Chapter 42

27.4K 1K 276
                                    

SEDRIC

Matapos kumain ng tanghalian, nagpasya kami ni Blake na libutin ang gubat at kumuha ng mga litrato gamit ang mga dala naming camera. Gano'n rin kasi ang ginagawa ng iba at isa pa, sayang 'yong pagkakataon. Hindi naman mainit dahil napapaligiran kami ng matataas na puno na nagbibigay lilim at lamig sa amin.

We took pictures habang naglalakad kami. I saw Hannah and Brent, magkasama sila kahit hindi naman sila 'yong magka-partner. Natawa na lang ako dahil puro selfies ang ginagawa ni Hannah sa kanyang cellphone, instead of taking pictures of the surroundings.

We took pictures of the birch trees, the sky, the students who were taking pictures and all the good things in this forest. I also took two selfies for remembrance of this place.

Ilang saglit pa, sa karamihan ng mga estudyanteng nasa paligid namin, Blake asked me for a picture with him. Pumayag naman ako and also, I took one photo of us using my camera.

Habang nagtatawanan kaming dalawa ni Blake dahil sa mga kuha naming litrato at sa mga blurred shots namin, napansin ko ang pagdaan ni Carter kasama ng lalakeng ka-partner niya. Kung seryoso ito kanina ay mas seryoso ito ngayon. Ang mga mata nito'y nakatingin sa akin na akala mo'y may ginawa akong masama. What's wrong with him?

Sa dami ng nakuha naming shots at ng ibang mga estudyanteng naaliw rin sa pagkuha ng mga litrato, hindi namin namalayan ang oras. Mag-a-alas sais na pala ng gabi. Unti-unti na ring dumidilim kaya't ang lahat ay nagsibalikan na sa kani-kanilang tent. Isang oras kasi mula ngayon ay may magaganap na campfire rito.

Kumain kami ni Blake ng maagang hapunan bago ko mapagpasyahang lumabas muli ng tent at maglibot-libot. Hindi na ito sumama dahil napagod daw siya sa pagkuha ng litrato kanina. Kaya't ako na lang ang lumabas at naglakad-lakad. Madilim na ngunit may sapat na liwanag naman ang buwan kaya nakikita ko nang maayos ang daan. Isa pa, dala ko naman 'yong lighter na hiniram ni Blake kay Carter. May flashlight kasi ito.

Ine-enjoy ko lang 'yong mabagal kong paglalakad. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin na unti-unting kumakapit sa katawan ko. Hindi ako nakapagdala ng kahit anong ka-suotang panlamig sa trip na 'to kaya wala akong choice kung 'di ang magtiis.

Tahimik ang paligid at sa aking paglayo, mga ingay mula roon sa campsite na lang ang naririnig ko. Mga huni rin ng kuliglig at iba't ibang insekto ang maririnig. Natutuwa akong gawin 'to. Ang maglakad sa isang banayad na gubat sa mga oras na 'to. Hindi ko pa 'to nagagawa noon kaya malakas ang loob kong gawin 'to ngayon. Para sa akin kasi, ang magical ng gabi lalo na sa isang lugar na tahimik katulad nito.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, natigilan ako nang makarinig ng mga pagyabag. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad nang huminto iyon. Hindi naman ako takot sa dilim at isa pa, wala naman sigurong maligno o engkanto rito. Hindi naman ito isang tipikal na gubat na katatakutan mo.

When I continued, napatigil akong muli sa paglalakad at humarap sa aking likuran nang marinig ang pag-ubo ng kung sino. Nang dahil sa gulat, itinutok ko agad ang hawak kong flashlight ng lighter sa kung sino mang taong iyon.

"Pwede bang huwag mong itutok sa akin 'yan? Ang sakit sa mata, eh." When I heard that voice, kumalma ang loob ko. It's Carter.

Ibinaba ko ang pagtutok ng flashlight sa kanya.

Isang metro lang ang layo nito sa akin. Nakasuot ng leather jacket at seryoso akong tinitingnan ngayon. Napalunok ako sa reyalisasyong magkaharap kami ngayon.

"P-Pasensya na. Nagulat lang ako," kalmado't hindi makatingin sa kanya nang diretsong sabi ko. "Bakit ka ba kasi nandito? Akala ko tuloy, may sumusunod sa aking maligno." I told him. Nakita ko ang pagngisi nito.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now