Chapter 29

2.5K 81 7
                                    

Drake

Nagpaalam si Kyla na mag c-cr lang siya. Lumipas na siguro ang 10 minit pero hindi pa din siya bumabalik. Samantakang malapit lang naman yung c.r. Saan naman kaya nagpunta 'yun?

Nagtaka ako kung bakit hanggang ngayon wala pa siya. Magla-lunch break na rin.

Ilang minuto pa at tumunog na ang bell. Hudyat na lunch break na.

Lunch break na kaya buong school halos ay nagkakagulo dahil pare-parehas ng time ang lunch. Halo halo na ang mga mukhang makikita mo. Mahihirapan ata kaming hanapin siya. Hindi kaya umuwi siya? Or sinundo siya? Imposible dahil iniwan naman niya ang bag niya and her other belonging.

Lumabas na kami para hanapin si Kyla. Nagpunta kami sa restroom ng girls. Of course hindi kami pumasok. Sila Maria lang. Lumabas sila pero wala silang kasamang Kyla.

I think Kyla has her phone with her. Adik 'yun sa cellphone eh.

"Dala naman siguro ni Kyla phone niya 'no?" Tanong ko sa kanila.

Tanging tango lang isinagot nila sa akin.

Napagdesisyonan namin na pumunta na sa cafeteria. Baka naroon siya.








Maria

Nagpunta kami sa cafeteria only to find na wala rito si Kyla.

Saan naman kaya nagpunta 'yung babaita na 'yun? Hindi kaya umuwi mag-isa? Nag-cutting? But knowing her, she would never do that. At saka iniwan niya mgag gamit niya.

Naitanong ni Drake kung dala ba ni Kyla ang cellphone nito kanina. Pilit kong inalala. Siguro naman dala niya. Hindi naman umaalis 'yon na wala sa kamay o sa bulsa niya ang cellphone niya eh.

"Tawagan kaya natin? Para malaman natin kung dala niya nga cellphone niya. Sasagot naman agad 'yun kapag nakitang ako ang tumatawag eh." Sabi ko. Napairap si Alex. Well sorry Alex, close kami.

Hinanap ko ang number ni Kyla sa contact ko at pinindot ang call button.

Calling Kyla...

Walang sumasagot! She did not pick up. I made a confused expression. Lagi naman 'yun mabilis sumagot kapag ako ang tumatawag. Nakatingin sila sa akin ngayon na nakangisi. Malamang inaasar na ako dahil napakayabang ko pa kanina.

Sinubukan ko ng paulit-ulit hanggang sa sinagot na ang tawag ko. Pero hindis si Kyla ang sumagot noon.

Pagkalapit ko ng tenga ko sa speaker, may tumawa ng malakas, dahilan para ilayo ang speaker sa tenga ko. Pinidot ko na lamang ang loud speaker para marinig din nila. Baka sabihin pa na nagsisinungaling ako at niloloko ko sila eh.

Malakas ulit na tumawa ang nasa kabilang linya.

Hindi lang iyon normal na tawa. Nakakakilabot. It made my skin crawl.

Nagsimula na ako mag-alala para kay Kyla. Nasaan na kaya 'yon? Malapit nang matapos ang lunch break. Baka naman pina-prank niya kami?

Pagkatapos ng lunch break ay bumalik na kami sa room umaasang nandoon na si Kyla pero wala. Wala siya.




Kyla

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pero wala akong makita. Nasa kabilang buhay na ba ako? Eto na ba 'yun? Ang tangi ko lang naalala ay nag c.r. ako tapos noong palabas na ako...

Napansin ko na nakaupo pala ako. Pero hindi ko alam kung nasaan ba ako. Nandito ako sa sulok. Hindi ko alam kung warehouse ba 'to o ano. Nakakatakot kasi madilim. Halos mangangapa ka talaga. I heard squeaks na hindi ko alam kung saan ba nangagaling. Just the thought na daga 'yun ay ikinakaba ko. Natakot ako lalo. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Kung contortionist lang ako kanina ko pa 'to natanggal.

Wala akong kaalam alam kung nasan ako at wala rin akong idea kung sino ang nagdala sa akin dito. Napansin ko na wala na rin sa akin ang cellphone ko. Wala rin namang use 'yon dahil nga nakatali ako. Hindi naman ako flexible ano.

"Ano Kyla, nagustuhan mo ba ang mga surpresa ko sa 'yo? 'Wag kang mag-alala, marami pa akong surprise sa 'yo." Salita ng isang tao na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi ko kilala ang boses. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng napakalas. Nakakarindi, nakakairita at nakakatakot.

