Chapter 29

30.7K 1K 75
                                    

SEDRIC

"Magkita nalang tayo mamayang alas cuatro para sa practice natin."

Matapos sabihin 'yon ni Coach Melvin, nagsitayuan na ang mga ka-team ko. I'm a bit disappointed dahil nakasuot pa naman kaming lahat ng panglaro tapos wala pa lang practice ngayong umaga. But on the other hand, it kind of made me happy dahil wala na si Ernie sa team and what makes me the happiest now? Liam is back in the game!

Masayang nakikipagkwentuhan si Liam sa mga ka-team namin bago umalis. Napansin kong naka-akbay si Carter sa kanya. Even him, masaya siya sa pagbabalik ng best friend niya sa team. Nakangiti akong nakatitig sa kanila.

But when Coach Melvin starts to walk away from us, napatingin ako rito't nagmadaling hinabol siya. As I remembered, dalawang tao raw ang nagreport sa kanya at sa campus administration ng mga ginawa ni Ernie. Alam kong si Liam ang isa roon ngunit who's the other one?

"Coach!"

Natigilan ito nang malapit na siya sa exit ng gym. Lumingon siya sa akin.

"Ano 'yon, Martinez?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa't sinabi na ang gusto kong malaman. "Tungkol po roon sa dalawang taong nagreport sa inyo ng mga nangyari. Sino po sila?" Curious kong tanong. "I just want to know, so that I could thank them for doing that." Pagrarason ko.

Tumango naman si Coach. "Mabuti ay tinanong mo 'yan, Martinez." Nakangiti nitong tugon sa akin. "Si Liam 'yong nagreport sa akin kaya agad ko rin siyang nakausap tungkol sa pagpalit niya kay Ernie sa team. Pero ang unang taong lumapit sa akin at nagsabi ng lahat, si Ong. He even reported it to the campus administration. Hindi na ako nagdalawang isip na tanggalin si Fuego dahil matagal ko na ring napapansin ang pag-uugali niya." Pagku-kwento pa ni Coach ngunit ngayo'y malinaw na sa akin ang lahat.

"S-Sige po, Coach. Salamat," sabi ko rito't tinanguan agad ako.

Umalis na si Coach at ako'y napatingin sa mga ka-team ko. They're still laughing and having fun talking with Liam. Habang ako naman ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nalaman ko. I thought, Liam was the first one to report it to Coach Melvin and to the campus administration. Si Carter pala.

It's a shame I didn't know about that. Hindi rin kasi niya sinabi sa akin.

Nagbanyo lang ako saglit sa loob ng gym at pagbalik ko, nakaalis na ang iba kong mga ka-team. Even Carter isn't there anymore. Ilang ka-team ko nalang ang natira with Liam. Hindi rin nagtagal, they left.

Kaming dalawa na lang ni Liam ang natira sa loob ng gym. I took the time to thank him for what he did. And to officially welcome him back to the team.

He smiled when he looked at me.

Unlike me, he's wearing a black shirt and a jogger short.

"Welcome back to the team!" I greeted him. Napangiti ito.

"Thank you, Sedric." He answered, tapping my shoulder.

Umiling agad ako sa kanya. "I should be the one thanking you for reporting Ernie to Coach Melvin at sa pamunuan ng campus..." I said. "Thank you for doing that. It meant a lot for me." Dagdag ko pa kaya't nakangiti itong napailing sa akin.

"I promised, ginawa ko lang 'yong ipinangako ko sa'yo." Tugon nito sa akin. "Isa pa, kailangan maparusahan si Ernie dahil sa mga ginawa niya. Serves him right!" Nakangiting dagdag pa nito.

"Basta, thank you..."

Napailing ito nang nakangiti kaming nagkatinginan.

"If you're going to insist that 'thank you' to me, why not treat me a coffee instead?" Sambit niya na ikinagulat ko. "Is that okay with you?" Nakangiti pa niyang dagdag. I feel so overwhelmed.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now