Chapter 37

1.6K 51 6
                                    

Maria

"Tara na, magla-lunch na oh. Pwede naman na umuwi. Wala naman tayong gagawin rito eh." Inis kong sabi. Napakatatamad talaga nitong mga kasama ko. Ewan ko ba.

"Eh saan ba kasi tayo pupunta?" Inis rin na sabi ni Drake. Aba, ba't ka rin inis?

"Umuwi muna tayo para mag-ayos ng gamit tapos dumiretso na tayo kila Kyla."

"Sama muna ako sa inyo." - Kyla.

Naisakay naman na namin kanina ang mga gamit namin na ginamit namin sa prom. Iuuwi nalang namin tapos mag-aayos ng panibago

Lumabas na kami sa cafeteria para magtungo sa parking lot. Nakakapanibago. Pagkalabas namin, wala na lahat ng nadatnan namin kaninang umaga. Wala na 'yung mga body bags and 'yung mga pulis. Malinis na malinis. Walang tao. Parang walang nangyari.

As usual, nag unahan na naman ang mga bata papasok. Buti nalang at may nakasakay na sa shot gun seat. Kahit naman may something ayokong palaging katabi 'yan. Baka mahuli pa kami. Hindi pa pwede.

Gaya ng napag-usapan, isa-isa kaming hinatid ni Drake. Sa akin sumama si Kyla. Tinulungan niya akong kuhanin lahat ng kakailanganin ko. Halos isang oras din kaming nag-ayos. Pagkatapos, tinawagan na namin si Drake. Dinaanan niya raw muna any boys then sunod na kami. Magkakalapit lang naman nga bahay namin eh.

Nang marinig namin ang busina, nagmadali kaming bumaba. Muntik pa akong madulas sa dami ng dala ko. Hindi ko alam kung retreat ba talaga pupuntahan ko o isang linggong bakasyon. Pasalamat nalang ako kasama ko si Kyla, tinulungan niya ako. Baka mag sort out rin ako mamaya sa bahay nila. Ang kailangan ko lang talagang gamit ang mga dadalhin ko sa retreat.

Umikot na si Drake sa subdivision para daan si Anne saka si Joyce.

"Sabi ko na parang isang linggong bakasyon rin ang pupuntahan nito ni Joyce eh." Natatawang sabi ni Kyla. We watched her as she struggles to carry her luggages. Itong boyfriend niya naman tinatawanan lang rin siya. Binatukan ko nga at sinabihan na tulungan niya jowa niya. Jusko.

After namin masundo lahat, dumiretso na kami sa bahay nila Kyla. Overnight ulit. Since wala pa rin naman parents niya. Wala rin Ate niya. Wala siyang kasama. Baka isang buwan pa raw bago makauwi parents niya. Grabe.

Nang marating namin ang bahay nila, binuksan muna ni Kyla ang gate tapos ibinaba namin lahat ng gamit para ipasok sa loob.

Nang maiayos namin, tumambay kami sa sala. Wala rin naman kaming gagawin. Malinis naman bahay nila Kyla. Baka paglilinis past time niya.

Kakaupo palang namin nang mag aya si Kyla na tulungan siyang ayusin gamit niya.

Inilock namin ang pinto at nagsi-akyat lahat. Ewan ko rin kung bakit para kaming buntot ng isa't isa.

Inilabas ni Kyla mga bagahe niya at mga damit. Pumunta rin siya sa banyo para kuhain mga toiletries niya.

Nagsimula na kaming mag tupi. 'Tong nga lalaki naman puro cellphone. Hayaan na. Nakakainis lang rin kung sasawayin pa sila.

"So... Anong gagawin natin? 'Di na ba talagang pwedeng mag back out?." Takot na tanong ni Joyce.

"Psh duwag." Bulong ko.

"Huwag na nga kayong mag-ingay, mag-ayos na lang kayo. 'Wag nang isipin 'yun, lalo lang nating tinatakot sarili natin." Matamlay na sabi ni Kyla.

Tumahimik na kami at muling nag ayos. May kakaiba talaga ngayong araw, pero I'll just ignore it, kill all the bad vibes, dapat masaya.

Alex

Nagkaayaan kaming mag ML kaya habang nag-aayos sila, nage-ML kami. Wala naman kaming alam sa ganyan. Binarubal ko nga lang gamit ko eh.

"So... Anong gagawin natin? 'Di na ba talagang pwedeng mag back out?."

"Psh duwag." Mukhang napalakas 'yun at narinig ni Joyce na nakasimangot na ngayon.

Huwag na nga kayong mag-ingay, mag-ayos na lang kayo. 'Wag nang isipin 'yun, lalo lang nating tinatakot sarili natin."

May kakaiba ngayon kay Kyla, 'di naman siya usually na ganito katamlay eh.

Tinapik ko siya. "Okay ka lang ba?" Napatingin siya sa akin.

"OKAY LANG AKO." Pasigaw niyang sabi. Nagdabog siya tapos nag walk-out. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Hindi naman siya ganiyan kanina.

"What's up with her?" Tanong sa akin ni Maria. "LQ kayo?"

"Gaga." Tinawanan lang ako.

Kyla

I know she's back, natatakot ako para sa mga kaibigan ko. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila edi sana sinabi ko na right away. Baka mapahamak sila nang dahil sa akin. O want to avoid them. Tatahimik nalang muna ako. Unti-unti ko silang lalayuan. Magpapaka-weird ako para hindi nalang nila mahalata na iniiwasan ko sila. I have this git feeling, on the way home, someone is watching us and it's not someone na kilala nila. I'm praying and hoping that tomorrow we will be safe and sound.

Naramdaman kong nay tumapik sa akin. I'm so frustrated and drowning in my own thoughts. Nahahaluan na rin 'yon ng inis.

Pagkatanong ni Alex kung okay lang ba ako, nasigawan ko siya. Dinabugan ko rin siya kaya nag walk out ako. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yun. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari sa amin. As long as she's around, I know na binabantayan niya kami, nandyan lang siya sa paligid. Wala kaming takas sa kaniya. Panigurado 'yun at 'yun ang ikinakatakot ko. Okay lang kung ako lang ang sasaktan niya pero hindi. Alam kong siya ang uubos sa amin.

No one can stop her. She's tough and strong and for sure even the devil is afraid of her.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now