Chapter 7

35.1K 1.1K 87
                                    

SEDRIC

Bumuwelo ako upang makatayo at nang magawa 'yon, nagulat ako nang bigla ring tumayo si Carter at mabilis akong kinapitan sa magkabila kong braso. Nang tingnan ko ang itsura niya, seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Iba sa Carter na palaging nakangiti, ngayo'y kapansin-pansin ang tila galit niyang ekspresyon.

Mahigpit masyado ang kapit niya sa mga braso ko. Hindi ako makagalaw. Maraming mga tao ang dumadaan sa gilid ng kalsada kung nasaan kami kaya 'di ko maiwasang mailang dahil sa ginawa niya.

Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bitawan mo nga 'ko," pakiusap ko habang nakatingin rito.

"Nasisiraan ka na ba talaga?!" Bigla nitong sigaw na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit n'yang 'to. "Gusto mo na bang mamatay kaya tumigil ka roon sa gitna ng kalsada kanina? Kung 'di kita hinila papunta rito, baka tuluyan ka nang nahagip no'ng truck!" May inis sa bawat diin sa kanyang pagsasalita. Napalunok ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Pasensya naman, 'di ko naman akalaing may truck pala na paparating bago ako tumawid eh." Mahinahon kong tugon sa kanya na hawak pa rin nang mahigpit ang magkabila kong braso. "Saka, wala namang nangyari sa aking masama eh." Pagdadahilan ko pa na lalong nagpahigpit sa pagkakahawak niya sa akin. Medyo masakit na 'yon dahil sa panggigigil niya.

"Eh, paano nga kung may nangyaring masama sa'yo? Konsensiya ko 'yon dahil kasama kita. Konsensiya ko rin kapag napahamak ka dahil sa katangahan mo!" Sigaw nito habang ang galit niyang mga mata'y nakatutok pa rin sa akin.

This time, nakaramdam na ako ng pagkainis sa kanya. Ano bang problema ng lalakeng 'to? Kung makapagsabi siya ng tanga ay akala mo'y kilalang-kilala niya ako. Bakit ba galit na galit siya ngayon? Anong point kung mako-konsensiya siya kung may nangyaring masama sa akin, e hindi naman kami magkaibigang dalawa.

Puwersahan akong kumawala sa pagkakahawak ni Carter sa mga braso ko. "Bakit ba ganyan ka magreact? Ano bang problema mo, ha?" Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya sumagot bagkus ay nanatiling nakatingin sa akin. Napailing ako sa kanya. "Alam mo? Huwag na lang muna nating ituloy 'tong practice na 'to. Palamigin mo muna 'yang ulo mo," matapos sabihin iyon ay nagpasya akong maglakad para umalis.

Hindi ko siya nilingon. Naiwan siya roon at 'di ko alam kung ano nang mangyayari sa practice naming dalawa. Ang alam ko lang ngayon, ayokong ituloy 'yon nang gano'n siya. Hindi ko siya ganon'n ka-kilala pero 'yong Carter na nakita ko kanina and those eyes? Ibang Carter 'yon.

Na-appreciate ko naman 'yong pagligtas niya sa akin mula sa muntik ko nang pagka-disgrasya. Pero 'yong magalit siya nang gano'n, hindi ko 'yon naiintindihan. Baka nga talagang 'di ko pa kilala nang sobra ang lalakeng 'yon at kung sino ba talaga siya bukod sa mga ugaling ipinapakita niya sa campus. I don't want to sound this way pero parang sa isang iglap ay naging curious ako kung sino ba talaga siya.

This partner-thingy made me think of one thing.

Should I get to know him more? A part of me tells me not to, but also there's a part of me that tells me to at least know him a little bit more before I judge him, completely. I know, hindi ko pa man siya kilala ay nahu-husgahan ko na siya. But can you blame me? In general, kilala naman talaga siya sa campus bilang isang basagulero't babaerong estudyante.

But is there any point of getting to know him? Hindi ko alam.

Matapos i-text sina Hannah at Brent, dumiretso ako sa bench na palagi naming tinatambayan tuwing vacant, kung nasaan sila

Walang gana kong ibinaba ang bag ko sa tabi ni Hannah.

"Bakit para kang negosyanteng nalugi dyan?" Napansin ni Hannah ang itsura ko habang kumakain ito ng isang pack ng potato chips. Katabi nito'y kumukuha rin si Brent doon. "Gusto mo?" Pag-aalok nito ngunit tinanggihan ko iyon at umupo sa tabi niya.

Campus Bromance (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now