Chapter 16

30.5K 1K 65
                                    


SEDRIC

Maaga akong gumising para maghanda sa pang alas otso kong klase ngayong araw.

Pakiramdam ko'y bumalik na ang energy sa katawan ko matapos ang mga pangyayari kahapon. Mula noong mag-usap kami ni Liam kagabi, I feel like I'm tougher now. What happened last night was a good memory for me. Hindi ko 'yon makakalimutan.

Biruin mo, hindi na rin pala gano'n ka-sama ang tadhana sa aming dalawa? Kung dati'y palagi kaming pinaglalayo, ngayon naman ay pakiramdam ko'y nagsisimula na kaming maglapit. After all what happened yesterday, masaya pa rin ang naging pagtatapos ng gabi ko dahil nakasama ko siya.

Wala na ring mangyayari kung magpapaka-stress pa ako sa sasasbihin ng iba matapos nilang malaman kung ano ang tunay kong sekswalidad. It already happened. There's no point on crying over a spilled milk, sabi nga nila. Kaya tatanggapin ko nalang 'yong nangyari and if people won't accept me for who I really am, at least tanggap ko ang sarili ko.

Magaan ang pakiramdam kong naglalakad papunta sa library building. Isasauli ko kasi ang mga librong hiniram ko noong nakaraan. Nakasuot ang earphones sa magkabila kong tenga. Nakikinig ako sa mga R&B songs na paborito ko. May ilang estudyanteng tumitingin sa pagdaan ko, ang ilan ay nagbubulungan pa ngunit hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.

Nang malapit na ako sa building ng library, natigilan ako dahil sa pagsulpot ng isang taong hindi ko alam kung handa ko na bang makita ngayon. Napatitig ako sa hindi naka-butones nitong uniporme. Sukbit nito ang backpack sa kaliwang balikat at seryoso ang tingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin.

Nilagpasan ko siya't akong papasok na sa building ngunit natigilan ako nang magsalita siya.

"Sedric, pwede ba tayong mag-usap!" Malakas iyon kaya kahit naka-earphones ako'y malinaw ko 'yong narinig. "Saglit lang 'to." Dagdag niya kaya't hinarap ko ito.

Nilapitan ko siya't tinanggal ang aking earphones sa tenga. "Kung tungkol 'yan sa nangyari kahapon, please lang. Gusto ko nang kalimutan 'yon." Mariin kong sambit sa kanya, hindi ko siya tinitingnan. Hindi ko siya kayang tingnan.

"Si Ernie..." rinig kong sabi niya. "Siya 'yong nagkalat ng mga papel na 'yon kahapon sa campus." Dagdag niya dahilan para mapatingin ako rito.

Nang tingnan ko siya, seryoso ang mukha nito. Tila nangungusap na paniwalaan ko ang sinabi niya. Ngunit paano? Paano ako maniniwala sa kanya?

"Bakit naman ako maniniwala sa'yo?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

Napabuntong-hininga siya bago magsalita. "Pinaamin ko siya..." tugon nito. "Nakita ko siya noong gabing magkasagutan tayo sa labas ng campus. Nasa isang tabi lang siya ng mga oras na 'yon at nakikinig sa ating dalawa. Umamin na rin siya nang pilitin ko," pagku-kwento niya dahilan para mapailing ako.

"Umamin nang pinilit mo? Anong ginawa mo sa kanya? Sinaktan mo para akuin ang kasalanan mo?" Naiiling kong sabi rito. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin ngayon.

"Nagsasabi ako ng totoo, Sedric." Nang sabihin niya 'yon, alam kong may inis na sa tono ng boses niya.

Tumango-tango ako rito. "Ikaw man o hindi 'yong gumawa no'n, nangyari na at hindi na natin 'yon maibabalik pa. Isa pa, okay nga rin na nangyari 'yon kahapon eh. At least, malalaman ko na ngayon kung sino 'yong mga taong tanggap ako kung ano ako." Binigyan ko siya ng isang sarcastic na ngiti. Napailing ito't umiwas ng tingin. "Sige na. Isasauli ko pa 'tong mga libro." Paalam ko sa kanya't hindi na siya hinintay sumagot.

Iniwan ko siya sa labas ng library at isinauli na ang mga librong hiniram kong libro.

Nang makalabas na mula roon, naka-received ako ng text galing kay Coach Melvin. Katulad ng inaasahan ko, pinapatawag na naman niyang lahat sa gym nang ganito kaaga. Maghintay daw kami ng team doon. Mabuti na lang at may lagpas pa akong trenta minutos bago magsimula ang una kong klase.

Agad rin naman akong nagtungo sa gymnasium.

