Datum 27.2 : The Innocent Devil (Part II)

Start from the beginning
                                        

"I'm 18 by the way, and have a driver's license!" dagdag ko at agad na tumungo saaking lumang pickup truck at walang panamang nag drive palayo sa nasabig lugar.

I stirred my driving wheel as I feel the car's movement. Walan pang 5 minuto ay narating ko na ang parking area at doon ay nagpalipas ng iilang sandali.

Mula sa maliit na front mirror ng aking sasakyan ay agad kong kinuha ang isang maliit na brochure na nakaipit mula dito.

Maingat ko itong binuksan at agad na tumambad saaking mga mata ang iilang pirasong pinatuyong petals ng isang puting rosas.

Kahit nabahid na ng kalumaan ang mga dirty white nitong kulay ay hindi ko parin maiwasang mapangiti.

The symbol of his goodness and his majesty. The proof of my loyalty, and my love.

I caught myself in tears as I gazed upon those petals. Lights of hope drew a smile on my face as I look through my rear mirror.

As my foresight hits the mirror's reflection ay agad akong natigilan sa nahagip ng aking mga mata.

Within a split second the next thing I heard was the sound of my head slamming through my stirring wheel as darkness slowly consumes me.


Stella's Point Of View

Halimuyak ng nauupos na sigarilyo at matapang na amoy ng alak ang pinakaunang bumungad saaking pang amoy nang tuluyan akong makapasok mula sa tarangkahan ng maranyang casinong aking kasalukuyang kinaroroonan.

Magpapalit na ng petsa ngunit patuloy parin ang pagdagsa ng mga taong binabalewala lang ang pagwawaldas ng malaking halaga ng salapi kapalit ang panandaliang aliw .

Mula London ay agad kaming lumipad patungong France, batay narin sa naging tip at statement ng nasabing espiyang chaimbermaid na aming kinunchaba sa gabing ito.

"Bonjour mademoiselle, can I have your pass?" Magalang na pagharang saakin ng isang lalakeng butler mula sa tarangkahan as he offers his hand to receive my white fur coat.

Napangiti ako at walang kaba namang kinuha ang special pass na nagawang isakripsiyo ni Natasha para lamang saakin.

Hindi ko alintana ang tingin ng mga taong pinagmamasdan ako saaking suot na formal white dress at shoes. Malamang ay agad nilang nalamang ordinaryo lamang ang aking suot.

"Thank you mademoiselle, welcome. Enjoy your evening." Pagbungad ng nasabing butler habang inilahad ang kanyang kamay paloob.

Napangiti ako at nagsimula nang maglakad sa red carpet. Bumabaha ng tao sa loob. Ang lahat ay nagsasaya at hindi lang naman namamalayan ang kanilang salapi at oras na unti-unting nawawaldas.

Pinagmasdan ko ang mga naglipanang magagarang play tables na gawa sa ginto habang nakalatag sa ibabaw nito ang napakaraming mga baraha, casino chips at tokens na walang pagod namang pinaglalaruan ng mga mararangyang lalake at babae.

Mula sa banda roon ay maririnig mo ang hataw ng mga casino gamble rollers, ang kalansing mga umaapaw at bumabahang mga silver coins mula sa slot machines, at ang iilang mga kalalakihang halatang sinasaniban na ng espiritu ng alak.

Mukhang nagpakita rin ng kahit kaunting utang na loob ang matandang huklubang iyon sakanyang "errand girl" ngunit mukhang maling lugar ang kanyang napili para sa isang menorde edad.

"Good evening ma'am. Fancy some drinks?" Malumanay na pagtawag saaking pansin ng isang napakagandang babaeng nakasuot ng mahalay na bunny girl costume. 

Halata sakanyang mukha ang pagod at pangangalay dala ng kanyang suot na pula at nakaaakit na stilettos. 

"Sure. Thank you." Sagot ko at maingat na kinuha ang isang glass goblet na may lamang Rosé champagne.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now