Chapter 22

32.8K 1K 140
                                    

SEDRIC

Makalipas ang dalawang araw, Art Festival na sa campus.

Maaga talaga akong gumising para um-attend sa taunang event na ito ng aming school. Though, hindi naman obligatory na um-attend lahat, pupunta pa rin ako. Wala rin kasi akong gagawin ngayong araw. Isa pa, wala rin sina Hannah at Brent dahil sinasamantala nila 'yong pagkakataon na ito para pumunta sa iba't ibang lugar. Kaya ako naman, aaliwin ko na lang 'yong sarili ko ngayong araw kahit ako lang mag-isa.

Sa nakaraang dalawang araw kasi ay puro maghapong tulog lang ang ginawa ko. Ayoko namang humilata na naman for the whole day.

Dalawang araw rin naghanda ang buong campus para sa event na 'to at sigurado akong marami na namang estudyante ang pupunta, hindi lang ang mga taga-campus, kung 'di ang mga taga-ibang kolehiyo rin.

Paglabas ko ng dorm, bumungad agad sa akin ang mga nagga-gandahang disenyo at mga palamuti sa paligid. Maraming bandiritas ang naka-linya sa itaas ng mga poste. Marami ring booth na naka-puwesto sa labas at ang mga tinda nila'y iba't ibang art crafts na gawa ng bawat department. May mga food stalls, make-up booths at mayroon ring fake tattoo booths. Basta kahit anong may kinalaman sa arts.

May mga booth din na sarado pa at mukhang mamaya pa magbubukas. Ang ilan sa mga 'yon ay ang performing arts booths. Sigurado ako na katulad noong mga nakaraang taon ay may mga magpe-perform ng kanilang mga composed songs, dance prods at open-mic spoken word poetry.

Sa karamihan ng mga estudyanteng naglilibot-libot sa bawat booth, pinili kong maupo sa isang booth na hindi halos pinapansin ng iba. Isa 'tong waiting shed booth, hindi gaanong kalakihan at isang maliit na wooden bench sa ilalim ng lilim nito.

Alas nuebe pa 'yong opening ng mismong program na gaganapin rin dito sa campus ground. Ang ilan sa mga estudyante ay katulad ko ring naghihintay sa isang tabi. Ang ilan ay kasama ang mga special someone nila. Parang pakiramdam ko tuloy ay ako lang 'yong mag-isa sa event na 'to dahil halos lahat ng makita ko'y may mga kasama.

Instead of lingering with that idea of loneliness, kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Hindi ako mahilig kumuha ng litrato ng sarili ko pero sayang naman kasi 'yong porma ko ngayong araw kung hindi ako magpi-picture kahit isang beses lang. So, I just took one picture of me.

Nakasuot ako ng denim pants sa ibaba at puting rubber shoes. Sa pang-itaas naman, kulay itim na longsleeves shirt. Agad ko 'yong pinost sa Facebook with a caption that says "Art of being alone.".

Habang naghihintay, pinagmamasdan ko 'yong malalaking painting na isa-isa nang dini-display sa campus ground. Lahat ng mga 'tong may takip na mga tela. Ngunit hindi katanggi-tangging magaganda ang bawat painting ng iba't ibang departamento, pati na rin 'yong mga kararating lang na mga painting ng ibang kolehiyo. Kahit hindi pa 'yon pinapakita, sigurado akong malulupit ang mga 'yon.

Bukod sa idi-display 'yon para makita ng lahat, may premyo rin na makukuha ang mapipiling pinaka-magandang painting. Malaki na rin ang sampung libo para sa mananalo. Kung may talento nga lng ako sa pagpinta, baka sumali na ako. Kaya lang, hindi ko talaga talent 'yon eh.

While checking my phone, hindi ko namalayan na may taong umupo na sa tabi ko. Hindi ko 'yon pinansin dahil busy ako sa pagre-reply ng mga comments sa pinost kong litrato kanina. Sa isip-isip ko'y bakit uupo siya sa tabi ko, hindi niya ba nakikitang maliit lang 'yong bench?

"Nasaan na 'yong mga kasama mo? Mag-isa ka na naman ba?"

When I heard that familiar voice, agad akong napatingin sa taong katabi ko and found out that it's Carter. Hindi ko alam kung bakit hindi ko 'yon nahalata dahil sa pamilyar niyang pabango. Nakangiti ito sa akin. Plain white shirt ang suot niya na hapit sa malaki niyang pangangatawan. Naka-itim na pantalon ito't puting sapatos. Himala at maayos na naka-brushed up ang buhok niya ngayon. He's totally looking really good now.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now