Chapter 18

3.2K 93 3
                                    

Kyla

After magkwento ni Ma'am Fajardo tungkol sa nakaraan, napaisip na naman ako. Napakaraming tanong na naman ang nabuo sa isipan. Bakit kailangan humantong sa sitwasyon na papatay ka para makaganti? Gaganti for what? For own pleasure?

Sobrang dami kong naiisip, is it a curse? Or is it a tradition? o nakaplano na ang lahat ng mangyayari. Parang sa mga palabas. Scripted. Pinaglalaruan lang ba kami? Isa ba 'to sa mga 'hidden camera prank'? This is a huge mess. Whatever is happening, I'm gonna find it out real quick.

Nagtanong pa kami kay Ma'am ng ilan pang impormasyon na pwede naming magamit kung sakaling ituloy ko ang plano na mag-imbestiga. Tinanong rin namin kung yung iba ba sa kanila ay nakaligtas rin.

She said na kalahati lang silang nakaligtas sa kamay ni Gail. Buhay pa daw ata si Gail dahil nakulong ito pagkatapos niyang gawin ang mga karumal-dumal na mga pangyayaring iyon. Pero hindi niya daw alam kung si Patrick ay buhay pa daw dahil dinala daw ito sa mental.

"Dahil sa nangyari, I'm planning to leave tomorrow. So mag ayos ayos na kayo ng mga gamit niyo para bukas ay makaalis tayo ng maaga at mabilis. Baka may mangyari pang hindi maganda sa atin dito."

Malapit na din palang matapos ang araw. Hapon na, malapit na mag sunset. Nagsipasok na kami sa mga tent.

Tulong tulong kami sa pag-aayos ng mga gamit. Inilagay namin lahat ng bags namin sa isang sulok pagtapos mag-ayos. Bukas eh yung mga kutson, unan at saka itong tent nalang ang ililigpit namin.

Akala ko this is going to be happy, akala ko hihinto muna yung killings. Marami talagang mamamatay sa maling akala. I just wanted to go back, gusto kong bumalik sa dati kong buhay. Feeling ko kasi ako ang madidiin sa huli. Ako ang sisisihin nila.

Gusto kong sabihin kila Mama ang nangyayari sa akin pero hindi sila maniniwala at sasabihin na nagiimbento lang ako. O hindi kaya ay co-incidence lang nag lahat.

Napakarami ko nang iniisip. Sumasakit na ang ulo ko. Pinaghalo-halong stress, takot at awa ang bumabalot sa akin ngayon. Napahiga nalang ako sa isang sulok.

I will start investigating this shit and  I will end this, even if I sacrifice my own life just to know who is behind the killings, I will do it.

"Ky, anong nangyayari sa'yo? Namumutla ka ah."

Umupo ako galing sa pagkakahiga, para pumantay kay Maria, pero sumasakit ang ulo ko at para pa akong nahihilo.

"Wala lang 'to, okay lang ako." Sabi ko at ngumiti.

"Sure ka bang ayos ka lang ha? Mukhang hindi eh." Tanong niya pa.

"I'm 100% sure na okay ako." Tugon ko.

Tumayo ako para sana kuhain sa bag ang cellphone ko at para uminom  pero 'di ko kinaya.

Naglakad ako pero tumumba ako.

Everything went black.

Someone

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Nakabalik pa si Fajardo. Magaling rin siya ha. Nagkwento ka pa talaga at sinabing hindi ka natatakot. Well you wouldn't live in fear na kasi ikaw ang isusunod ko. Isa ka sa mga pahirap sa buhay ko. Sigurado akong pagsisisihan mo na nagsalita ka.

Maria

Nagulat ako nang bigla nalang bumagsak si Kyla. Dahilan para mag-panic kaming lahat.

Lumabas ako para humingi ng tulong kila Ma'am.

"Ma'am! Kyla fainted."

Mabilis na kumilos si Ma'am Fajardo para puntahan si Kyla. Mabuti na lamang at nasa loob kami ng tent.

"Mabuti pa at isakay niyo na siya sa Van ninyo at pumunta na sa ospital. Baka may concussion pa siya. Hindi natin alam. Bilisan ninyo at nang matignan siya."

Mabilis naming inalalayan si Kyla papuntang Van.

Mukhang stress na stress na siya. This is unusual for her. Nakakapag-alala. Hindi lang naman siya ang namomroblema nito. Pati rin kami. Kailangan naming magtulungan.

Nakita kong huling pumasok si Alex. Sinamaan ko siya ng tingin. Isa pa 'tong dagdag sa stress ni Kyla malamang.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sa akin ha?" Aba ang maldito na ito.

"Wala, dagdag stress ka." Inirapan ko siya.

Umandar na ang sasakyan papunta sa ospital. Malayo-layo raw kaya medyo matatagalan.

At itong Drake na 'to napakabagal pa magdrive. Hindi naman traffic. 'Pag ito lang si Kyla ay malala pala at hindi kami nakarating agad sa ospital, malilintikan si Drake sa'kin.

After 1 hour, nakarating kami sa bayan kung nasaan ang ospital.

Nagmadali kaming ibinaba si Kyla at inilapit sa mga Nurse.

"Ate, ate! Saan namin siya pwedeng dalhin? Nahimatay po siya hindi pa rin nagigising." Jusko ka Kyla, isang oras na 'di ka pa rin gumigising.

"Hintay lang po muna kayo rito Ma'am tatawagin ko lang si Doc."

Iniupo namin si Kyla sa may labas ng emergency room kung saan may mga upuan.

Sana maging okay na ang lahat bukas.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now