Chapter 49

32.9K 1.5K 186
                                    


SEDRIC

"Sigudo ka na ba talaga rito?"

Nasa terminal ako ng bus. Inihatid ako rito nina Hannah at Brent. Habang tinitingnan ko ang dalawa ay para silang mga batang iiwan ng kanilang tatay. As much as I want to stay, gusto ko ring huminga muna mula rito sa syudad at bisitahin ang pamilya ko sa probinsya.

"Dude, pwede ka pang magbago ng isip. Hindi pa naman umaalis 'yong bus na sasakyan mo papuntang Baguio, oh? Huwag ka nang umalis..." Brent said, katulad ng nobya niya ay halata ang lungkot sa mukha nito.

Napangiti ako't napailing. "Ang overacting niyo namang dalawa!" Pilit akong tumawa habang tinitingnan ang dalawa kong kaibigan. "Two weeks lang naman ako roon at pagkatapos ng semester break, babalik rin ako ulit dito. Ano ba kayo?" Dagdag ko pero hindi no'n nabago ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Aaminin ko, this is so sudden. Dalawang araw lang ang nakalipas mula noong gabing mag-usap kami ni Carter and here I am, uuwi sa probinsya para kahit papaano'y makalimot. Timing rin ang semester break namin dahil nabigyan ako nito ng pagkakataong tumakas mula rito sa syudad. I just want to give myself time to process everything. Ayoko namang lunurin na lang palagi 'yong sarili ko sa alak.

"Just take care, okay?" Hannah told me. "Alam ko na hindi ka pa okay ngayon pero sana makatulong 'tong pag-alis mo nang panandalian para kahit papaano makapag-isip ka. That everything will be alright like they used to be." Payo sa akin ni Hannah, tinanguan ko 'yon at niyakap siya.

"Thank you," I told them.

Nang i-anunsyo ng konduktor sa labas ng bus na aalis na iyon, nagmadali na akong magpaalam sa dalawa't sumakay na roon. Nang nasa loob na'y sinilip ko silang dalawa sa bintana and saw them waving at me habang nagsisimulang umandar ang bus. I waved back and smiled.

Tuluyan nang umalis ang bus na sinasakyan ko't tinahak na ang kahabaan ng kalsada.

Ang kaninang pagngiti ay napalitan ng lungkot dahil mamimiss ko ang syudad kahit sandali lang akong mawawala. Especially, ang dalawang kaibigan ko. Sa totoo lang, ayoko naman talagang umalis eh. Pakiramdam ko lang kasi ay ito ang kailangan ko ngayon. Kasi kung hindi ako aalis kahit panandalian lang, palagi ko lang makikita sa hallway ng dorm si Carter. Magiging awkward ang lahat at masasaktan lang ako kapag nakita ko siya.

Kaya heto ako ngayon, pansamantala munang lalayo para sa ikabubuti ng puso ko. Isa pa, gusto ko ring bisitahin sina Mama at Papa sa probinsya namin, pati ang mga kapatid ko. I'm taking this not only an escape but an opportunity to see them.

At sana, sa pagbalik ko sa syudad ay okay na ang lahat. Sana okay na rin ako.

CARTER

"Sorry, Katrina. Hindi ko na kayang ituloy 'tong relasyon nating dalawa..."

Mula noong gabing masabi ko kay Dad ang lahat, nag-isip ako ng paraan kung paano aayusin ang mga bagay-bagay. Gustuhin ko mang unahin si Sedric at sabihin sa kanya ang totoo, hindi ko muna ginawa. I took a day to think and to prepare myself para ayusin ang lahat, ang sarili ko.

I asked Katrina to meet me at a coffee shop. Ipinaliwanag ko sa kanya lahat. Sa harap niya, sinabi ko na hindi ko na kayang ipagpatuloy 'yong pakikipagrelasyon ko sa kanya dahil bunga lang iyon ng business agreement ng mga magulang naming dalawa.

She smiled at me. Hinawakan nito ang kamay ko. "It's okay," nagulat ako sa naging sagot niya sa akin. "When we met again, alam kong hindi na ikaw 'yong Carter na kilala at minahal ko, three years ago. Alam kong may ibang tao nang nagpapatibok d'yan sa puso mo. At gusto kong malaman mo na 'di mo na kailangang alalahanin 'yong tungkol sa business partnership ng Dad mo sa amin. I talked to them. Kahit hindi natin ituloy ang relasyong 'to, itutuloy pa rin nila ang business nila. After all, business is business. And love is love," nakangiti siya the whole time na ipinapaliwanag 'yon sa akin.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now