsan talaga ay kailangan mo lang maupo sa isang tabi, uminom ng kape at magrelax.

Ang aking dorm room ay ang pinakahuling kwarto sa buidling ng boys dormitory. Nasa ikalawang palapag ako ng gusali, room number thirty. Sa isang kwarto, dalawang estudyante ang magkasama. Hindi ko nga alam kung bakit sa pangatlong buwan ko na rito mula nang magsimula ang school year ay 'di pa sila nakakahanap ng ka-share ko.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon