Chapter 17

30.6K 1.1K 48
                                    


SEDRIC

Nandito ako ngayon sa clinic ng campus at inis na tinitingnan si Carter habang dinadampian ito ng bulak na may alcohol sa kanyang mukha.

"Aray! Dahan-dahan naman," daing nito dahil 'di ko sinasadyang madiinan ang pagdampi ng bulak sa gilid ng kanyang labi. "Kung napipilitan ka lang, ako na ang gagawa." Akto nitong kukunin ang bulak sa kamay ko pero agad ko itong nilayo. Sinamaan ko siya ng tingin.

Sampung minuto na siguro kami rito sa loob. Wala pang nurse na naka-duty kaya't ako ang gumagamot ngayon sa sugat ni Carter dahil sa suntok na sinalo niya mula kay Ernie kanina. Alas otso y trenta pa kasi ang dating ng tao rito sa clinic pero bukas na ito simula alas siete. May first aid kit naman rito kaya iyon ang ginamit ko.

"Eh, kaya nga ako ang gumagawa dahil mas nakikita ko 'yong sugat mo. Huwag ka na lang maarte, pwede?" Inis na sabi ko at nagpatuloy lang sa pagdami ng bulak sa kanyang sugat. Napapa-galaw siya nang kaunti dahil sa hapdi ng alcohol. "Tiisin mo. Saglit na lang 'to," walang tingin-tinging utos ko sa kanya habang patuloy sa marahang paggamot rito.

"Bilisan mo na kasi..." inip na niyang daing sa akin pero hindi ko 'yon pinansin,

Malakas ang suntok ni Ernie sa kanya kaya't pumutok ang gilid ng labi niya. Maraming dugo ito kanina pero nilinis ko rin agad. Kung hindi lang talaga ako na-konsensya dahil sa akin dapat ang suntok na 'yon, hindi sana ako mag-aabalang dalhin siya rito sa clinic.

Kung hindi ba naman kasi siya siraulo na humarang sa harap ko nang susuntukin na ako ng Ernie na 'yon, hindi sana siya magkakaganito. Hindi ko na sana kinonsensya ang sarili ko para gawin 'to. Wala sana kami sa sitwasyon na 'to.

Kayang-kaya ko namang iwasan ang suntok ng Ernie na 'yon kanina, eh. Ang hindi ko kaya ay ang magkautang na loob rito kay Carter.

"Hindi ako nurse pero kailangan nating takpan 'yan." Seryosong sabi ko sa kanya nang matapos ang pagdampi ko rito ng bulak. "Huwag kang gumalaw," pagsaway ko sa kanya habang inihahanda ang band-aid na hawak ko. Marahan ko 'yong inilagay para takpan ang sugat niya.

Ibinalik ko na 'yong bulak, alcohol at ang fist aid kit sa kinalalagyan nito. Pagharap ko sa kanya, nakatingin na ito sa akin. Seryoso itong may band-aid sa mukha. Magulo ang buhok habang sando lang ang suot. Hinubad niya ang polo niya nang makarating kami rito.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to," sambit niya, diretso ang tingin sa akin.

Kunot-noo ko siyang sinagot. "Eh, 'yong kanina? Kailangan mo bang gawin 'yon?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong, referring for what he did earlier at the gym. "That was a stupid act. Kahit naman hindi ka dumating, kaya ko iyon si Ernie. Humarang-harap ka pa. Ayan tuloy ang napala mo," napailing ako.

Halatang nainis ito. "Wow, ha? Ganyan ka ba magpasalamat sa taong sumalo ng suntok para sa'yo? You're welcome, ha?" Sarcastic nitong tugon. "Ginawa ko lang naman 'yon kasi akala ko, wala kang gagawin at hahayaan mong suntukin ka niya." Nagbago ang tono ng boses niya. Ayokong sabihin na tunog-concern siya pero parang gano'n na nga.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. "Huwag ka ngang umarteng parang concern ka d'yan kasi ang hirap paniwalaan," iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Aalis na ako. Hahabol ako sa klase ko dahil late na ako." Pagpapaalam ko sa kanya na tumayo mula sa pagkakaupo sa isang monoblock chair.

Matapos kasing tumakbo si Ernie kaninang nang ma-suntok niya si Carter, dumiretso agad kami rito sa clinic at hindi na hinintay si Coach Melvin. Pati tuloy ang klase ko ngayong umaga ay na-apektuhan.

"Ngayong alam mo na na hindi ako ang may pakana ng pagkakalat ng mga papel kahapon, okay na ba tayo?" Nagulat ako dahil sa tinanong niya sa akin. Nasa likuran ko pala ito nang lumabas ako ng clinic. "Hindi ka na ba galit?"

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin