Chapter 28

2.6K 65 15
                                    


Kyla

Pagkauwi namin kagabi, I got a text from the student council saying na obligado na kaming pumasok.

Pinapasok na kami kahit wala pang isang linggo ang break. Tapos na daw kasi  i-organize ang retreat. Getting a text the night before? Who does that? Sana man lang pinatapos na yung dahil ilang araw nalang naman.

I looked at the calendar sa phone. Thursday na pala ngayon, hindi ko namamalayan. Prom na pala bukas. I mean I'm excited and all pero siyempre, takot pa rin kami. Gustuhin man naming sabihin na may alam na kami sa kung sino ang killer, hindi namin magawa kasi kulang pa kami sa ebidensya. Sino ba namang maniniwala sa amin, 'di ba? We don't have a plan for tomorrow. It didn't occurred to me not until now. Well, alam naman na namin kung kanino kami lalayo at kanino kami lalapit. Pero yung kaligtasan ng iba naming kaklase paano? We have protect them at all cost. Nakakatakot na baka isa na naman sa amin ang mawala much worse kung lahat kami hindi na makauwi after that night.

Naalimpungatan ako mula sa pagmumuni-muni ko nang matanaw ko ang Hillton. Isang araw na naman ba ito ng impyerno? O langit muna para sa ngayon?



Bumaba ako nang kotse at nagbilin sa driver na sunduin ako agad dahil natatakot ako mag-isa. Mahirap nam Hindi rin naman ako sigurado kung may maghahatid sa akin or sasabay kung sakaling late na naman ako masundo. Nasa gate na ako at papasok na sana nang biglang may tumawag sa akin. Napahinto ako para hintayin sila.

"Kyla! Wait for us." Tumakbo sila papunta sa akin. "You know us right? We're classmates. If you don't noticed. You always hangs out with Drake's group kasi," nagsimula na kaming maglakad papasok sa PHU. "We always wanted to talk to you. You seem cool." This is awkward. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang maubusan ng hininga para matigil siya sa kakadaldal niya. "By the way I'm Jade and this is Khiell. Sa may middle kami nakaupo if you're wondering. Sabay ka sa amin mag lunch minsan." I have them an awkward smile para malaman nilang I'm not comfortable talking to them. They look like they're the chismosa type. I'm annoyed by their existence. I mean it.

Parang 30 minutes kaming naglakad sa dami ng chinika sa akin nitong Jade na 'to. Ni hindi nagsalita si Khiell. Alam niya ata at ramdam na hindi ko sila gustong kausapin or makasama. Ever.

Nakahinga ako ng maluwag ng marating namin ang room. Sinalubong ako ni Maria ng ngising nakakaasar. Ang aga aga naman kasi minalas agad ako.

"Wow you have new found friends." Pang-aasar niya sa akin.

"Shut up Lovely kung ayaw mong ipalo ko sayo 'tong bag ko." Inis kong tugon sa pang-aasar niya.

"Okay eto na, seryoso na. Sasama ka bang retreat? Would you take the risk?" Pagtatanong niya sa akin na may halong pag-aalala.

Sure na ako pero still, may pag-aalinlangan. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya.

Nagulat kaming lahat nang biglang tumunog ang bell. It is unusual.

All students are requested to come at the field for the Flag Ceremony and for the Announcement of our beloved Principal. Please report to the grounds immediately. That's all. Have a great morning to all of you.

Jusko, 'yon lang naman pala. Pinakaba pa kami. 'Di nalang sinabi na 'wag muna magsipasok sa room at magstay sa grounds. Pinahirapan pa kami mag-akyat baba ha.

Sabay sabay kaming bumaba ng barkada. Like what the plan is. 'Di pa nga kami sure kung uumpisahan na namin ngayon eh.

"Hi Kyla." Pagbati ulit sa akin ni Jade. Can someone shut her up already? She's getting on my nerves. Feeling ko gusto ko siyang saktan. Gusto ko manakit.

Nang makarating kami sa grounds. Pumila na kami ng maayos.

Humudyat na yung isang teacher, means na magsisimula na yung ceremony. Bilang mababait na mag-aaral, pumila kami ng maayos at tumahimik. It's easy. I don't know why some students can't do it.

Nagsimula nang kumumpas yung teacher na nasa stage kaya tumindig kami ng maayos at inilagay ang mga kamay namin sa dibdib.

Nang matapos ang assembly, nagsalita ang bago naming Principal. Dahil medyo matagal itong ted talk na ito or whatever it is called.

"Hoy babaita," sigaw na panimula ni Joyce. Mukhang may mapapagalitan mamaya. "Lalim naman ng iniisip mo. Ano naman naiisip mo diyan? Kabalastugan na naman 'yan no?" Tanong niya sabay tawa ng malaka.  Nasa likudan ko siya habang nasa harap ko naman si Maria, nasa likod naman ni Joyce si Anne. 

"Hoy ang ingay mo naman, kitang nagsasalita Principal sa harap. Gusto mo atang mapagalitan eh. Ang lakas ng boses mo. Saka hinaan mo ang tawa mo." Pag saway ko sa kanya.

Tumagal nga sa pagsasalita ang Principal. Mga 30 minutes na siguro pero alam kong patapos na.

Pinatayo na ang lahat, hudyat na tapos na ang ceremony. Pumila pa rin kami ng maayos para walang stampede na maganap. By section ang pag akyat kaya't kami ang huli. Ano pa bang bago doon? Mabuti na rin at kami ang huli para hindi kami masabay sa bungkos ng mga estudyante.

Then, anxiety attacked me again. I'm also having a panic attack. It is out of nowhere. Mild pa lang. Siguro dahil 'to sa pag-iisip sa kung ano ang pwedeng mangyari  bukas sa prom. Pero isasantabi ko muna iyon.

Mabilis lang at nakarating na rin kami sa room. Dire-diretso lang kami hanggang sa lahat kami ay nakapasok na.

"Anong nangyayari sa'yo Ky? Hindi ka ganyan kanina no'ng pagpasok mo ha? May sakit ka ba?" pagtatanong ni Maria.

"Wala 'to, wala lang ako sa mood. Makinig nalang tayo sa lesson." Pagtugon ko.

Something doesn't feel right pero hindi ko alam kung ano nga ba 'yon.Pilit akong binabagabag pero hindi ko alam saan nanggagaling ang pakiramdam na 'to.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa discussion. Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit ang tamlay ko.

Nagulat na lang ako nang lapitan ako ng teacher namin.

"Ms.Reyes, you look so down and you're pale. Are you okay?" Tanong sa akin ng teacher namin.

Tumango ako saka ngumiti bilang pagtugon sa tanong niya sa akin.

Bumalik na sa paglelesson ang teacher namin nang maramdaman kong may nagbi-build up na kung ano sa lalamunan ko. Para akong nasusuka. Kaya agad akong nagtaas ng kamay.

Napukaw naman noon ang atensyon ng teacher ko.

"Yes, Ms. Reyes?"

"Ma'am, may I go out?"

Tinanguan ako ni Ma'am. Pagtapos noon ay nagtatakbo na ako papunta ng c.r.

Baka kasi dito pa ako abutan at magkalat ako. Ako pa ang maglilinis noon.

Pagkarating ko sa restroom, agad akong nagbukas ng cubicle at saka doon ako sumuka ng sumuka. 

Papalabas na sana ako ng restroom nang maramdaman kong para naman akong nahihilo. Hinawakan ako ang ulo ko at pinilit ko pa rin na maglakad pero hindi ko kinaya. Napaupo ako sa sahig. Ang tangi ko nalang naalala ay napahiga ako sa sahig.


Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now