Nang makarating doon, si Carter ang una kong inasahang makikita ko pero wala pa siya. Isang ka-team ko lang ang naabutan ko sa gym at si Ernie iyon.

Nasa bungad pa lang ako ng gym, nakatingin na ito sa akin. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Carter kanina tungkol sa lalakeng ito. Nakangiti ito nang lapitan ko't iba kung makatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag 'yong tingin niya pero pakiramdam ko'y hindi iyon maganda.

"Tingnan mo nga naman..." bigla itong nagsalita at ngumisi. "Ang aga mo naman masyadong pumunta rito? Tamang-tama lang pala 'yong pagpunta ko," naglakad ito at paulit-ulit na dumaan sa likuran ko habang naka-pamewang.

Hindi ko alam kung anong trip niya pero sinakyan ko lang iyon. "Siyempre, ayoko naman na huli akong dadating. Nakakahiya kay Coach," nginitian ko siya ngunit nanatili itong nakangisi. "Hindi ka ba nahihilo kaka-ikot mo sa harap at likod ko?" Pa-sarkastiko kong biro sa kanya. Mukhang hindi niya iyon nagustuhan kaya huminto ito.

Sa ikinikilos niyang 'to, mukhang may posibilidad na totoo 'yong mga sinabi ni Carter kanina. At kung totoo man 'yon, hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ko sa kanya.

"Kaka-ikot?" Tumawa ito nang malakas. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. "Sa totoo lang, pare? Hilong-hilo na ako sa pagpapaikot mo sa amin ng team. Ang buong akala ng lahat, tuwid ang lahat ng miyembro ng team, ang hindi nila alam ay may isa ritong baliko." Nang sabihin iyon, tiningnan niya ko't nginisan.

From that moment, I knew it was him. Carter was right all along.

"Ha? Baliko? Anong ibig mong sabihin?" Nagpanggap akong walang alam sa sinabi niya. Gusto ko siyang pasakayin hanggang tuluyan niyang ilaglag ang sarili niya.

Sinamaan ako nito ng tingin. "May baliko sa team. Bading, bayot, bakla!" Isinigaw niya iyon sa harap ko pero nanatili akong kalmado.

Gusto ko siyang asarin. "Sino naman kaya 'yon?" Kunwari'y walang kaide-ideya kong tanong sa kanya. "Ikaw?" When I said that, kitang-kita ko ang pagkagulat sa itsura niya.

"Eh, gago ka pala eh!" Akto ako nitong susuntukin pero agad akong umiwas.

Tiningnan ako nito nang mariin nang sumala ang suntok niya.

Ako naman 'yong ngumisi sa kanya. "So, it was you?" Mahinahon kong sambit. "Tama pala si Carter na ikaw ang may pakana ng mga pagpapakalat ng papel na 'yon kahapon. Tama rin ang sabi-sabi ng iba nating mga ka-team na bida-bida ka." Alam ko kung saan siya titirahin ng salita and when I dropped those words, doon na siya nagwala.

"Anong sinabi mo?!" Sigaw nito't aktong aambahan ako ng suntok.

Nakaiwas ako't tinulak siya palayo.

Lalapitan ko na sana siya't aktong susuntukin nang bigla itong magsalita.

"Oh, ano? Susuntukin mo 'ko?" Matawa-tawang sabi nito. "Kaya mo bang maka-isa sa akin? Eh, bakla ka naman! Bakla!" Tumatawa nitong pang-iinsulto dahilan para lalo akong manggigil sa kanya.

Nilapitan ko siya nang mas malapit. Nakangisi ito habang patuloy sa pagtawa na nakaka-insulto. I will never let anyone belittle me just because I'm gay. Hindi rin ako papayag na ang isang katulad niya lang ang magdi-dikta sa akin kung ano ang kaya kong gawin at hindi. Hindi ako papayag.

"Oo, hindi ako straight at bakla ako. Pero may nakalimutan ka yata..." nginisian ko siya bago ako magpatuloy sa pagsasalita. "Lalake pa rin ako at may kamao," after saying those lines ay mabilis kong pinakawalan ang aking nanggigigil nang kanang kamao na dumiretso sa sa kanyang mukha.

Natumba ito at halata sa itsura ang panghihina dahil sa pagsuntok ko.

Ngunit mukhang hindi pa siya tapos. Bumangon ito't aktong gagantihan ako. Mabilis itong bumelo at aktong bibira ng pagsuntok.

Bago pa man ako nakaiwas ay naka-suntok na siya. Ngunit hindi ako ang tinamaan kung 'di ang taong humarang sa harapan ko. Natumba ito at nang tingnan ko, si Carter iyon.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now