Epilogue

1.7K 50 12
                                    

JM

Nandito kami ngayon sa harapan ng funeral parlor. Pumasok na kami sa loob para puntahan at kamustahin sila Tita. Tinawagan namin sila para ipaalam lahat ng nangyari. Agad naman silang umuwi para makita ang sitwasyon. Tinanong rin nila kami kung ayos lang ba kami.

"Good afternoon po Tita." Bati namin.

"Good afternoon din. Nag lunch na ba kayo?"

"Kakatapos lang po."

Lumapit kami sa kabaong. Ni ayaw naming tignan o sulyapan 'yun.

"Ayoko na dito, umuwi na tayo." Sabi ni Anne. Kinurot ko siya sa cheeks.

"Hindi pwede magagalit siya."
Sabay turo sa kabaong.

"Peste ka talaga." Sabay irap. Sungit.

Isang oras na pala ang nakakalipas simula nang dumating kami rito kaya napagpasyahan namin na umalis na.

"Pasensiya na kayo sa abala ah." Sabi ng Papa ni Kyla.

"Wala po 'yun sa amin Tito. Kaibigan naman po namin si Kyla kaya okay lang po sa amin." Sabi ni Drake, wow it's a miracle na nagsasalita siya ng maayos.











Maria

Pagkatapos namin dumaan sa burol ay dumiretso kami sa ospital para samahan si Alex.

Pumasok na kami sa loob ng room at naabutan namin siyang natutulog.

Tahimik lang kami habang tulog sila baka kasi magising silang dalawa.

Its been a week na pala simula nang nangyari iyon. Sariwa pa ang lahat sa akin. Ang bilis ng oras. Hindi pa rin siya gumigising. Hindi namin alam kung anong gagawin namin gumising lang siya. Malapit na rin ilibing si Kylie. Hinihintay lang talaga na magising si Kyla. Pero mukhang matagal pa ang hihintayin namin.

May kineme na nga sila JM and Anne pero 'di parin gising si Kyla. Tagal naman. Mahuhuli ka na sa balita Ky. Bahala ka. Ilang araw pa ba hihintayin namin?

After ng mga nangyari, may investigation na nagaganap kaya our school is closed. Hindi na nag resume ang klase. Hanggang last day na raw ng bakasyon.

Kyla, ikaw nalang ang hinihintay namin. Gumising ka na.


Kyla

I can't wake up from this terrible dream. Hindi ako pwedeng tumigil sa pagtakbo kung hindi, mamamatay ako. Gustuhin ko mang gumising, hindi ko magawa. Alam kong panaginip lang ito. Somebody is chasing me. I can't hide from whoever he or she is. Nahahanap at nahahanap niya parin ako. Hindi ko mapigilang hindi tumakbo. Its been days since I've been searching for my friends but I can't find them somewhere here. Nauuhaw na rin ako pero I can't find any water and food. It's a sunny day today but suddenly I felt a rain drop on my skin.

Drake

Nakatulala lang kami and then suddenly we heard Kyla. Hingal na hingal siya pero nakapikit parin siya. Nakatulala si Alex sa kaniya and a tear drop fell out of his eyes.

And then she woke up. Biglang sumaya ang ambiance sa loob ng silid. You can feel the joy inside the room right now. Hindi na siya gloomy 'di katulad kanina na parang sobrang lungkot. Nabuhayan kami ng loob.

Nakatulala pa at di masyadong nagsasalita si Kyla. Parang at the state of shock pa siya sa mga nangyayari. Mamaya nalang namin siya tatanungin kapag naka recover na siya.

Lumabas muna kami sandali.

"I can't believe she's awake." Sabi ko.

"Me too. Akala ko matutulog na siya for a month. Pero that's strange, tignan mo siya 'di pa rin siya gumagalaw. Tumawag na kaya tayo ng nurse or doctor para ma check siya. Maiwan isa sa atin dito." Sabi ni Joyce.

"I will, ako nalang maiiwan." Sabi ni Maria.






Kyla

At last, nakagising na rin ako from that horrible, terrifying dream. Salamat sa kung sino man ang ang umiyak para sa akin dahil doon, nagising ako. Hindi ko na kasi naaninag kung sino 'yun. 'Di ko alam ang gagawin ko natulala nalang ako.

May mga pumasok na doctor para i check ako. Pahinga daw muna ako. Aba'y magaling napahinga ako ng 1 week straight tapos pahinga ulit? O please wag na ayoko na.

Nauuhaw na talaga ako.

Tumayo ako at kukuha sana ng tubig nang abutan ako ni Maria.

"Thank you." I said. Natahimik lang ako saglit.

"Ayun!" nagulat ako sa biglang sigaw ni Joyce na parang eng-eng. "Ngayon pwede na natin siyang tanungin.

Nakaramdam ako ng sakit sa may chest ko. Naalala ko nabaril pala ko, swerte ko nabuhay pa ako, buti walang natamaan na internal organs. Hindi ko nga alam na sa chest ako tinamaan.

"Anong tanong?" Tanong ko.

"Bakit hingal na hingal ka samatalang natutulog ka at hindi tumatakbo?" Aba gaga 'to ah.

"Nothing just a horrible dream." Sabi ko.

"Magkwento ka kung anong nasa panaginip mo dali na please." Sabi ni Anne.

"I was being chased, hindi ko kilala kung sino siya. I can't even identify kung babae o lalaki basta walang kapaguran akong takbo ng takbo just to hide. Pero everytime, nahahanap niya ako. Buong panaginip ko takbo lang ako ng takbo, tapos naramdaman ko na may pumatak sa balat ko, tapos ayun nagising na ako."

"Anong itsura nung humahabol sayo?."

"I can't explain ang weird sobra. Buti nalang nagising pa ako."

"Ano nang balita sa inyong lahat? May nagabago ba in a span of a week?" Tanong ko.

"Wala naman sa 'min ewan ko lang kila Anne and JM." Natatawang sabi ni Drake loko talaga 'to.

"Ano naman 'yun?" Pang-aasar ko.

"W-wala n-naman e-eh." Nauutal na sabi ni Anne. Nagkunwari pa.

Naalala ko bigla si Kylie ano na kayang nangyari doon?

"Anong nangyari kay Kylie?" Biglang tanong ko.

"Unfortunately, hindi siya nakaligtas. Actually malapit na siyang ilibing. Hinihintay ka na lang talagang magising." Sabi ni Alex.

"Kung hinihintay nila ako roon, ayoko pumunta. Ayoko na siya makita pa." Sabi ko.

"Hindi ba kayo nagugutom? Kumain kaya muna kayo. Okay lang ako dito."

"Kayo nalang." Sabi ni Alex.

"Sumama ka na." Sabi ko.

"Are you sure?"

"Yes."

Lumabas na sila. Kinuha ko yung phone ko para di ma bored. Pagbukas ko ang daming messages from an unknown number.

Unknown:

Miss me? Hintay lang Kyla magkikita na tayo ulit.

Huh? Sino na naman 'to?

Unknown:

Gusto ko kasing malaman yung sikreto mo. Ilabas mo na kasi yang baho mo nang di na kita kulitin pa.

No. No one will ever know my secret. Matagal ko nang kinalimutan 'yun. Nagbagong buhay na ako. Kahit anong gawin mo you will never know my secret. Ever. No one will ever know it.

May nagbukas ng pinto. Kala ko sila na. Nurse lang pala.

"Miss me already?"

"Sino ka?"

"Hindi mo na kailangan malaman. At hindi mo na malalaman pa."

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

 



           End.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now