Chapter 41

29.1K 944 139
                                    

SEDRIC

Wala pa sigurong alas cuatro ng madaling araw ay gising na ako. Hindi dahil excited ako sa academic-related fieldtrip na gagawin namin ngayong araw, kung 'di dahil kay Hannah. Hindi raw kasi siya makatulog kaya pasado alas tres kanina ay tinawagan niya ako. Pinagsisihan ko tuloy na hindi ko sinilent ang cellphone ko bago ako matulog kagabi.

Unlike me, sabik na sabik si Hannah sa fieldtrip. Inaasar daw siya ni Brent kaya ako ang binulabog niya. Hindi na rin ako nakatulog pa ng mahigit isang oras dahil sa kadaldalan niya. Nawala na 'yong antok ko kaya't maaga rin akong nagprepara ng sarili at mga dadalhin ko para sa fieldtrip.

Nang matapos ang lahat ng paghahanda, sukbit ko sa aking likuran ang isang malaking backpack that is meant for traveling. Nagdala lang ako ng sapat na gamit para ngayong araw hanggang kinabukasan ng umaga. Blake volunteered to bring a quick pitch tent for us kaya hindi ko na 'yon inalala pa. Lumabas na ako sa dormitory building at naglakad na palabas ng gate ng campus.

Nang makalabas ng gate, kahit madalim pa ay marami nang estudyanteng nandito. Sa gilid ay nakaparada ang dalawang malaking bus na magdadala sa amin sa lugar kung saan kami pupunta. Kanya-kanyang buhat ang mga estudyante na galing sa klase namin ng kani-kanilang gamit at dalang mga bagahe. Nakita ko rin ang grupo ng mga Computer Engineering students ngunit wala roon ang agad na hinanap ng mga mata ko.

Malamig dahil alas cinco pa lang ng umaga. Nakalimutan kong magdala ng jacket at oversized shirt na kulay gray lang ang suot kong pang-itaas.

When Hannah saw me, agad na lumapit ito sa akin dala ang dalawang mahahaba at malalaking traveling bag. Para itong mag-a-abroad, hindi lang dahil sa mga dala niya, kung 'di dahil na rin sa attire niya. Nakasuot ba naman ito ng makapal na sweater at isang malaking knit cap.

"Mamimiss ka namin, Hannah..." pagbibiro ko rito.

Kinunutan ako nito ng noo. "Hoy! Hindi ako mag-a-abroad, ano!" Hinampas pa ako nito sa braso. Napailing ako natatawa sa kanya dahil agad niyang na-pick up ang biro kong iyon.

"Ay, sorry!" Nakatawang tugon ko rito na ngayo'y natawa rin dahil na-realized niyang mukha talaga siyang mag-a-abroad sa dami ng dala at suot niya ngayon.

Ni-rolyohan ako nito ng mata. "Ewan ko sa'yo, Sedric!" Pagsusungit nito sa akin. "Saglit lang. Pupuntahan ko lang si Brent," paalam nito sa akin nang makita si Brent habang kausap ang ka-partner nitong lalake.

Naiwan akong nakatayo sa gilid ng bus namin. Hinihintay ko lang na maghead count at papasukin kami sa loob. Mukhang malapit na rin naman iyon kaya't tiniis ko na lang ang lamig dito sa labas.

"Good morning, partner!" Nang lumingon ako sa aking likuran, nando'n si Blake. Katulad ko, may malaking backpack na dala sa kanyang likuran. "Na-pasuyo ko na 'yong tent na gagamitin natin. Sila na ang bahalang maglagay no'n rito sa bus." Ang sabi pa nito kahit hindi ko naman tinatanong.

Ngumiti ako sa kanya't tumango bilang tugon. Nakasuot lang siya ng manipis na putting T-shirt at itim na pantalon. Halatang batak ito sa gym dahil sa naglalakihan nitong mga braso. Palagi rin siyang nakangiti at kitang-kita ang braces nito sa ngipin. Pati ang dalawang dimples niya sa magkabilang pisngi ay palaging sumisilip.

"May dala ka bang camera?" Pagtatanong ko rito. Kailangan kasi namin 'yon para sa pagkuha ng mga litrato. "I brought one pero mas okay kung mayroon ka ring dala para marami tayong makunan sa lugar." Dagdag ko pa sa kanya.

Agad itong tumango nang nakangiti. "Don't worry, partner. Dinala ko rin 'yong sa akin." Sagot niya kaya tinanguan ko ito bilang tugon. Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig. Mukhang napansin niya iyon. "Ang lamig, ano?" Sambit niya kaya't tinanggal ko ang pagkakayakap sa aking magkabilang braso.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon