Napabuntong hininga ako as I position myself for comfort. Maigi kong inayos ang dalawang malalaking oranges na marahang isiniksik ni Natasha sa loob ng aking suot na mini spaghetti top.
Man boobs. Definitely man boobs.
Mula sa matipunong flat at muscular na dibdib ay bigla akong tinubuan ang tumataginting na D -cup size 40 na boobs. So ito pala ang pakiramdam na may dala ng ganitong kalaking hinaharap.
No wonder hindi masyadong nahihirapan si Stella. But still, I love her imperfections though. Hindi na niya kailangan pa ng D-cup size 40 na hinaharap, pagkat siya na mismo ay ang aking hinaharap.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Ano..ano itong nadarama ko? Ito ba ang tinatawag nilang "kinikilig?"
"You still okay there babe?" hiyaw ng isang lalake mula sa labas ng kahon. Kusang nagsalubong ang aking mga kilay nang marinig ko ang kanyang itinawag saakin.
Really?! Babe?! Ngayon ay lubos ko nang naiintindihan si Stella. Babe is off the list!
"Ahh.. I'm okay man— I mean. Mister." Tunog ipis kong trying hard na pagkopya ng boses babae.
"What's your name, sugar?" tanong ng isa.
Damn it! I'm not prepared for this! Hindi kasama sa talent fee ko ang interview!
"Uhmm.. Von..Vonnella. Just call me, Vonnella." I cringed. I am a total embarrassment for the Xavierheld Military.
"Vanilla? That's a sweet and delicious name. You seemed sick. What's wrong with your voice honey?"
Sugar, Honey, Vanilla! What's next? edi wow! Syet.. ang tamis ko talaga!
"Ahh.. I just got ahh.. uhmm.. I just got a hair stuck on my throat.. *cough* cough*
Napatigil ako nang ma-realize ko ang aking mga sinabi. Shit. of all the things. Why. Hair.? Napa face palm na lang ako at dinig na dinig ko ang pilit na pagtago ng kanilang kantyaw mula sa labas.
Tumawa na kayo ngayon hanggang sa kaya nyo pa. Uunahin ko kayong mga ugok kayo!
"You're going up now, babe. VIP room number 69. A surprise gift for Mr. Eugene Heiffmark! Have a wonderful night!!!" kantyaw ng isa as I heard a beep outside.
Tumpak nga ang sinabi ng dalagang si Natasha. VIP room number 69. What the f*ck?! Why is number 69 haunting me again ghad damn it!
Hindi tagal ay agad kong naramdaman ang pag angat ng nasabing platform kung nasaan nila inilagay ang box.
Mukhang automatic na talaga ang matandang huklubang iyon. Ayaw pakita sa mga tao kung gaano siya ka manyak.
Habang dinig ko parin ang aking pagakyat ay pinilit ko paring i-establish ang connection kay Stella, ngunit hanggang ngayon ay bigo parin ako.
Hindi ko maiwasang kabahan sa kanyang hindi pagsagot. Napahawak ako saaking mga palad. Please be safe, Stella.
Napatigil ako nang marinig ko ang kusang paghinto ng nasabing platform lift. In my hypothesis, the platform was intended to deliver things privately to this room through a lift trap door.
What a sneaky little bastard of you, Heiffmark.
Mula sa labas ay naririnig ko ang party music na halos aking ikabingi. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito kaingay dito. Sabgay, isa na siyang matandang hukluban, at natural lang ang pagdiminish ng kanyang sense of hearing.
Just old people things. Ahem!
Hindi sumasagot si Stella, nor si Natasha. Mukhang ang misyong ito ay nasa balikat ko na. You owe me 1 week of date after this mission, Stella.
YOU ARE READING
Code 365 Project Memory
Science Fiction2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Government ang matagumpay na nagpalaganap muli ng kapayapaan at katahimikan sa bawat sulok ng Planet Ear...
Datum 27.2 : The Innocent Devil (Part II)
Start from the beginning