"Sino ka?! Nasaan ka?! Matapang ka lang dahil nakatali ako at hindi ka nagpapakita! Kalagan mo ako at ipakita mo sa akin ang tapang mo!" Sigaw ko. Natatakot na rin ako para sa sarili ko pero kailangan kong maging matapang.

"Oh, sa tingin mo may magagawa ka pa sa sutwasyon na 'to? Bright ka girl? ," tumawa ulit siya, "Nasaan na 'yung mga kaibigan mo ngayon? Hinahanap ka ba nila ngayon? Siyempre hindi. They fear you Kyla, natatakot sila sa 'yo alam mo ba 'yon? You are the danger Kyla, YOU ARE!" sigaw niya. Alam ko sa sarili kong hinahanap nila ako. Alam ko 'yon.

Alam kong malalim na ang gabi at alam kong hinahanap na rin ako ng pamilya ko pero I'm helpless.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala rin naman akong magawa. Napaiyak nalang ako dahil sa pinaghalong takot at kaba.

Pinilit kong patahanin ang sarili ko. I told myself na makakalabas ako rito soon at hahanapin ko kung sinong demonyo ang nasa likod ng lahat ng nangyayari na ito.

Patuloy lang na bumagsak ang mga luha sa mata ko. I'll just cry myself to sleep.

Search for me, please.

Joyce

Matagal ang hinintay naming oras. Hanggang ngayon wala pa ring Kyla na bumabalik. Maguuwian na at halos magsara na ang school. Dala namin ang gamit ni Kyla. Hindi kaya nakauwi na siya? Hindi lang niya magawang tumawag dahil masama talaga ang pakiramdam niya? Ayaw naman naming magpakita sa bahay nila. Nakakahiya kasi.

Nag ring bigla ang cellphone ni Maria. Nakita namin na ang nanay ni Kyla ang tumatawag then it hits us, nawawala nga si Kyla.

Agad naman naming sinagot ang tawag. Nagtanong ang nanay niya kung kasama daw ba namin pero hindi. Sinabi namin na kahit kami ay walang ideya kung nasaan si Kyla. Nagpaalam kami na kami na ang mag-uuwi ng bag ni Kyla.

Nag-aalala na kami sa kaniya dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Naalala kong Prom na bukas. Sana mahanap namin siya kahit bukas ng umaga o umuwi na sana siya. Kahit text man lang na okay siya.




Alex

Tahimik lang ako buong araw sa school. The moment na nawala si Kyla, alam ko na na may mangyayaring masama. Napag-usapan na ng barkada ang ganitong sitwasyon pero bakit parang hindi pa talaga kami handa?

Text ako ng text kay Kyla pero ni isang reply wala. Alam ko naman hindi siya nagrerely agad kapag ako ang nag-text o tumawag sa kaniya. Ang laki ngninis niya sa akin. Hindi ko naman siya inaano. Kinutuban na ako na may masama nang nangyari sa kanya dahil once na makulitan siya, magrereply 'yon. Pero ni isang reply, wala.

Hanggang sa maguwian na at wala pa rin siya. Umuwi ako sa bahay upang mag-isip, kahit wala akong isip.

Nagpagisipan ko ngayon siya hanapin. Alam kong nasa malapit lang siya. Kayang-kaya namin siyang hanapin.

Tinext ko ang barkada para samahan akong hanapin siya.

Nagkita-kita kami sa tapat ng bahay nila Kyla para ipagbigay alam sa mga magulang niya na hahanapin namin si Kyla. Hindi pa pwedeng irepirt sa pulis dahil wala pang bente kwatro oras nang mawala siya. Gabi na rin kaya alam kong mahihirapan kami. Pero para sa kaniya, hahanapin namin siya. Kaibigan namin 'yun eh. Kahit bago siya sa grupo namin, tinuring agad namin siyang parang matalik na kaibigan.

Hinanap namin siya kung saan siya posibleng tumambay o sa mga paborito niyang puntahan na lugar. Huli naming pinuntahan ang playground malapit sa school pero wala talaga siya doon.

Kung saan saan pa kami nakarating kahahanap sa kaniya.

Napagtanto namin na maghahating gabi na at delikado na rin para sa amin since minor pa kami. Napagpasiyahan namin na tumigil muna sa paghahanap dahil na rin pagod na kami.

Naghiwahiwalay na kami ng daan. Nagmamadali akong umuwi.

Pagkauwi ko sa bahay agad ko siyang tinawagan pero walang sumasagot. Tinext ko naman ang mommy niya pero wala pa rin daw doon sa kanila.

Saan kaya nagsusu-suot 'yon? Sana naman kahit reply lang. Madaming nag-aalala para sa kaniya.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now